Chapter 17

2933 Words
I got hypnotized. The way he looks at me, parang ginawa niyang trap ang mga mata niya para mabitag ako. Bumaling siya sa kanang kamay ko at may dahan-dahan siyang nilagay sa daliri ko. "Ano 'to?" I glanced to it. "Tulip ring", he kissed the ring and so my hand, "Do you like it?" Gold ang ring at mabigat 'to sa daliri. Saan niya galing 'to? Tumingin ako sakaniya, "A-Anong ibig sabihin nito, Eli?" "I'll wait 'till it turn out to be a love", he kiss my forehead and I let my eyes close as I am enjoying the feeling. Habang naglalakad kami, hawak-hawak niya ang kamay ko kung saan niya nilagay ang singsing sa daliri ko. Pinaglalaruan niya ito at iniikot-ikot pa habang ang isang kamay ko ay nasa dibdib ko. Parang tinutusok ang puso ko pero hindi sumasakit. What was this? Tinatalo ng mabilis na heartbeat ko ang pagtusok sa puso ko kaya hindi ko maramdaman ang sakit. "Uhm, Eli..." "Yes?" His voice suddenly become firm. "Naalala mo dati na lagi kita pinapapili kung one or two?" "Uh-huh? What about that?" I bite my lower lip, "Eh kase, ginagawa kong basehan ang sagot mo para sa tanong na hindi ko magawang itanong sa'yo" "Anong tanong, martha?" "Well... Kase, I was curious before kung ano..." Hindi ko magawang sabihin dahil nahihiya ako. "What martha?" "Lagi mong hinahawakan ang kamay ko, like... You seem so comfortable about it you hold my hand without any hesitation... So, I don't know what was that" He licked his lower lip at biglang kinikiliti ang tyan ko. "Eli... Pumili ka 1 or 2? This time, eto na ang last" Lumingon siya sa'kin at bumaling ulit sa harap, "Pa'no kung piliin ko yung dalawa? One and two" "Hindi pwede! Dapat isa lang", I said. He stop walking and he faced me, tumitig siya sa mga mata ko at hindi pa rin niya binitawan ang kamay ko. "I hold your hand because I don't want you to go. As much as I can, I'll never let you go. I can't... Because Martha, I really love you" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya dahil iba pa rin talaga kapag nanggaling sakaniya. "... And because I love you, I'll make sure not to let you go" Nanatili kaming tahimik and the way he said it, I know it's true. It's pure and real. Sa aming paglalakad dito sa may garden, may nakita kaming isang kubo. Parang sa mga fairytale, napapalibutan ng bulaklak ang maliit na kubo. "Eli... Wait, pwede ba tayong pumasok do'n?" I don't know why I feel so curious about it. Gusto ko lang makita para matahimik ako kung anong meron sa loob ng kubo. Eli lead the way at hindi niya pa rin inaalis ang pagkakaahwak sa kamay ko. Nang pumasok kami, may tumunog na chime sa may pintuan at nalaglag ang panga ko dala ng gulat. Sa labas makikita mo na simpleng kubo lang 'to na may mga nakapalibot na bulaklak, pero sa loob nito parang isang hotel. Chandeliers, gold tables and chairs at may mga glass of wine na nakasabit. Lumingon ako kay Eli at tulad ko'y tumitingin sa loob ng kubo nito, "I didn't know that there's a place here like this" bulong niya sa tenga ko. Biglang may babaeng bumababa sa hagdanan. ---5th Soul--- She's beautiful and elegant. Tingin ko ay nasa mga 50 years old or more na dahil sa mga wrinkles at paggalaw. Yet, makikita mo kung gaano siya kainhin at kaganda. She's wearing a white dress, abot hanggang paa. Tumingin siya sa'min at ngumiti siya gano'n din ang kaniyang mga mata. Her eyebrows were fixed and her eyelashes were curled. Maganda siya lalo na kapag may nakalagay na make-up. "Hi dear", bigla niya 'kong niyakap. "Come here" Nilahad niya ang kamay niya para hawakan ko at hinawakan ko naman ito. Ang lambot ng mga kamay niya. Pinaupo niya kami at may mga pagkaing nakahain sa lamesa, iba't-ibang putahe. "Is he your husband?" She pointed Eli at nagkatinginan naman kami. I saw a glimpse of smile in Eli's lips. Umiling ako, "Uh, hindi po", tsaka akong ngumiti sakaniya. Ngumiwi siya, "Oh? Then what was that for?" Turo niya sa singsing na suot-suot ko. "Binigay po ni Eli", napakunot ang noo niya. Oo nga pala hindi ko pa pala siya napapakilala, "Uh, yeah. Uhm... This is Eli," turo ko kay Eli at tumayo kami at gano'n din siya, naglahad ng kamay si Eli, "and I'm Martha" ngumiti ako sakaniya. Nakipagkamayan kami sakaniya, "I know" tsaka siya ngumiti. "Sige na umupo na kayo" Umupo na kami at hindi matanggal tanggal ang ngiti ni Eli. Mapalad ang mga ngiti niya at kinakagat pa ang mga labi na para bang nagpipiggil ng ngiti. What's wrong with this man? "I like the ring", biglang wika ng babae, "It's a tulip ring, and it molded perfectly. Ang galing mong gumawa ng singsing, hijo" tumingin siya kay Eli at ngumiti. At eto namang si Eli mas napangiti pa sa sinabi ng babae. "Thank you ma'am", sagot niya. Kumunot ang noo ko. Bakit ba kilig na kilig si Eli? Ngayon ko nalang nakita 'tong ngumiti nang malapad at nawawala na ang mga mata niya dahil sa pagngiti. The last time na nakita ko 'to ay nung kasama pa namin si Baby Gab. Tsk. Kumuha ako ng prutas, mansanas. Ang kaso ayoko ang balat nito dahil hindi ako kumakain ng balat kaya kailangan ko pang i-peel 'to. Inagaw naman 'to ni Eli at kumuha ng maliit na kutsilyo. Walang kahirap hirap niya itong binabalatan. Nang natapos niyang balatan ang mansanas, kumuha pa siya ulit at gano'n din ang ginawa niya. Pinapanood ko lang siya dahil ngayon ko lang siyang nakitang gawin ang mga ganitong bagay. Katapos niyang balatan, hiniwa niya ito sa maliliit na parte at ibinigay na sa'kin, "Do you want anything else?" Bigla niyang tanong. Tamad naman akong umiling tsaka ko kinain ang mga hiniwa niyang mansanas. Ngayon ko lang napansin na pinapanood kami ng babae habang ngumingiti siya. "Eli, you're indeed a man. So, kailan ang kasalan?" Eli chuckled sabay simsim sa iniinom niyang wine at nanlaki naman ang mga mata ko. Bakit ba abot langit, what I mean... Bakit sobra nalang siya makangiti kapag may sinasabi ang babae sakaniya? Bumaling ulit ako sa babae at sobra naman din ang tuwa nito. Martha... You're not jealous, right? Nilapit ko ang upuan ko kay Eli at nang nakita niyang nahirapan ako inusog niya ito gamit ang isang kamay. Bumulong ako sakaniya, "Eli.." "Yes, wife?", he whispered. I bite my lower lip, "Stop smiling" I said bitterly. "Why?" Hindi ko siya sinagot at naghiwa ako ng beef while gritting my teeth. "I suddenly remember the years when I was alive, when I'm so badly inlove", tumatawa pa siya habang dahan-dahang naghihiwa. Napatingin ako sakaniya habang si Eli ay naghihiwa rin ng beef. Nilagay niya ito sa plato ko. Bumaling ulit ako sa babae at nag-aabang ako ng sasabihin niya habang may mga ngiti siya sa kaniyang labi. "I was so inlove, we were" humagikgik pa siya, "turning the odds into even, making the the promises become true and believing that the love you both made will last", tumingin na siya sa'kin na puno ng sakit, "but everything we have. Suddenly, fade and turn into nothing" Nagkibit-balikat siya, "Wala na'kong ginagawa kung hindi tanggapin nalang. Na hindi siya para sa'kin" I pouted and I felt hurt to what she've said. "Masakit po talagang tanggapin na may mga kailangan tayong iwan sa mundo na mahirap dalhin at makasama sa langit" I sighed. "What are you talking about, dear?" She asked while raising one brow. Nanlaki ang mga mata ko, "Your lover, hindi po ba naudlot ang pagmamahalan niyo kase..." Naging mahina ang mga salita ko dahil sa natanto. Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa lamesa, "No, dear", she laugh, "you're thinking if I left him in earth, right?" Umuling siya, "But that's not the case. Patay na rin siya tulad ko" "Ibig sabihin nakita niyo na siya sa langit?" "Absolutely", she smiled sweetly. "Then, where is he?" "You'll see him eventually", hindi nawala ang ngiti niya. "Aren't you curious about our story?" She asked me confidently. "How did it started?" Suddenly, Eli pull my chair more closely to him and he laid his arm on the backrest of my chair. Para tuloy kaming nakikinig sa isang fairytale. Na kaming dalawa ni Eli ay mga batang naghihintay ng kwento galing sa isang fairy Godmother. "I met him in an island. Isa siyang mayaman, gwapo at mapagbigay na tao. Ang parents niya ay mang-ari ng islang 'yon. Habang ako, anak ako ng mga nangangalaga sa isla. Just like a king living in a palace and there he met a servant" Nagpatuloy siya, "But the real thing is... I hate powerful people. Ayoko sa mga taong mayayaman. Mapagmataas at matapobre, pero biglang naglaho ang pananaw kong 'yon dahil sakaniya. He change my perspective into vibrant one. Into meaningful, kaya gano'n nalang para sa'kin kadali na magustuhan siya" "Did he pursue you?" Tumango siya, "Siya ang unang umamin na gusto niya 'ko, na mahal niya 'ko. Kahit nasa Maynila pa siya, sisikapin niyang lumuwas at bumyahe para lang mapuntahan ako. We even made a future together. But I guess, being inlove is an illusion" "What happened?" Tanong ko. "He was destined to marry someone else... And with my bare eyes. I saw how he kissed that woman in front of many people. Lahat ng mga pangako namin, nawala. I heard how he promised to that woman, sharing vows and kisses and it feels like my heart is tearing slowly and falling" My brows furrowed and I suddenly felt pity, "That was tragic" Tumango siya at tipid na ngumiti, "Pero alam mo martha... Dito sa langit, ako ang pinili niya. Ako ang minahal niya. Tinuloy namin sa langit ang pagmamahalan na naudlot sa lupa" "I guess it's kinda relieving to know that", bumawi ako ng ngiti sakaniya. "How about you and your husband? I mean..." Tumawa siya, "future husband, kayo ba bakit hindi kayo nagpakasal sa mundo?" "Our story isn't in the Earth", si Eli ang sumagot. Kasal? Husband? Bumaling ako kay Eli at sumisimsim siya ng wine habang tumititig sa'kin. "Uhm, dito ko lang po siya-" "Martha..." Pagsingit ng babae. Tinitigan niya 'ko sa mga mata, "I never had the chance to meet you in earth, and now I'm so happy that I've finally meet you... At last here in heaven" Bigla akong napatitig sa singsing niya, kumikinang ang maliit na perlas sa kaniyang daliri. Napatingin din siya ro'n, "Ohhh, he gave me this" turo niya sa singsing. Dahan-dahan akong tumango dahil parang nakita ko na ito. Hindi ko lang alam saan at kailan. "Promise ring 'to at nakuha niya 'to sa isla", she added and smiled. "He made this by himself and he's proud of it", she laugh with a teary eyes. Tumitig ako sakaniya at masasabi kong tunay nga siyang nagmahal. Na kahit sa mundo, pinagkait sila ng pagmamahal pero dito sa langit, walang makakapagpigil sakanila at tinuloy pa rin ang naputol na pagmamahalan. Eli whispered at my ear, "I'll make you more flower ring" Bumaling ako sakaniya at tumawa ako, "What?! Are you serious?" He chuckled, "Lahat ng klaseng bulaklak gagawin kong singsing. Wala kang tiwala sa'kin, huh?" Tumawa ako at hinimpas ko ang braso niya, he chuckled more na para bang tuwang tuwa siya sa ekspresyon ko, "Baka kapag nakita mo ang mga singsing na ginawa ko, kahit sa mga paa mo pwede mong ilagay 'yon. What do you think?" "Are you tipsy?!" Tumawa ako dahil nakita kong naubos niya ang bote ng wine. Kaya naman pala tahimik siyang nakikinig sa'min habang nagkukwentuhan. "I'll get you water", sabi ko at aambang tatayo na'ko nang hinawakan niya ang palapulsuhan ko. May binulong siya sa tenga ko, "Please, don't leave" Inalis ko ang pagkakahawak niya, "I'll be back", I whispered softly with an assurance. Humarap ako sa babae na hanggang ngayon titig na titig sa kaniyang singsing, "Uhm, I'll just get water ma'am" tumingala naman siya sa'kin at tumango. Pumunta ako sa kusina at kahit pati dito ay puno ng ginto. Kumuha ako ng pitsel at baso. Medyo natagalan pa'ko dahil hinanap ko pa ito. Nang bumalik ako sa dining, nakita kong nag-uusap silang dalawa. Nakatalikod sa'kin si Eli at nakita kong hawak-hawak ng babae ang kamay ni Eli. Agaran akong pumunta habang nakakunot ang noo. Nakita kong napatingin ang babae sa amin at tinapik niya ang kamay ni Eli. "Keep that in mind", wika nito kay Eli. Kinuha ng babae ang dala-dala ko at may nilagay si Eli sa bulsa. At inusog niya muli ang upuan ko papalapit sakaniya. Binuksan ko ang isang wine at umusog ako. Hinila niya ulit ito at may binulong, "What's wrong? Do I smell bad?" He even pouted kaya naman imbis na mapikon ako ay umusbong ang konsensya ko. Dahan-dahan akong umusog papalapit sakaniya. "I love you", he suddenly whispered, "I'll marry you" Napabaling ako sakaniya at kinilig naman ang babae. Kahit bulong lang ang pagkasabi ni Eli, nakuha niya pang marinig. Eli held my hand and interlocked it while he rest his head on my shoulder at inaamoy niya pa'ko. Bigla tuloy akong nahiya. "He's sweet isn't he? Tanong ng babae habang pinagmamasdan kami. "I'm sorry, I bet that the wine kicked him so hard. Siguro hindi siya umiinom ng alak noong nasa lupa palang siya", I said. "Siguro? Hindi ka sigurado?" Her brows met. Tumango ako, "dito lang kami sa langit nagkakilala. So weird, right?" Sumimsim ako ng wine. "I doubt, Martha" she look serious now. Nagtaas ako ng dalawang kilay. "I mean, maybe hindi mo siya nakilala sa mundo pero, I am sure your life before was tied in his life when he was alive. With his soul. Kaya naman siya ang kasama mo ngayon" Napakunot ako ng noo, gano'n din ang sinabi sa'kin ni Sir Ben. "What do you mean?" "Martha, that man will change you. He is the most important soul you've met here in heaven" "I don't understand, either" He hold my both hands, "When my man died, ako ang naging tour guide niya rito sa langit. In his journey, we built our love again. Nagsimula kami, dahil noong nabubuhay palang kami... May pangako kaming hindi natupad. Kaya kailangan namin tuparin 'yon dito sa langit" "Ibig sabihin may rason kung bakit siya ang kasama ko?" I asked. Tumango siya, "Yes, but I don't know what was that" Uminom siya ng wine niya at bigla naman akong nagtanong sakaniya, "Paano kayo namatay?" She wiped her mouth gracefully with a table napkin, "I was died in illness" Tumango ako, "Alam po ba nung minahal niyo na nagkasakit kayo?" Tumango siya, "Nalaman niya na may sakit ako ay huli na no'n. I was dying back then. At nakabuo na siya ng pamilya. She even had a beautiful daughter. Ang kaso hindi alam ng asawa niya na nakikipagkita siya sa'kin and when she knew it, hindi pa rin ako tinigilan at hindi niya 'ko pinabayaan" "I'm sorry for bringing it up" "It's okay my dear" she smiled at nagsalin ulit ng wine. "Hindi po ba kayo nagsisisi na pinaubaya niyo siya sa iba?" She sighed and look above, "I am... But I can say it's worth it" "Why?" "Kahit na nagkaroon siya ng pamilya, inalagaan niya pa rin ako nang nalaman niyang may sakit ako at mamamatay na. Siguro hindi ko rin siya mabibigyan ng pamilya no'n. I was dying because of a disease at ang makabuo ng pamilya ay ang pangarap niya. Ang magkaroon ng anak ang gusto niyang maranasan. So, I let him go" Pinagsiklop niya ang mga kamay niya at tumitig na sa mga mata ko. "He even said to me that his daughter was such a lovely kid. A beautiful and charming girl. Tuwing bumibisita siya sa'kin, walang araw o oras na hindi niya binabanggit ang anak niya sa'kin. Nakikita raw niya ako sa mga mata ng batang 'yon", she giggled. She smiled, "At alam ko sa sarili kong hindi ko pinagsisisihan ang lahat ng naging desisyon ko. I chose to love him... And to let him go" "You're so strong", bulong ko pero tama lang na narinig niya. "Ikaw din. I guess we have the same soul", tumawa siya at ginantihan ko siya ng ngiti. "Masaya ako na ngayon ay nakikita ko na ang mga mata mo, Martha. I can even touch you. Dati hanggang imagine lang ako sa'yo pero ngayon, this is real" "Bakit hindi kita maalala?" "Dahil hindi mo naman ako kilala. Dito mo lang ako nakilala, martha" "Then, what's my connection with you? Bakit isa ka sa mga taong nakilala ko rito sa langit?" She touch my cheeks at hinahanap niya ang mga mata ko, "It's because, we have a similar story even a bit. I guess, I am the way for your realization, because martha, you need it" "What was that?" "Malalaman mo rin...Bukod pa ro'n, bago ako namatay pangalan mo ang huli kong sinabi" Nanlaki ang mga mata ko sa gulat, why? "Bakit pangalan ko?" "Dahil iyon ang salitang huling narinig ko sa taong mahal ko bago ako mamatay" Napalunok ako at kinagat ko ang pang-ilalim na labi ko, "W-Who are you?" Tanong ko She smiled widely, "Kanina ko pa hinihintay ang tanong mo na 'yan" "Sino ka?", I repeated She faked her cough, "Martha..." Nagtaas ako ng kilay at nag-aabang sa sagot niya. "My name is Martha" Tumaas ang mga balahibo ko sa narinig. "... And I'm your father's first love"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD