4

1955 Words
ILANG araw na hindi mapakali si Cristina. Kaagad din niyang nabatid na hindi maaaring hindi niya alamin ang tungkol sa ilang bagay-bagay. Dahil may access sa listahan ng mga empleyado, kaagad nahanap ni Cristina ang isang Princess Velasquez. Clinical instructor at part-time staff nurse ang babae sa Intensive Care Unit. Madalas na ka-shift nito si Marlon. Isang umaga ay pumuslit siya sa trabaho para sumilip sa ICU. Dahil nakuha niya ang schedule ni Princess, alam niya na naroon ang dalaga kasama ang mga estudyante nitong nursing students. Kaagad niyang nakita sina Marlon at Princess sa nurses’ station. Nagtatawanan ang dalawa. Isang love song ang banayad na tumutugtog mula sa speaker ng ICU. They were swaying to the music, making jokes, and silently laughing. Habang lumilipas ang bawat sandali na pinanonood niya ang dalawa ay mas naninikip ang kanyang dibdib. Kabisado na niya ang ganoong ekspresyon sa mukha ni Marlon. Kabisado na niya ang body language nito. Kabisado na rin niya ang ganoong tingin at paraan ng pagkinang ng mga mata. Marlon was in love. And again, not with her. “Hey, Cristine.” Napapitlag si Cristina at kamuntikan nang mapasigaw nang marinig ang tinig ng isang lalaki sa kanyang likuran. Paglingon ay nakita niya si Dr. Noah Manzano. Papasok sana ang doktor sa loob ng ICU. Bahagyang nagsalubong ang mga kilay nito sa pagtataka. Pinagtatakhan marahil kung ano ang ginagawa niya roon nang ganoon kaaga. Dahil hindi alam kung paano magre-react, ngumiti na lang si Cristina kagaya ng nakagawian. Nagpasalamat siya nang pumasok na sa loob ng ICU si Dr. Manzano na walang anumang sinasabi. Sa loob ng tatlong araw ay inobserbahan ni Cristina si Marlon. Sabay pa rin silang nagtatanghalian. Hinihintay niya sa tuwina ang sasabihin nito tungkol kay Princess. Nainip na siya sa paghihintay ngunit wala pa ring nababanggit sa kanya ang kaibigan. Kahit na labis nang naiinis at nagtatampo, hinayaan lang niya ang kaibigan sa pananahimik. Isang Linggo ng umaga ay naisipan ni Cristina na puntahan sa apartment nito si Marlon. Nagdala siya ng take-out na almusal. Hindi na sila magkapitbahay ni Marlon pero halos walking distance lang ang layo ng apartment nilang dalawa. Hindi siya madalas lumabas ng bahay tuwing araw ng Linggo. Mas gusto niyang magkulong at gumawa ng ilang project at commisioned work, ngunit na-miss niya ang matalik na kaibigan. Gusto niyang matawa dahil hindi naman dapat niya ma-miss si Marlon pero iyon talaga ang kanyang nadarama. Nami-miss niya ang tapat na Marlon. Ang Marlon na sinasabi sa kanya ang lahat. Si Princess ang nagbukas ng pinto sa kanya. Napatulala na lang siya sa nakitang ayos ni Princess. Suot nito ang isang lumang T-shirt ni Marlon. T-shirt na sa kanyang palagay ay siya pa mismo ang nagbigay. Abot hanggang sa kalahati ng hita ni Princess ang hem ng kamiseta at hindi niya sigurado kung may pang-ilalim na suot ang babae. Hindi na niya kailangang tanungin kung bakit ganoon ang ayos nito, kung bakit naroon ito nang ganoon kaaga. “Cess, sinabi ko naman na huwag kang magbubukas ng pinto na ganyan ang ayos mo.” Napatingin si Cristina kay Marlon na kalalabas lang ng banyo. Kaagad namilog ang mga mata nito nang makita siya sa may pintuan. “Si Tinay lang naman, eh,” sabi ni Princess. “Gutom na gutom na ako. Ang tagal ng pagkain na in-order mo.” Sa loob ng mahabang sandali ay tahimik lang na nagkatinginan sina Marlon at Cristina. Guilt was written all over Marlon’s face. Patuloy sa paninikip ang dibdib ni Cristina. Gusto niyang mapabulalas ng iyak ngunit pilit niyang pinigilan ang sarili. Hindi siya bibigay sa harap ni Princess. Humugot siya ng malalim na hininga. Mahinahon niyang iniabot kay Princess ang supot na naglalaman ng dalang almusal. Nang tanggapin iyon ng babae ay dahan-dahan siyang pumihit patalikod at naglakad palayo. Hindi niya mabilisan ang lakad dahil struggle sa kanya ang bawat paghakbang. Umaasa rin marahil siya na susundan siya ni Marlon para magpaliwanag. Hanggang sa makauwi siya ng bahay ay walang Marlon na sumunod. Imbes na umiyak ay pumunta si Cristina sa kanyang craft room at pilit na itinuon ang buong pansin sa ginagawang mini baby album para sa isang regular na kliyente. Sinubukan niyang kalimutan ang nakita. Paulit-ulit niyang sinabi sa sarili na magiging maayos ang lahat. Makailang beses na siyang dumaan sa ganito. Walang naiba sa sitwasyon. Pero bakit hindi niya ganap na makumbinsi ang kanyang sarili? May iba kay Marlon sa pagkakataong iyon.   “CAN YOU actually believe this happened?” natatawang tanong ni Noah kina Andrew at JC na kasama niya sa mesa. Nakatingin silang tatlo sa dance floor kung saan nagsasayaw ang mag-asawang Garrett at Johanna. Garrett was a known womanizer in the hospital. Walang naniwala noong una na seseryosuhin nito ang bagong scrub nurse na si Johanna. Hindi inakala ng marami na magpapakasal kaagad ang mga ito. Si Garrett ang huling naisip ni Noah na magpapatali sa matrimonya ng kasal. He guessed love really worked in mysterious ways. “Maybe it’s just finding the right woman,” ani JC. Tumango siya bilang pagsang-ayon. Johanna and Garrett were a lovely couple. Masaya siya para sa dalawang kaibigan. Alam niya na may mga couple na pinapalad. He was quite certain Garrett and Johanna would grow old together. Nakadama ng kaunting inggit si Noah. Normal lang naman marahil ang ganoon. Isa-isa nang nagpapakasal ang malalapit niyang kaibigan sa ospital. Ang mga kaibigan niya sa labas ng ospital ay kasal na halos lahat. Napatingin siya kay JC. Mukhang hindi naman nito nadarama ang anumang nadarama niya. He didn’t look interested in marriage. Napatingin siya kay Andrew. Lalong hindi interesado ang kaibigang pediatric surgeon. Nakatuon ang buong atensiyon nito sa mga pagkain sa hapag. Hindi kaagad sumuko si Noah. “Do you guys think we can be as lucky as Garrett?” Parehong nangunot ang noo nina JC at Andrew sa labis na pagtataka. Bukod sa hindi ganap na maintindihan ng dalawa ang kanyang itinatanong, pinagtatakhan din marahil ang ganoong tono niya. “It’s a wedding reception,” pagdepensa ni Noah. “I’m not being all romantic, it’s just the atmosphere. Iniisip ko lang kasi, pinalad si Garrett na walang kasimbabaero na makahanap ng isang napakabuting babae. He found the perfect girl for him. Bakit hindi tayo na,” tumikhim siya, “mabubuting lalaki?” “Life isn’t fair,” walang anumang sabi ni Andrew bago muling binalikan ang kinakain. Hinayaan na lang ni Noah ang kaibigan dahil alam niyang mahabang oras ang ginugol nito sa loob ng operating room para maisalba ang buhay ng isang munting bata. Ngayon lang yata nakakain si Andrew. Napangiti si JC. “Tama si Andrew,” sabi nito. “May mga bagay na nangyayari na hindi natin inaasahan. Mga bagay na kumbinsido tayong hindi natin deserved.” Sang-ayon si Noah sa sinasabi ng mga ito. “But have you ever thought of settling down? Nagtatanong lang ako dahil nasa wedding reception tayo, ha. Ang mga ganitong okasyon ang nagpapaalala sa atin na hindi na tayo bumabata. Kung gusto pa nating makalaro ng basketball o maisayaw sa debut nila ang mga anak natin nang hindi sinusumpong ng rayuma, kailangan na nating magsimula sa pagpapamilya.” It was just so ironic none of them had a girlfriend. Halos sabay na nagkibit ng mga balikat sina JC at Andrew. “I’m not having a kid,” ani Andrew. “`Been there, done that,” sabi ni JC. “Well, not really. Almost.” Pinaglipat-lipat ni Noah ang tingin kina JC at Andrew. “You’re not having a kid?” tanong niya kay Andrew. “Dude, you work on kids.” Ikinagulat talaga niya, sa totoo lang, ang bagay na iyon. Hindi marahil nila napag-uusapan nang madalas ngunit hindi talaga niya inakala na hindi gustong magkaanak ni Andrew. “Precisely,” tugon ni Andrew. “I work on suffering children and babies on daily basis. Nakikita ko palagi kung paano nagdurusa ang mga magulang. What makes you think I would want a kid?” Tumango si Noah kahit na alam niyang hindi healthy ang ganoong pag-iisip. Naiintindihan niya. Hindi naman kasi madali ang trabaho nila. Tumingin siya kay JC. “You got married?” “Almost. I took her to a jeweller’s store. Alam n’yo `yong eksena sa Sweet Home Alabama? Ganoon. I let her choose her diamond. She said ‘yes.’ Everything was perfect. Hanggang sa umuwi siya rito sa Pilipinas at nakita niya uli ang kanyang first love. She realized she’s still in love with him.” “You let her go?” hindi makapaniwalang tanong ni Noah. JC looked and sounded like he got over the heartbreak but it must be hard. Naka-move on na marahil ang kaibigan dahil hindi naman siguro ito uuwi ng Pilipinas kung hindi. “What other choice do I have?” Hindi siya makasagot. Napaisip din siya. Oo nga naman, ano ang ibang pagpipilian ni JC kung nabatid ng babaeng mahal ng kaibigan na may iba itong mas mahal? Inisip niya kung ano ang kanyang gagawin kung sa kanya nangyari ang ganoon. “Do not fall in love with a girl who’s been crazy in love with her first love,” ani JC. “Mahirap kalaban ang first love.” Tumango-tango si Andrew. “Never ever do that.” “Madalang na madalang na nakakatuluyan ng isang tao ang kanyang first love.” “First loves are complicated, and fun, and sad, and freakin’ annoying,” sabi ni Andrew. “They screw up your next relationships. They become the standard. They are annoying.” Natawa si Noah sa tono ng kaibigan. “Saan mo hinugot `yan?” Maging si JC ay natawa. “Ni hindi ko na maalala kung sino ang first love ko.” “Good for you,” sabi ni Andrew. “Pero sa palagay ko ay igigiit ko ang sarili ko,” sabi ni Noah kay JC. “Sa palagay ko kasi, hindi ako ang tipo ng taong kaagad sumusuko—no offense, dude. Baka confused lang siya sa feelings niya sa nakaraan.” Natawa si Andrew. Umiling-iling. “Gaano katagal ang nagiging relasyon mo, Noah?” Bago pa man siya makasagot ay naunahan na siya ni Andrew. “Three months na yata ang pinakamatagal. At hindi pa man nakakalipas ang isang buwan minsan ay may bago ka nang girlfriend. You make things official. You put a label on relationships. You even introduce them to your friends and family. But other than those, you’re basically Garrett pre-Johanna.” “That is not true!” maigting niyang tanggi. “You’re my friend for a long time now, Noah. Trust me, everyone knows that. Now, can we stop talking like we are a bunch of silly romantics? Yes, nakakainggit sina Garrett at Johanna. Some of us wants the same love and happiness, blah, blah. But we are all currently not in a relationship and none of us is getting married soon. Let’s just eat and be happy with the newlyweds.” Itinaas ni Andrew ang champagne flute. “Mazeltov,” anito sa gawi nina Garrett at Johanna bago tinungga ang laman ng flute. Nakigaya na sila ni JC. Hanggang sa makauwi ay iniisip ni Noah ang mga sinabi ni Andrew. Was he really Garrett pre-Johanna? Ipinilig niya ang ulo. Lahat ng babaeng naging karelasyon niya ay naging mahalaga sa kanyang puso. Mayroon silang koneksiyon ng kapareha. Yes, there were casual flings and one-night stands but they were rare. Hindi siya madaling sumusuko sa anumang relasyon. Patutunayan niya iyon sa kanyang susunod na relasyon.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD