(EMERALD’S POV) Panay ang buntonghininga ko habang nakatingin sa dalawang kapatid ko na ngayon ay katulong ni Ina sa nagluluto ng makakain namin. Ako naman ay nag-iisip kung saan ko mahahanap ang dalawang kapatid ko, nag-aalala na rin kasi ako sa kanila . . . Hindi ko rin alam kung na saan ang dalawang anak ni Reyna Corale. Hanggang sa mapatingin ako sa kawal na nobyo ng kapatid ko na si Kumal. . Alam kong panay ang manman nito sa palasyo at nagbabakasakaling makita si Vepe. “Ano’ng balita Kumal? May nasagap ka na bang balita tungkol sa mga kapatid ko?” tanong ko agad sa lalaki nang makalapit ito sa akin. “Pasensiya na po, Binibining Emerald. Ngunit wala pa po. Pero kapag sumapit ang gabi sa susunod na araw ay papasokin ko ang palasyo.” “Kung balak mong pasukin ang palasyo ni Gobern

