(BAWANE’S POV) KASALUKUYAN akong nandito sa aking kwarto habang naghihintay sa pinagkakatiwalaan kong kawal. Ang tagal nila kaya nakaramdam ako ng pagkainip. . Hanggang sa mabilis akong lumapit sa pinto ng silid ko para lumabas upang sumagap na rin ng sariwang hangin. . . Ngunit biglang nagsalubong ang kilay ko nang dali-daling lumapit sa akin ang isang kawal ko. Nakakunot ang aking noo habang nakatingin dito. Tumingin muna ito sa kaliwa at kanan upang tiyakin kong may ibang tao ba sa paligid. . . “Binibining Bawane, may problema tayo! Nalaman ni Binibining Emerald na iilang tao lang ang binibigyan natin ng mga pagkain. . . Ano man oras ay puwede na itong malaman ni Master Isaac…” bulong ng lalaking kawal ko. Talagang gulat na gulat ako dahil sa aking narinig. Tama nga ang aking hina

