(EMERALD’S POV) IILING-ILING na lamang ako dahil sa aking nalaman. Galit na galit si Isaac dahil balak ng lola nito na ipakasal sa babaeng ‘yon. . . . Baliw rin ang matandang ‘yon. Hindi nag-iisip. May Gosh! Tandang-tanda na, utak talangka pa rin. . Muling umikot ang mga mata ko sa buong paligid. Ano’ng oras na kaya? Hindi kasi gumagawa ang relo ko. Ngunit umaga pa rin. Walang pagbabago. Matindi pa rin ang sikat ng araw. Kailangan ko nang kumilos. Agad akong umalis sa harap ng bintana. Dali-dali akong nagpalit ng damit. Wala namang pinagbago sa suot ko. Puro itim pa rin. Agad kong kinagat ang long coat at agad n inilagay sa aking katawan. Kinuha ko ang aking baril para ilagay sa likod ko. Dinampot ko ang kulay itim na balabal ko upang ibalot sa aking mukha Tanging mata lang ang nakiki

