But I don't wanna dance…
If I'm not dancing with you…
I pressed the button on my earphone, and the music abruptly stopped. That's one of Taylor Swift's songs titled 'Holy Ground.' It manifested how a once good relationship just ended. Just like other relationships do. But, my mind wasn't on the relationship the songs were telling. I'm into something. Something I almost forgot, something I left behind, and something I regret I didn't do.
I leaned back in my chair sitting sideways at the wide squared window, letting my arms and elbow rested at the armchair. My gaze stared down at the teens practicing their dance moves at the side of the street. They're laughing and merrily chatting as they dance. The happiness and contentment were shown on their faces every time they discovered new moves.
I pursed my lips with a small sad smile.
I used to be like that. I used to be a jovial and enthusiastic dancer. I'm so full of compassion in dancing that I almost let it make my world go round. I let it move for me.
I still remember how thirsty I am to know every sway, every move and every twist that the dance world knows.
I still remember it...
I let my head rest at the back of my chair and closed my eyes as I reminisced what I was years ago, what I have before and what I lost.
And why am I here?
*****
"Salome! Bilisan mo na, magsisimula na ang service!" sigaw ni Latasha mula sa labas ng cubicle ng CR.
"Oo na nga," sigaw ko rin habang pinaplantsa ng kamay ang mahabang worship dress na pinahiram sa akin.
Nang tila wala ng pag-asa pang tumuwid ang gusot noon ay lumabas na ako ng cubicle. Nagliwanag ang nakasimangot na mukha ni Latasha nang makita ako.
"Ay, bagay sa'yo, girl," anito at inikutan siya habang pinagmamasdan mula ulo hanggang paa. "Para kang sacred virgin na iaalay."
"Tse! Magtigil ka nga diyan, mamaya may makarinig pa sa'yo. Nakakahiya kina Sister Margie," saway niya dito at humarap sa malapad na salamin.
Nakapusod ang buhok nila ng mataas na ponytail, walang make-up maliban sa manipis na lip tint ngunit tila bumagay sa kaniya ang worship dress na suot niya. Ankle-length iyon na pure light red at walang kahit anong design maliban mahabang manggas na umabot hanggang pulsuhan kung saan may gold cufflinks. Bukod sa dress ay pinatungan iyon ng white lace na mas malapad at maikli ang manggas pero kasing haba ng dress. May lace black belt sa bewang na tila iisang dress ang suot nila kahit ang totoo'y removable ang white lace.
"Maganda ka na. Halika na," aya ni Latasha at hinila na ako.
Sumunod naman ako at nagmamadaling humakbang kasunod nito. Nang makalapit kami sa mga kasamahan namin ay mabilis na kinuha namin ang aming tambourine at pumwesto sa posisyon na nakatoka sa'min. Ilan pang segundo ay sumenyas na sa'min ang organizer na humanda. Tumango kami at inihanda ang mga paa namin.
Pumikit ako at huminga nang malalim. At nang magsimula ang intro ng kanta ay buong sigla kaming pumunta sa gitna ng platform.
We started to jump up and shook our tambourines, synchronizing it at the fast beat of the song. We made a twirl, did a twisted jump while shaking the tambourine at our hands, all of it coinciding at the rhythm of the song.
Happy Day ang title ng kanta. It's a song by the Hillsong band. And it's a worship song. Just as the title said, the singer was happy. He's happy the day that he met Jesus, that Jesus saved him from sins. That he's happy how Jesus washed all his sins and changed him. He was shouting with pure joy that Jesus is alive.
The song lowered and we made a big step to do another big twist like we're jumping in joy.
Even when I'm dancing, I could see the joyful and contentment in their faces. Not just from my co-dancer but also to those people who attended the church service. Ang iba sa kanila ay sinasabayan kami, ginagaya, tumatalon at kumakanta nang malakas, at kung ibang pagkakataon lang ay baka natawa na ako. Ngunit hindi, these people didn't mind if they seemed goofy. All they cared about was that they're happy worshiping God, and praising Him.
Ako? Hindi ko maintindihan. I'm not really belong here. Dancer ako pero sa school lang at kung may contest, doon lang ako sumasayaw.
It's my first time here. Napilitan lang ako nang ayain ako ni Sister Margie, isang Deacon at kaibigan ni mama. Dala nang hiya, sumama ako sa mga practice at dahil mahal ko ang pagsayaw, hindi ako nahirapang sabayan sila. Actually at hindi sa pagyayabang, mas magaling pa ako sa mga dinatnan ko.
Nang matapos ang unang kanta at pumailanlang naman ang sunod na kanta. Hindi ito recorded song dahil sa likod namin ay may music band. May drummer, may guitarist, vocalist at may toka sa bass at keyboard. Isang complete package nang pagse-serve sa Lord.
Ngunit sa mga oras na iyon, isang bagay lang ang alam ko. I love to dance, and I'm enjoying it now. Habang patuloy ang kanta ay patuloy din kami sa pagsayaw. Pinapawisan na kami at halos hinihingal na pero walang may balak tumigil. Diretso lang. Ika nga nila, 'the show must go on.' Marahil sa isip ko ganoon, pero sa kanila at para sa kanila, handa silang mapagod at hingalin para lang magbigay puri.
*****
Nang matapos ang service ay naghanda na kaming umuwi. Palabas na kami ni Latasha ng church nang salubungin kami ni Sister Margie.
"Salome. Latasha," salubong nito sa amin.
"Hi, Sister," bati namin.
"Ang galing kanina ng sayaw ninyo," puri nito.
"Lalo na po si Salome, ano?" singit ni Latasha na mabilis ko namang siniko. "Ano ka ba? Hindi, ah," saway ko sa kaniya.
"Tama naman siya. Magaling ka talagang sumayaw. Parang kaisa mo ang tugtog kapag sumasayaw ka."
Isang ngiti lang ang itinugon ko habang si Latasha naman ay ngiting-ngiting sa tabi ko. "Sabi sa'yo, eh?" sabi nito.
"Kung ganoon, gusto mo pa ba sa isang Linggo?" tanong ni Sister.
Napakagat-labi ako at hindi kaagad nakasagot. Natigilan naman si Latasha sa tabi niya.
"Ayaw mo ba?" Hindi man nawala ang ngiti sa labi ni Sister Margie kahit na nakita niya sa mukha namin ang tila pag-ayaw.
"Hindi naman po sa ganoon," sansala niya. "Pero..."
"Kung pag-attend lang ng practice ang inaalala ninyo. Sasabihan ko kayo ng mas maaga o kaya naman, pwedeng t'wing may oras kayo. Willing ang mga dancer na gabayan kayo. Nagsabi sa'kin si Tina na kung hindi kayo lagi makaka-attend, magvi-video sila nang na-practice nila at handa silang mag-send sa inyo," mahabang pahayag ni Sister Margie dahilan para lalong wala akong maisagot.
Napalingon ako kay Latasha. Hindi ito nagsasalita pero kita sa mukha nito ang pag-ayaw.
Pinilit kong ngumiti at hinarap si Sister. "Okay po. Sabihan ninyo na lang po kami kung kailan ang practice."
Lumapad ang ngiti ni Sister. "Sige. Sasabihan ko si Tina na i-add kayo sa GC nila para maging updated kayo."
Tumango na lang siya habang napipilitan ding tumango si Latasha. Nagpaalam na ito at tahimik na nilisan nila ang church.
Nang malayo na sila sa church at sila na lang dalawa ay salubong ang kilay at nakapamaywang na hinarap ako ni Latasha. "Bakit ka pumayag?"
Nilagpasan ko ito sabay sabing," Anong gagawin ko? Nahihiya akong tumanggi, eh."
Sumabay ito sa akin muli pero nakahalukipkip na. "Sana sinabi mong ayaw mo."
"Para namang napakadaling sabihin."
"Eh, di sana sinabi mong busy tayo at maraming practice sa dance troupe at ma—"
"Andoon ka kanina, bakit hindi ikaw ang nagsabi, ha aber?" Inis kong harap dito.
Natahimik ito pero nakasibangot pa rin.
"Tsaka, narinig mo naman ang sinabi niya kanina. Paano pa ako tatanggi?" dugtong ko pa pero hindi na ito sumagot. Alam kong naiinis ito. Parehas lang silang napilitang pumayag sa pagsayaw doon. Oo at mahal nila ang pagsayaw, pero buti sana kung pagsayaw lang ang gagawin nila doon. Bago at pagkatapos nilang sumayaw ay makikinig pa sila ng mass.
Hindi naman sila anti pero sa katulad nila, mas gusto nilang manatili sa bahay kapag Linggo at manood sa YouTube o kaya ay mag-f*******:.
Naghiwalay sila ni Latasha ng araw na iyon nang tahimik. Pagdating nang pasukan ay okay na ulit sila. Magkasama sila sa dance troop at magkasabay na sumasayaw. Ngunit pagdating ng mga araw ng practice para sa Church Service ay hindi ito pumunta. Ang nangyari ako ang patuloy sa pagdalo. Tuwang-tuwa naman si mama na makitang hindi kung ano-ano lang ang sinasayaw ko.
Kung alam niya lang...
*****
Dumaan ang mga linggo at patuloy ako sa pagsama sa mga sayaw nila. May pagkakataon pang pinakikiusapan ang dancer ng church na sumayaw din sa ibang simbahan. Ang plano ko noong una na pagkatapos ng ilang sayaw ay aayaw na ako ay hindi nangyari. Sa t'wing magsasabi akong hindi na ako makakapunta ay may nangyayari.
Noong unang beses, busy si Sister Margie. Nang pangalawang beses, kulang sila sa dancer dahil nagkasakit kaya napilitan akong mag-reliever. At ang huli...
"Salome, tulungan mo ako bukas ha sa pag-iisip ng bagong step," ani Tina habang nagliligpit kami ng mga tambourine.
Nilingon ko siya at balak ko na sanang sabihin na hindi na ako a-attend pero naumid ang dila ko.
Ngumiti ito sa akin at tumabi sa upuang kinauupuan ko. "Alam kong hindi mo talaga gusto ang mag-attend dito at nahihiya ka lang tumanggi."
Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam na ganoon na pala ako ka-obvious.
"Alam ko rin na ang habol mo dito ay pagsayaw lang. Nauunawaan naman kita, eh. Ganoon din ako noong una. Ayaw ko rin pero na-realize kong siguro oras naman para sa ibang bagay ko gamitin ang talento ko."
"Ayaw mo ring mag-attend dito noong una?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.
Napaka-conscientious ni Tina sa bawat gawain sa church. Lahat organized at maayos. Pagkanta man o pagsayaw ay makikitaan mo siya nang saya at pagmamahal sa ginagawa niya. Pero hindi ko inaasahan na nararamdaman niya din pala ang nararamdaman ko ngayon.
"Mas masarap kayang mag-YouTube, mag-f*******: at mag-Tik Tok kesa ang makinig kay Pastor," natatawang anito.
Napakagat-labi ako dahil sa sinabi niya. I'm proven guilty at that aspect.
"Pero, kahit anong ayaw ko, hindi ako makakaalis dito. Para bang may pumipigil na umalis ako. So, I decided to embrace it." Nilingon niya ako. "Bakit hindi mo subukang alamin kung para saan ka ba talaga sumasayaw? Para ba sa ibang tao? Sa sarili mo?"
Mahal ko ang pagsayaw kaya hindi mahirap sagutin iyon. Ngunit nang mga oras na iyon, hindi ko alam kung para saan nga ba ako sumasayaw. Para kanino ba talaga ako sumasayaw? Passion ko ito pero sa tuwing makakarinig ako ng hindi magandang komento ay naiinis ako at parang gusto ko nang tumigil. Hindi ko naman ginagawa lang iyon para magpasaya, magpahanga ngunit dahil mahal ko ang pagsasayaw.
Hindi ko pa siya nasasagot ay nagsalita muli siya. "What I learned in my life, hindi mo pwedeng idepende ang mga bagay na magpapasaya sa'yo sa mga bagay o tao dito sa mundo, o kahit sa sarili mo. Those and we will fade away. Mas masarap gawing foundation ang Lord," humugot ito nang malalim na hininga at hinarap siya, "dahil mawala man ang bagay na pinakamahalaga sa'yo at pinakalaingatan mo, makakaya mo pa ring bumangon at nagpatuloy."
Natapos ang pag-uusap namin ni Tina. Noong una ay iniisip kong ginagamit nila ang church para gawing guilty ang mga katulad ko. Pero mali ako. Sinabi niyang siya na ang bahalang magsabi kay Sister Margie na hindi na ako makakapunta. Okay iyon sa'kin pero nang maghiwalay kami at nang dalahin ko na ang mga gamit ko, I suddenly felt a deep longing inside me.
Mabigat ang bawat hakbang ko palayo sa church. At pagdating ng kinabukasan ay hindi nga ako nagpunta sa practice at sa halip ay inubos ang lakas ko sa bahay para mag-practice ng mga bagong dance moves.
Ganoon din ang ginawa ko ng mga sumunod na araw. Bumalik ako sa dati na sumasayaw sa school at sa harap ng maraming tao na humahanga sa bawat galaw namin. Mga taong naghihintay nang pagkakamali namin.
"Ano ba, Salome, muntik na akong mahulog kanina, ah!" bulyaw ng aming leader pagkapasok namin sa backstage.
Napayuko ako ng ulo. "Pasensiya na. Hindi na mauulit," mahinang wika ko.
"Dapat lang dahil tatanggalin na kita sa grupo. Aba'y hindi dahil magaling kang dancer ay magyayabang ka na!"
"Pero hindi naman ako nagyayabang," depensa ko. "Hindi ko ta—"
"Huwag ka nang magmaang-maangan. Alam kong sasadyain mong mahulog ako para ikaw na ang maging leader ng dance troupe."
"Pero na—"
"Wala na akong pakialam sa mga sasabihin mo pa!" Inis na sabi nito at tinalikuran na ako. Nang tingnan ko ang mga kagrupo ko'y tahimik lang silang nakatingin sa'kin. Kahit si Latasha ay hindi man lang ako naggawang ipagtanggol.
Dala ng sama nang loob ay kinuha ko ang mga gamit ko at nagmamadaling nilisan ang lugar. Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman ko sa nangyari. Dapat ba akong magalit, malungkot o ano?
Maaga akong umuwi ng araw na iyon. Pagdating ko ng bahay ay siya namang pag-alis ni Sister Margie. Natigilan ako nang makita ko siya.
"Salome..." Nakangiting bati nito.
Napayuko ako ng ulo. Noong hindi na ako nag-a-attend ng practice ay hindi ko man lang siya kinausap. Hindi man lang din ako nagpasabi na aalis na ako ngunit heto at nakangiti siya sa'kin na para bang wala akong ginawang mali. Hindi ko rin maiwasang hindi ikumpara ang dance troop sa mga mananayaw ng church. Bagama't leader namin si Tina na magaling sa pagsayaw at pagkanta, hindi ito nahihiyang humingi nang tulong sa akin. Hindi rin ito nagmamalaki sa grupo at kung may nagkakamali ay inaayos sa mabuting usapan. Ang mga ito ay iisa ang puso sa pagsayaw at paglilingkod. Pantay-pantay ang tingin sa kapwa habang...
Nakuyom ko ang palad ko. Mali ang iniisip ko ngunit ng mga oras na iyon, alam ko ring may mas malaking bagay akong nagawa.
Nahihiyang lumapit ako kina mama at Sister Margie. "Sister, sorry po," ani ko. "P-Pwede po ba akong bumalik sa pagsasayaw sa church?"
"Gusto mo lang bang sumayaw?"
Hindi ako sigurado kung bakit ganoon ang tanong niya pero aminado akong hinahanap ko rin ang dating saya at sigla sa puso ko t'wing sumasayaw ako para sa Lord. Hindi ko pa pansin iyon noong una pero unti-unti ay nakukuha ko na.
"Gusto kong sumayaw kasabay Niya."
At iyon ang naging pangako ko. Bumalik ako sa pagsasayaw sa church at iniwan ang dance troop. Ang bawat indak, ikot, talon, at galaw ko’y inialay ko sa Lord. Hindi madali ang lahat noong una pero sa tulong ni Tina at ng iba pa ay nagawa kong magdire-diretso sa pagsasayaw.
Lumipas ang mga taon at naka-graduate ako ng Grade 12. Sinuportahan ako ng mga magulang ko nang kumuha ako ng Bachelor in Performing Arts. Buong akala ko’y hindi sila papayag dahil ang gusto ni mama ay maging accountant ako gaya ni ate. Pero sa biyaya ng Lord ay pumayag sila. Bagama’t may kalayuan ang pinapasukan ko sa aming lugar, patuloy ako sa pagsasayaw sa church at pagse-serve. Bukod doon katulong na ako ni Tina sa pag-aasikaso sa church at mga gatherings. Habang tumatagal, tila lalong hinuhulma ang katawan ko sa pagsayaw, ganoon rin ang pagkatao ko.
“Salome, ang galing mo talaga!”
“Paano mo nagagawa iyon, Salome?”
“Ikaw na! Ikaw na talaga!”
Iilan ang iyon sa mga papuring nakukuha ko. At sa t’wing naririnig ko iyon, isa lang ang tugon ko sa kanila. “Biyaya ng Lord ang talento ko.”
Until that day came…
“Salome, siya si Miss Cassandra Albomont, siya ang talent manager na sinasabi ko sa’yo,” pagpapakilala ng Ma’am Lacsamana, isa sa mga professor ko. Isa ito sa mga ka-close kong professor at dahil isa rin ito sa natutuwa sa pagsayaw ko. Palagi niyang kinukulit akong sumali sa mga contest. At kamakailan lang ay sinabi niyang may kaibigan siyang talent manager na nagustuhan ang pagsayaw ko.
“I saw your dance yesterday. You’re more than graceful, you are epic!” Miss Albomont told me.
Nahihiya namang napangiti ako. Noong araw ding iyon, dala ng excitement nang malaman kong isa pala itong magaling at sikat na talent manager ay pumayag akong sumali sa coaching na ginagawa nito.
At doon na nagsimula ang lahat. Ang galing ko sa pagsayaw at ang husay ni Miss Cassandra sa paghasa sa mga mananayaw niya ay isang perpektong kombinasyon. After few months with her, nakakuha ako ng iba’t ibang invitation na sumayaw. Graduating na ako noon nang nagsunod-sunod ang mga nakukuha kong tropiyo dahil sa pagsasayaw. Nagsimula na rin akong kumita ng pera dahil sa ginagawa kong pagsayaw.
Ngunit ang lahat ng bagay ay may kapalit…
“Galit ka ba sa’kin, Tina?” tanong ko kay Tina nang matapos ang practice namin ng sayaw. Hindi kasi ito halos umiimik sa’kin habang nasa gitna kami ng practice.
Mula sa pinapatas nitong mga tela ay hinarap niya ako. “Hindi ako galit pero masama ang loob ko,” diretsa nitong tugon.
Umarko ang kilay ko sabay tanong, “Hindi ba’t ganoon din iyon?”
“Magka-iba iyon,” simpleng tugon nito.
“Kung masama ang loob mo sa’kin dahil hindi ako nakaka-attend ng practice nitong ilang linggo. Sorry. Naging busy lang talaga ko.”
Hinarap niya ako at malumanay na nagwikang, “Wala namang kaso kung hindi ka makaka-attend. Pero sana naman ay sasabihan mo kami kaagad. Hindi iyong kung kailan mo maibigang magsabi ay tsaka. Kung importante sa’yo na hindi bungi ang grupo mo sa entablado kapag sumayaw, mahalaga rin sa’min na sumayaw tayo ng sama-sama para sa Lord.”
Natahimik ako sa sinabi niya. Aminado akong may mga pagkakataong hindi na ako nakaka-attend sa mga practice namin at kung minsan pa’y hindi na rin ako nakaka-attend ng mass tuwing Linggo. Pumapasok kasi ako ng weekdays at kung minsan ay sa weekend naman ako nagpapaunlak na sumayaw.
“Nauunawaan ko namang mahalaga sa’yo ang sinisimulang career mo,” ani Tina nang hindi ako nagsasalita. “Pero sana, hindi mo rin makalimutan ang pangako mo.” Binigyan niya ako ng tipid na ngiti at iniwan na akong nag-iisa.
‘Pangako? Hindi ko nakakalimutan ang pangako ko. Hindi ko nakakalimutan ang pangako kong kasama ko Siyang sasayaw.’
Mabigat ang mga hakbang kong umalis ng church ng araw na iyon. Kaya naman ng mga sumunod na araw ay sinikap kong maka-attend ng practice at pinilit na makapunta kapag araw ng Linggo. Mas pinag-igihan ko ang pagsayaw sa church habang dala pa rin ang pangakong sasayaw ako para at kasama ng Lord.
And maybe, just like Abraham who made a covenant with God. God fulfilled my dreams, every inch of it. Pagkatapos ng graduation ay nakatanggap ako ng iba’t ibang invitation sa iba’t ibang media network. Si Miss Cassandra pa rin ang TM ko.
Hindi pa nag-iinit ang diploma ko sa bahay namin ay halos matambakan kami ng invitation. Wala akong ginawa kundi sumayaw dito, sumayaw doon. Patuloy ako sa pag-indak habang patuloy ang paggalaw ng orasan. Habang tumatagal ay mas nakikilala ako. Sumikat ang pangalan ko at lumikom ng iba’t ibang parangal.
Ngunit gaya noon, lahat ng magagandang bagay ay may katumbas na kabayaran. Dahil madalas busy ako at malayo ang lugar na pinupuntahan namin, hindi na ako nakaka-attend ng church tuwing Linggo. Nagsimula na rin akong tumanggap ng mga sayaw international dahilan para iwan ko na ang pagsasayaw sa church.
Nang araw na magpaalam ako kay Sister Margie at Tina, wala akong narinig na kahit ano sa kanila maliban sa mga katagang… “Hindi nakalimot ang Diyos sa pangako niya sa’yo. Sana’y hindi mo rin makalimutan ang sa’yo.”
Si Sister Margie ang nagsabi sa’kin na hindi dahil umalis ako sa church ay kinalimutan ko na ang Lord. Ipinaalala niyang maaaring sa ibang lugar ako dinala para sa iba gawing instrument ng Diyos.
Sinikap ko at ginawa ko ang lahat upang maging instrument niya. Ginamit ko ang pagsayaw para papurihan siya. Ginawa kong lahat nang makakaya ko. Lumipas ang panahon at naabot ko ang tuktok. Nakamit ko ang pangarap ko…
At tinagurian nila akong ‘The Swift Goddess of the Dance Floor.’
*****
Iminulat ko ang mga mata ko at tumingin sa labas ng bintana. Bumaba ang mga mata ko sa mga kabataang naghahanda nang umalis. May pait na ngumiti ako at tumingala sa langit na nagsisimula nang magkulay kahel.
“Napakabilis ng panahon,” bulong ko. “Ni hindi ko man lang namalayan…”
Pumikit ako kasabay nang paglandas ng mga luha ko. Iniunat ko ang magkabilang kamay ko at inabot ang magkabilang tabi ng wheelchair na kinauupuan ko. Iniikot ko iyon at tumalikod palayo sa bintana.
I’m just 33 years old, but I’m now sitting in a wheelchair. No one predicted what I would become, and how I would fall.
For so many years that I’m under the limelight, that I’m the Goddess of the Dance Floor, the Queen of all the Dancing Queens, no one predicted how I am going to fall. Ilang taong nanatili akong sikat na mananayaw. Walang himig na hindi ko kayang sabayan, walang kantang hindi ko kayang indakan, at walang tono ang hindi ko kayang magpakita nang kamangha-manghang galaw.
I’m an extraordinary dancer, an epic, a Goddess.
But everything now was different.
Two years ago, nakaramdam ako nang p*******t sa mga paa ko. Buong akala ko’y dala lang nang matinding pag-eensayo iyon at pagsayaw. Hindi ko pinansin hanggang minsan, habang nasa gitna ako ng isang malaking pagtatanghal bumagsak ako. Dumulas ang mga paa ko at nawala ang magandang galaw ko.
Sa kauna-unahang pagkakataon, sa harap ng maraming tao, bumagsak ang tinagurian nilang Diyosa ng Entablado. Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi palakpak ang nakuha ko kundi mga bulungan, singhap at mga hindi makapaniwalang tingin. Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi saya ang nadama ko kundi pagkapahiya.
Dahil sa nangyari, hindi ko kaagad nagawang magpakita sa harap ng lahat. At tila hindi pa tapos ang kalbaryo ko. Nadiskubre ng mga doctor na nagkakaproblema na ang mga buto ko sa paa at ang langis—ang munting tila langis na nasa tuhod natin ay unti-unting nauubos. Iyon ang dahilan kung bakit madalas sumasakit ang mga paa at likod ko. At ang pinakamasamang balita pa’y hindi na ako maaaring sumayaw pa. Dahil kapag sinubukan ko pa’y baka tuluyan na akong hindi makalakad.
Ngunit, hindi niya kayang maniwala.
“Hindi totoo iyan! Ako si Salome! Ako ang Diyosa ng Entablado! Ako ang Reyna ng Lahat ng Mananayaw! Imposibleng hindi na ako makasayaw!”
Malaking dagok sa’kin iyon. Tila gusto ko nang mawala at maglaho na lang. Hindi ko kayang tanggapin na hindi na ako maaaring sumayaw pa. Sa loob ng ilang taong na nasa tuktok ako, hindi ako makapaniwalang dahil lang sa isang maling galaw ay babagsak ako.
Itinigil ko ang wheelchair kasalungat ng liwanag ng sikat ng araw. Lumuluha pa rin ako. Dalawang taon na pero hindi ko pa rin matanggap na hindi na ako maaring sumayaw pa. Halos isang taon na rin akong nakakulong sa upuang iyon, ang upuang tila naging trono ng isang Reynang Naglaho ang mga Paa.
Marahas na pinalis ko ang mga luha ko at muling binuhay ang tugtog, nagbabakasakaling mapapalis noon ang lungkot ko. Ngunit mas lalo lang akong naluha sa narinig ko.
Tonight I'm going to dance…
Gusto ko muling sumayaw…
Like you’re in this room…
Gusto kong isipin na andito Ka lang…
But I don't want to dance…
If it’s not with you…
Ang kaninang luha ay naging hikbi hanggang sa naging hagulhol na. Just like the singer, I used to have something good, something beautiful, and something wonderful. But we both lost that something…
I nabbed her cellphone and repeated the song until it hit the right words.
Tonight I'm going to dance…
Like you’re in this room…
But I don't want to dance…
If it’s not with you…
I bit her lower lip while letting the tears fall down. I stopped the music and wiped my tears. I lifted my chin and rolled my wheelchair against the light from the window, casting shadow against the wall.
Tonight I'm going to dance…
Like you’re in this room…
Bakit ba ngayon ko lang na-realize ang lahat? Bakit ngayon lang?
Ipinikit ko ang mga mata sa kabila nang patuloy na pagpatak ng mga luha niya.
‘Para kanino ka ba sumasayaw?’
Itinaas ko ang mga kamay at iginalaw iyon na para bang may sinasabayan akong musika kahit na wala namang kahit anong tunog sa paligid. Ibinaba ko ang isang kamay at marahang pinaikot ang gulong wheelchair kasabay nang paggalaw ng katawan.
Nawalan na ako ng kakayahang sumayaw. At kasabay noon, nawala na ang mga taong naniniwala, humahanga sa kakayahan ko. Pero may isa pa.. may isa pang, umaasa pa. Umaasang sasayaw ako muli.
‘Gusto mo lang ba talagang sumayaw?’
“mahal ko ang pagsayaw!”
Iminulat ko ang mga mata ko habang nakatitig sa anino ko. Nakaarko ang isang kamay sa itaas, habang ang isa’y tila nasa bewang. Sa tabi ng anino ko, naroon Ka. Umaasang isasayaw ko.
But I don't want to dance…
If it’s not with you…
‘Naisip mo na ba kung para kanino ka sasayaw?’
Umangat ako at lahat sila ay kasama ko. Bumagsak ako pero Ikaw lang ang natira sa buhay ko. At ngayong hindi na ako makakasayaw, umaasa Ka pa ring tutuparin ko ang pangako ko.
“Gusto kong sumayaw ng kasama Ka,” lumuluhang sambit ko habang nakatingin sa anino.
Muli kong ipinikit ang mga mata ko at awtomatikong tila may malamyos at mabagal na musika ang pumailanlang sa paligid. Iginalaw ko ang mga kamay ko, pinaikot ito sa ere habang tila umiikot-ikot ako sa buong silid. Sinabayan ko ang bawat tono ng musika, iginalaw ang katawan ko sa bawat himig, at umikot-ikot kasabay ng pag-indayog ng mga nota.
Umiiyak akong nagmulat ng mga mata at tumitig sa anino ko, sa anino natin. Sumasayaw na muli ako… Sumasayaw na muli ako… ngayon, kasama ka na, kasabay ka na.
Pagkatapos nang mahabang pagsabay ko sa tugtog ng buhay, halos nakalimutan ko na ang unang musika na pinatugtog mo para sa’kin. Nakalimutan ko na ang bawat mabining galaw na ikaw ang nagturo sa’kin at pinili ang magaslaw na indayog ng buhay.
Kinalimutan kita. Kinalimutan ko ang pangako ko sa’yo, Lord. Iniwan nila ako ng wala na ako pero nanatili Ka. Nakalimutan ko. Hindi gaya nila, hindi mahalaga Sa’yo kung sa entablado man, sa teatro o sa isang masikip na silid ako sumayaw. Ang nais mo lang ay tayo ay magkasabay. Hindi mahalaga Sa’yo kung hindi magarbo ang damit basta tayo ang magkahawak-kamay.
*****