Kathryn TULALA ako habang nakatingin sa kawalan. Buhat pa kaninang umaga ay hindi pa ako bumabangon at nanatiling nakahiga rito sa kwarto. Ni hindi ko pa nga nagawang kumain at maligo. Wala naman kasi akong ganang kumain. Tinatamad din akong bumangon para maligo. Walang oras na hindi ako umiyak habang inaalala ang mga nangyari kahapon. Tila isang ilog ang aking mga luha na tuloy-tuloy lamang sa pag-agos. Hanggang sa muli ko na namang makatulugan ang pag-iyak. Nagising na lamang ako nang marinig ang sunod-sunod na pagtunog ng cellphone ko na nakalagay sa ibabaw ng katabi kong unan. Kanina ko pa kasi hinihintay ang text o tawag mula kay Joaquin o kaya kay Michelle kaya inilagay ko lang ito sa tabi ko. Wala naman kasi akong load pantawag sa kanila para sana makibalita. Kanina pa nga ako na

