IBINABA ko ang basong ininuman ko sa island counter. Pinahid ko ang tubig na nasa gilid ng aking labi saka iika-ikang naglakad palapit kay Joaquin. "Nag-text siya sa 'yo?" kunot-noong tanong ko sa halip na tanungin kung saang ospital siya isinugod. "Oo, Mahal, kaka-text lang niya. Heto, oh," sabi pa niya sabay taas ng cellphone niya paharap sa akin ngunit saglit lang ’yon. Ni hindi ko pa nga nababasa, ibinaba na niya kaagad. Medyo napaisip lang kasi ako, bakit sa kaniya nagsabi si Michelle? Kailan pa sila naging close na dalawa? Eh, simula't sapul naman hindi sila nag-uusap masiyado maliban lamang kapag nagkakataong meron si Joaquin dito sa bahay, doon lang sila medyo nagkaka-tsikahan. Hindi rin naman kasi close sina Joaquin at ang sumakabilang-bahay na asawa ni Michelle na si Greg. K

