MABILIS akong nagbawi ng tingin saka nagbaba ng mukha nang muling ituon sa akin ni Joaquin ang kaniyang paningin. Pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko sa sobrang bilis ng pagpintig nito. Nilulukob ako ng matinding kaba kahit wala naman kaming ginagawang masama ni Alexander. Andiyan pa nga si Riva, oh. Siya ang saksi na walang nangyaring kababalaghan habang wala siya. Ngunit kung pagbabasehan ang senaryong nabungaran niya ay alam kong pag-iisipan na naman niya kami nang masama. ’Yon nga lang nagngitian kami ay ikinagalit na niya, ito pa kayang maabutan niyang nakadantay ang isa kong paa sa kandungan ni Alexander habang hawak niya ang binti ko? Pinilit kong pakalmahin ang dibdib ko para magpaliwanag. Baka kapag ibinuka ko kasi ang bibig ko para magsalita ay magkandabuhol-buhol lang ang

