NAPAAWANG ang labi ko nang makita sina Joaquin at Michelle na magkasama rito sa kusina kaya saglit akong natigilan . Magulo ang buhok ni Joaquin at parang namumutla. Pinagpapawisan pa ito at hinihingal na tila pagod na pagod. Si Michelle naman ay nakangiti lang sa likod nito habang ipinapaikot-ikot sa daliri ang ilang strands ng kaniyang buhok. Ewan ko ba? Pero awtomatikong sumiyasat ang paningin ko sa kabuuan niya. Wala namang kakaiba sa kaniya maliban sa medyo gusot niyang damit. Saglit ko pang pinaglipat-lipat ang tingin ko sa kanila. Ayokong magduda, si Michelle 'yan, bestfriend ko. Kaya bakit pati siya parang gusto kong pagdudahan? Ipinilig ko ang aking ulo at agad na binura ang nasa isip ko. Malabong mangyari 'yon. Puwede kong pagdudahan ang lahat, pero hindi ang matalik

