NAGTIMPLA ako ng kape saka nag-toast ng tinapay. Mag-isa ko lang naman na kakain, kaya bakit pa ako magluluto? Isa pa, mahirap kumain ng walang kasalo, kaya kung nasaan man si Joaquin ngayon, sana masarap ang ulam niya. Peste siya! Mabulunan sana!
Alas-onse na pero wala pa rin ang hinayupak! Siguraduhin lang niya na acceptable sa akin ang paliwanag niya dahil kung hindi, mababato ko siya ng kaldero nang wala sa oras! Maano naman kayang mag-text siya o tumawag para sabihin kung nasaan siya? Kung anong oras ang uwi niya para hindi ako parang sira na naghihintay sa kaniya rito?
“Subukan niya lang maghanap mamaya ng makakain pag-uwi niya, pakakainin ko siya ng singlutong ng chicharon na mura!” bulong ko sa pagitan ng paghigop ko ng kape at pagnguya ng tinapay.
Ilang beses ko na bang ch-in-eck ang cellphone ko kung may message siya? Hindi ko na mabilang! Kung siguro nakakapagsalita lang ’yung phone ko, sasabihin niyon sa akin na mamumuti lang ang mata ko kakahintay kaya huwag na akong umasa!
"Humanda ka sa akin, Joaquin!" inis kong usal sabay muling higop ng kape. Pangalawang tasa ko na 'to pero baka makalima pa ako kung hindi pa siya umuwi.
Hindi ko natiis kaya muli ko rin siyang tinawagan. Kanina kasi ay puro operator lang ang naririnig ko sa kabilang linya. But this time, nag-ring na ang numero niya. Napahawak pa ako sa dibdib saka umayos ng upo. Pero ring lang nang ring. Hindi niya sinasagot at napapalitan din ng recorded voice message ng operator.
"Isa pa, Joaquin, isa pa! Sagutin mo na ’to dahil kung hindi, maghahalo ang balat sa tinalupan!" gigil kong wika sabay dial ulit ng numero niya.
Pero gano'n pa rin, eh! Nasasagad na talaga ang pasensya ko! Malapit na! Malapit na malapit na talaga! Konting-konti na lang!
Inis akong tumayo at saka mabibigat ang mga hakbang na naglakad. Pinihit ko ang seradura ng pinto saka lumabas ng bahay. Napayakap na lang ako sa aking sarili dahil sa lamig na yumakap sa aking katawan pagkalabas. Umupo ako sa unang baitang ng hagdan saka ilang beses na pinagkiskis ang aking mga palad para uminit ang mga ito, pagkatapos ay ilalapat ko sa aking magkabilang pisngi.
Lumipas ang segundo, minuto at maging ang mga oras, pero ni anino ni Joaquin ay wala. Tiningnan ko ang screen ng cellphone ko kung may mensahe ba pero katangahan ko lang kasi ’di naman tumutunog kaya bakit ko ch-in-e-check?
Mababaliw na ako! May tiwala naman ako sa kaniya pero pagkatapos ng mga narinig ko kagabi, hindi ko na talaga maiwasang mag-isip pa ng iba. Tapos ngayon, ala-una na pero wala pa siya. Gising na iyong mga manok, tumitilaok na sila.
Namamanhid na rin ang mga binti ko dahil sa matagal na pagkakaupo rito. Nilamok, inantok, nilamig na ko't lahat-lahat pero wala pa siya. Ano ang meron sa pinuntahan niya? Ang sabi may inasikaso lang saglit sa presinto. Pero nasaan ang saglit na 'yon? Saglit na pangmatagalan gano’n ba? Putangina!
Tumayo na ako para pumasok sa loob pero napangiwi ako nang maramdaman ang pamamanhid ng aking binti. Napahawak ako sa railings ng hagdan saka ilang beses na winagwag ang mga ito. Nang medyo maging okay na ay tumuloy na ako sa loob.
"Huwag mo lang talaga akong maiput-iputan sa ulo, Joaquin, dahil talagang puputulan kita ng kaligayahan! Isasama ko pa pati mga itlog ng ibon mo!" inis kong turan habang inaayos ang higaan ko para matulog.
May pasok pa ako bukas kaya kailangan ko nang magpahinga. Malaki na 'yon kaya alam naman siguro niya ang ginagawa niya.
"Hindi talaga ako mangingiming ibalot siya at i-deliver sa babae niya kung meron man! Letse!" Napatili na lamang ako dahil sa nararamdaman.
Nakakapraning pala talaga ang ganito. ’Yung hindi mo alam kung nasaan ang asawa mo lalo na sa mga ganitong oras. Tapos wala man lang paalam.
Nakakaiyak, nakakakaba at nakakabaliw. Kaya hindi rin pala masisisi ’yung ibang mga asawa na nagiging bungangera sa mga asawa nila kasi may mga asawang hindi marunong mag-update kung nasaan sila.
Kahit sana magsabi lang na: hello, asawa, huwag mo na akong hintayin kasi kasalukuyang nakatusok si manoy sa ibang manay. Pero wala, eh!
"Grabe, ayoko ng ganitong pakiramdam. Joaquin, nasaan ka na ba kasi? Utang na loob, umuwi ka na!"
Nagpabaling-baling ako sa higaan hanggang sa mapagod na rin ang utak ko sa kakaisip. Tumitilaok na ang mga manok sa labas kaya ipinikit ko na lamang ang aking mga mata hanggang sa tuluyan na ring mamigat ang aking mga talukap at iginupo ng antok.
MABIGAT ang loob kong bumangon. Ang hirap gumising nang ganito ang pakiramdam. Parang lumulutang sa kawalan. Ang hirap i-explain. Para bang may nakadagang mabigat sa dibdib mo na kahit ilang beses ka mang bumuga ng hangin, eh, hindi pa rin maibsan-ibsan yung kabigatan. Parang may kulang; parang may espasyo sa puso ko.
Alas-sais na. Mahigit limang oras lang ang tulog ko dahil pasado ala-una na ako nakatulog. Walang kalatoy-latoy akong bumangon. Papasok na sana ako sa banyo para maligo nang makarinig ako ng nahulog na kaserola mula sa kusina.
Natigilan ako sa paghakbang saka napatingin sa gawi ng kusina na tila ba tatagos ang tingin ko sa pader para makita kung ano ang nangyari sa labas.
Wala naman kaming pusa. Ni minsan naman ay walang nakapasok pa rito dahil mahigpit ang security ng subdivision na ito. Hindi ko ba namalayang nakauwi na si Joaquin kagabi? Gano’n kahimbing ang tulog ko?
Dahil sa naisip ay mabilis pa sa alas- kuwatro akong lumabas patungo sa kusina.
"Humanda sa akin ang lalaking 'yan!"
JOAQUIN
"Ano ba? Hindi ba ang sabi ko sa 'yo, magkita na lang tayo ulit? Ano ba ang mahirap intindihin sa sinabi ko?" sikmat ko sa babaeng nasa harapan ko. Ibinigay ko na nga sa kaniya ang buong araw ko at napabayaan na ang asawa ko kahapon, tapos ngayon sumunod pa rito.
"Day off mo pa rin naman ngayon, hindi ba? May pasok ngayon si Kathryn kaya masosolo na naman kita. Come on, Joaquin, nag-e-enjoy ka rin naman sa akin, 'di ba? Bakit ba kasi nagtitiis ka sa kaniya? Hindi ka naman niya mabigyan ng anak. Ako, kaya ko kahit ilan pa ang gustuhin mo," anas niya sa tainga ko na siyang ikinapikit ko.
Ilang beses pa akong napalunok lalo na nang ipasok niya sa loob ng kaniyang bibig ang aking kapingulan, saka naglandas pababa ang kaniyang kamay hanggang sa maabot nito ang nakaumbok sa ibabang bahagi ko. Dinakma niya ito saka tila nanggigil na pinisil-pisil habang nakapaskil ang malanding ngiti sa kaniyang mga labi.
Bumaba pa ang mga labi niya sa aking leeg hanggang sa pababa na nang pababa habang patuloy siya sa paghimas sa aking kahabaan. Pinipigilan ko ang mapaungol dahil baka magising si Kathryn, pero tila nawawala na naman ako sa katinuan nang sandaling tumigil siya sa aking gitna.
Ang kaninang kamay niya na humihimas ay nahinto at ngayo'y tinatanggal na ang belt ko saka ibinaba ang zipper ng suot kong pantalon.
Dala ng apoy ng pagnanasa, natangay ako sa kakaibang sensasyon na ipinaparamdam niya sa akin. Ipinasok niya sa kaniyang mainit na bibig ang aking naghihintay na alaga, habang nilalaro ng kaniyang kamay ang kahabaan nito.
Napapikit ako nang mariin para damahin ang pagpapaligaya niya sa akin at nang muli kong imulat ang aking mga mata’y tiningnan ko siya sa aking ibaba. Lalong nadarang ang aking katawan nang magtama ang aming mga paningin at makita kung paano laruin ng kaniyang makasalanang dila ang dulo nito saka ipapasok din ng buo sa kaniyang bibig habang nilalaro ng kaniyang mga daliri ang dalawang bola sa ilalim nito.
Napakapit ako sa edge ng lababo at saka tumingala sa kisame para lasapin ang sarap ng kaniyang ginagawa. Alam kong bawal, alam kong mali. Ngunit hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa tuwing kami ay magniniig na katulad nito. Nawawala ako sa katinuan at nakalilimutan na kasalanan itong ginagawa ko.
"f**k! Ah!" ungol ko nang bumilis ang ginagawa niyang paglalabas-masok ng aking alaga sa bibig niya. Ngumiti pa siya saka mas binilisan nga ang ginagawa.
Nang maramdaman kong malapit na ako ay pinatayo ko siya saka itinaas ang suot niyang palda. Ibinaba ko ang suot niyang panty saka binuhat pahiga sa lamesa. Nakababa ang dalawa niyang paa sa edge ng mesa kaya itinaas ko ito at marahas na pumasok sa loob ng kaniyang pagkababaé saka mariin na bumayo.
Ipinalibot ko sa aking bewang ang kaniyang mga binti saka binayo siya nang binayo habang hawak ko siya sa kaniyang bewang. Marahas at mapusok ang bawat pagpasok ko dahil ito ang gusto niya. She wants me to f**k her hard and rough.
"Bilisan mo pa, Joaquin. . . oh! God! Ang sarap!" ungol niya kaya mabilis kong tinakpan ng aking palad ang kaniyang bibig at baka magising pa ang asawa ko dahil sa ingay niya.
Ilang sandali pa'y naramdaman ko na rin ang nalalapit na pagsabog ng katas sa akin. Binilisan ko pa ang pagbayo sa kaniya hanggang sa sabay naming narating ang sukdulan ng kasalanan.
Saglit akong nagpahinga sa dibdib niya. Sinuklay naman niya gamit ang kaniyang daliri ang aking buhok. Nang humupa na ang init sa katawan ko ay dali-dali akong humiwalay sa kaniya saka inayos ang aking sarili, ngunit nasagi ko ang siyanse na nasa uluhan lang ng babaeng kanina’y katalik ko. Gagamitin ko sana ito kanina para magluto ng agahan ng asawa ko dahil gusto ko sanang bumawi sa kaniya. Hindi kasi ako nakauwi ng magdamag pero biglang sumulpot ang babaeng ito.
Nataranta ako nang gumawa ng ingay ang pagbagsak ng siyanse sa sahig kaya agad kong isinarado ang zipper ko. Pero tumawa lang ang kasama ko, ni hindi nagmadaling ayusin ang kaniyang sarili. Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa kuwarto kaya ako na mismo ang nagtaas ng panty niya.
"Fix your self kung ayaw mong mahuli tayo ng asawa ko! Gising na si Kathryn kaya dalian mo!” asik ko sa kaniya pero tila natutuwa pa siya. Pinasadahan niya lang ng daliri ang kaniyang bibig saka malanding tumingin sa akin.
"So what? Eh, ’di mas maganda para hindi na tayo nagtatago. Mas gusto ko 'yon para ibigay ka na niya sa akin," nakangiti niyang turan.
"I warning you—"
"Joaquin, ikaw ba 'yan?"
Tinig ng asawa ko na papalapit na rito sa kusina. Hahakbang na sana ako para salubungin siya pero sakto naman ang pagbungad niya. Nagulat pa ito nang makita kami.
"Oh, inumaga ka na?" bungad na tanong niya sa akin na halata ang inis sa tono ng kaniyang boses. Tumingin ito sa babaeng nasa likod ko saka ngumiti sa kaniya.
"Michelle, nandito ka rin pala? Ang aga mong dumalaw, ah?"
Lumapit pa siya sa bestfriend niya saka nakipagbeso. Kung alam niya lang siguro ang nangyayari sa pagitan naming dalawa ng kaibigan niya, baka hindi beso ang isinalubong niya rito kung ’di malakas na sampal. At iyon ang kinatatakutan kong dumating.