Chapter 20

3136 Words

“JOAQUIN, pwede ba tayong mag-usap?” ani ko habang inaayos ang pagkakabutones ng suot niyang uniporme. “Hindi pa ba tayo nag-uusap sa lagay na ‘to?” Natigilan ako sa aking ginagawa dahil sa kaniyang tinuran. Ngunit ngumiti lang ako saka muli ring nagpatuloy. “Kung kasinungalingan na naman ang sasabihin mo tungkol sa lalaki mo, manahimik ka na lang bago muling mag-init ang ulo ko,” malamig ang tono ng boses niyang dagdag. Ni hindi man lang niya ako binigyan ng pansin at patuloy lang sa pag-aayos ng kaniyang buhok habang nakaharap sa salamin. Ngumiti ako nang mapait at ilang beses na napailing kahit nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib. Sa halip na magpaliwanag siya at humingi ng kapatawaran ay wala akong narinig ni katiting na salita. Pilit niyang ikinakatuwiran na may ibang lalaki ak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD