TOTOO nga iyong sinabi nila, na kapag masiyado kang masaya, may kapalit din itong lungkot. Ang saya ko lang kahapon, eh. Dahil sa wakas magkaka-baby na kami. Pero heto pala ang kapalit ng kasiyahan kong iyon. Naglalaro pa rin sa isipan ko ang mga naganap kahapon. Ang mga tagpo na gumimbal sa aking buong pagkatao. Ang mga tagpo sa ibabaw ng kama at ang lantaran na kababuyan na ginawa nila. Kung paano ako sinaktan ni Joaquin sa harapan ni Michelle at ipagtanggol siya laban sa akin. Ang sakit. They both ruined everything. They broke my trust. Nasira ang lahat ng mga plano ko, lalo na ang mga pangarap ko kasama ang magiging anak namin. Buntis ako, gano’n din si Michelle. May kahati na nga ako, pati ba naman ang anak ko ay may magiging kahati rin? Tumayo ako at tinungo ang bintana. Hinawi ko

