Kathryn TILA binibiyak ang ulo ko dahil sa nararamdamang sakit nang imulat ko ang aking mga mata. Pumipintig-pintig ang loob nito at tila ba may bombang sasabog kapag nagkamali ako ng galaw. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata kasabay ng pag-angat ng aking kamay papunta sa aking sintido. Hinilot ko ito gamit ang magkabila kong hintuturo pero natigilan din akong bigla nang maalala ang mga naganap kagabi. Iginala ko ang aking paningin sa kabuuan ng kuwarto kung nasaan ako at gano’n na lamang ang panlalaki ng nga mata ko nang masigurong wala nga talaga ako sa bahay. “Shît!” usal ko bago nagkumahog na bumangon. Mabilis akong bumalikwas ng higa. Parang biglang nawala ang hang-over ko matapos maalala ang mga pinaggagawa ko kagabi. Nalasing lang naman ako at hindi nagka-amnesia kaya naaa

