"'Mr. Clean.''' Iyon ang bansag sa asawa ko no'ng nabubuhay pa siya. Walang bahid at walang dungis ang imahe niya. Iyon din ang imaheng bentahe ni Polo. Walang duming maipupukol sa kanya dahil walang dungis ang kanyang pagkatao."
"But what about you? Or should I say, your family?"
Napalunok siya. Nawari agad niya ang pinupunto nito.
"Matinong tao ang mga magulang ko. Si Itay---"
"Ay isang sugarol na hindi napigilan ang bisyo sukat maikompromiso niya ang kaligtasan at seguridad ng kanyang pamilya."
"Mawalang-galang na po pero huwag niyo po sanang hus---"
"He is in deep trouble, isn't he?"
"Malalagpasan namin iyon." Hindi na siya nagtangkang maglihim.
Ang mga taong nasa posisyon ni Mrs. Sandoval ay may kakayahang alamin ang nais ng mga ito kaya bakit pa siya magpapakahirap magkaila?
"Kapag nabayaran niya ang utang niya ay matatapis din ang la--"
"Huwag kang magtanga-tangahan, Jenna," sabad nito.
"Hindi mga anghel ang mga taong piniling makasalamuha ng ama mo. Hindi sila napapakiusapan. Sooner or later, they would make a move. And it wouldn't be a pleasant one. I wasn't born yesterday so I know what I'm talking about. “
"Ano ho ba talaga ang punto ng pag-uusap nating ito?" Minabuti niyang diretsahin na ito kahit pa halos alam na niya ang saloobin nito.
"Simple lang. Iwan mo si Polo. In exchange, I will give you the money you need to pay your father's debt. Hopefully, your father would have the sense to keep away from his vices and make a fresh start."
Sinasabi na nga ba niya. Gayunman, parang hindi pa rin siya makapaniwala sa sinabi nito. Nangyayari pala ang ganoon sa totoong buhay? Ang akala niya ay sa mga pelikula at telenobela lamang nangyayari ang ganoon.
"Imposible ho ang hinihingi ninyo, alam niyo kung gaano ko kamahal ang anak ninyong si Polo." saad niya.
Mahal na mahal niya si Polo. Hindi niya kayang ipagpalit ito sa kahit ano pa man.
"Do you really love him?" tanong ni Mrs. Sandoval. May halong pang uuyam.
"Of course."
"I don't believe you," anito.
"Wala ho akong magagawa kung ayaw ninyong maniwala. Basta ako, sa sarili ko ay alam ko kung ano ang nararamdaman ko. I love him very, very much and I will do any--"
"And yet you are willing to stand in his way."
"Ho?"
"Mag-isip ka, Jenna. Polo has a bright future ahead of him, hindi lang sa pag-aabogasya kundilalo na sa pulitika. It is his dream and ambition to follow in his father's footsteps, more so when his father died. Noong nag-aagaw-buhay ang kanyang papa ay nangako siya na tutuparin niya ang mga pangarap nila ng kanyang papa." Binigyan siya nito ng isang seryoso at mapanuring tingin.
"You say you love my son but you are going to stand in his way," sabi nito kapagdaka.
"Alam mo na siguro na masalimuot ang mundong nakaamba niyang pasukin. It's not enough that he has all the necessary qualifications. There are many other factors to be considered and he needs all the advantages he could get."
" Think of where you would fall under. Advantage ka ba o disadvantage? Believe me, I have nothing against your social and financial standing. Okay, I think that a woman who belongs in the same circle as he does would be a greater asset. Pero puwede ko na sanang palagpasin iyon. But, my dear, scandals can ruin even the most pristine of reputations."
"Hindi naman ho eskandaloso ang pamilya namin. Nagkataon lang."
"Nagkataon lang. Yes, that's all it would take. Look, you might think I'm a monster but I am just like any other mother. Ang kapakanan lang ng anak ko ang iniisip ko. Kung taos sa puso mo ang sinasabi mo na mahal mo siya, pag-isipan mo nang mabuti ang mga sinabi ko. I am appealing to that heart of yours that you profess beat for my son."
Hindi niya alam kung paano magre-react.
"Hindi mo kailangang ibigay ang sagot mo ora mismo. I'm sure money is not the real issue here. Puwede namang kay Polo ka humingi ng tulong sa problema mo. Ang ipinakikiusap kong pakaisipin mong mabuti ay kung gaano mo siya kamahal. Is it enough for you to put his welfare ahead of yours."
"You're still young, Jenna. Ang dami pang oportunidad na darating sa buhay mo. Sana ay huwag lang puso ang pairalin mo. Think. Think very hard about the impact you would have on my son's life, his dreams, and his ambitions. Iyon ang ipinagsusumamo ko sa iyo. Kung kilala mo ako ay malalaman mong ako ang klase ng taong hindi magmamakaawa sa kanino man."
Nahinuha nga niya iyon. Mrs. Sandoval was a proud woman. At base na rin sa kuwento ni Polo ay alam niya kung gaano kaganda ang credentials nito. Perpektong halimbawa ito ng isang babaeng nababagay sa angkang pinanggalingan ni Polo. Anak ito ng isang hacendero. Sa ibang bansa pa ito nag-aral ng kolehiyo. But she excelled more in being the perfect politician's wife.
"Mawalang-galang na po pero aalis na ako,” pagpapaalam niya.
"Kung iyon ang gusto mo," anito.
"Ipapahatid na kita sa sasakyan."
"Hindi na ho,"tanggi niya.
"I insist," giit nito.
"At, Jenna, kung anuman ang maging pasya mo, sana ay atin-atin na lang ito," pahabol na sabi nito.
Tumango lang siya, kapagkuwan ay umalis na siya.
Kakababa pa lamang niya ng Pajero ay humahangos na sinalubong siya ng inay niya.
Namumutla ito.
"Bakit po?" tanong niya.
"Kakatawag lang ng kaibigan ng itay mo. Jenna, ang itay mo, isinugod sa ospital. Nabundol daw siya ng sasakyan."
Mabuti na lamang at hindi pa nakakaalis ang Pajero na naghatid sa kanya. lyon na rin ang ginamit nila papunta sa ospital...