16

2037 Words
Habang nakaupo sa tapat ng table e talagang ngayon lang ako nagising sa kahihiyan na yon. Iniisip ko nga, bakit ko nga ba nagawa yon? Siguro kung nasa matino akong pag-iisip, walang ganoon. Dahil ngayon halos hindi ko maibuka ang bibig habang nag-oobserve sa ginagawa ni Mayor. Nakaupo ito sa kama at nagbabasa ng trabaho. Minsan nga e nahuli ko pang ngumingisi nang mag-isa. Parang ano eh, nakakainis. Nang tumuntong ng alas 5 ay tumayo na ako at nangingiming lumapit kay Mayor. Doon ako nagpaalam para makauwi na. “Let’s have dinner first, Han. Ihahatid ka naman ni Fernand.” Mabilis pa sa kung ano ang pag-iling ko. Paano ko naman sasabihing umiiwas nga akong dumikit dito? Nakakahiya kaya... “Sige na Han, dinner lang naman. Kung gusto mo sasamahan ko na rin si Fernand na ihatid ka.” Ngumungusong umiiling pa rin ako. Siya na naman itong ngumising umiling din, na parang sinasabi niya sa akin na hindi ako makakahindi. At totoo nga! Halos mangisay ako sa pag-iinit ng pisngi habang nakatitig sa mga inihandang ulam. Nakisabay naman ang isang katulong, na Inday nga raw ang pangalan. Makuwento ito, magiliw nga eh, kahit papa’no natatakpan ang kahihiyan na nararamdaman ko. Pagka alas sais e niligpit ko na ang mga gamit. Kita iyong amusement sa mukha ni Mayor habang sinusundan ang bawat galaw ko. “Di na, ihahatid naman ako ni Manong.” “Okay, besides I feel like I’m sore all over... maybe because of my own weight. But get back here tomorrow, Han. We have a lot of things to do.” Pagkarinig pa lang sa huling sinabi nito eh talagang kinabahan na ako. Paanong hindi? Pumasok sa isipan ko ang maduming ginawa namin. Hindi na iyon mabubura kahit ano pang pampalubag. Talagang nanuot na. At paano ko naman ipapaliwanag sa kanyang natatakot ako dahil baka maulit nga? Or maybe, pwede namang magstay dito sa labas. Wala siyang magagawa kapag yon ang ipinilit ko. Hmm? Tama! Bakit nga ba ako kakabahan kung no’ng una pa lang eh sinabi ko nang sisigaw ako kapag may ginawa itong mali? At ako naman itong tanga, puro salita lang. Dahil kinabukasan ng hapon habang ginagawa ko ang trabaho ay para bang ewan at nandito ako sa sofa, nasa tabi ko naman si Mayor... at nilalandi ang leeg ko. Paulit-ulit nitong hinahalikan, sa paraang magaan kaya malamig at minsan ay sa paraang mariin kaya mainit. Pakiramdam ko habang ginagawa niya yon ay para akong pusang nagsisitindigan ang leeg. Ramdam ko ang kilabot... kilabot sa buong kaugatan. “T-tama na! Mayor naman, paano tayo matatapos nito?” Nakasimangot na tanong ko. Isang pilyong tawa ang iginawad nito bago muling binasa ang ginawa kong summary para sa isang sittio. Maganda nga at walang masyadong complains ngayon. At habang tumatagal, umuunti na rin ang may ganoon. Siguro ginagawan na nito ng solusyon. “Inday,” Napamulagat ako sa pagkakayuko at tinitigan ang bagong dating. Ngumiti ito, iyong ngiting mabait. Ako nama’y tahimik na nagmamasid. “Can you call a masseur?” Tanong nito. Tumango ito at umalis din kaagad pagkatapos na ilapag ang meryenda. Ngumunot ang noo ko at lumingon sa maliit nitong kusina. Pakiramdam ko e hindi katagalan mag-uumpukan na ang alikabok sa sobrang dry ng sink. Halatang hindi nagagamit. I was thinking to cook something the next time I come here. Pwede naman siguro, total puro landi lang din ang inaatupag ni Mayor. Tahimik kong pinakikisamahan sa meryenda si Mayor. Seryoso na nga sa pagbabasa, ako nama’y pasulyap-sulyap lang pag natatapos sa isang summary. Pagkalipas lang ng ilang minutos, bumalik din si Inday at sinabing walang available. Tumango si Mayor ngunit nagrereklamo naman. Pakiramdam ko e totoong nananakit ang katawan nito. Ilang araw pa lang naman buhat ng aksidente kaya iba ang epekto ng mga pinagdaanan nito. Naawa naman ako lalo na at kunot na kunot ang noo nito habang nagbabasa. Medyo marunong naman ako, ginagawa ko kaya lagi ito kay Mama noon. “Mayor, gusto mo ako na lang?” Pagkaangat nga ng mukha ay para bang nabuhusan ako ng malamig na tubig. Hindi ko mawari kung dapat ba akong magsisi na inaya ko pang ako na ang gumawa. Lalo na ngayon na kita ang pag-aliwalas ng mukha nito. “I would love that, Han.” Shit! Malaking pagkakamali. Pero paano ko naman mahihindian e ako ang nag-alok? Pumasok na kami sa loob ng sarili nitong silid bitbit ang gabutil na pawis sa nanlalamig kong noo. Wala na... Han, panindigan mo iyan. Umayos muna ito ng upo at naghubad ng t-shirt. Ayan na naman, Diyos ko... mahabaging langit. Kita na naman ang bitak-bitak nito sa katawan. Parang minsan ko na itong nakita sa mga men’s magazine... halatang alaga ito sa katawan. “Do my back first,” Dumapa ito. Medyo nakahinga ako nang maluwag. Hindi nito mapapansin ang kabang nasa mukha ko. Ganoon din ang pawis na namumuo kada minuto. Pinisil-pisil ko lang ang balikat nito, ganoon din sa matigas nitong braso. Para akong ewan e awang na awang ang labi habang nahihirapan sa pagpisil sa matigas nitong braso. Mabuti at isa lang, pilay kaya yong isa. “Down, Han...” utos nito na alangan ako sa pagsunod. Nakaupo lang ako sa tabi nito habang pinapasadahan ng pamamasahe. Mukhang sa akin yata umepekto ang masahe, pinagpapawisan ako... iba rin ang bewang nito— well shape, hugis lalaki. “Han, haharap ako ah. Medyo masakit pa rin sa balikat ko.” Namula na naman ang pisngi ko. Hinayaan ko siyang humarap at nagpokus sa balikat. Hindi ko talaga tinitigan. Bahala na... nasa kabila ang mga mata ko habang pumipisil. Nag-aalangan pa akong bigatan iyon, e hindi ako komportable. “You’re just so cute, Han.” Pakli nito sa pagkailang ko. Doon naman ako napatitig sa kanya at nakitang nakatitig pala nang malalim. Sa hiya ko e napatayo ako at napalayo sa kama. Tawang-tawa naman siyang nakatitig sa akin. Para akong napapaso, ewan ko ba. Nakakainis lang na para akong ewan samantalang tukso lang pala ang aabutin ko sa kanya. “Halika nga,” muwestro nito. Kuntodo iling naman ako habang pinipisil ang daliri. Tawang-tawa siyang umupo at iminuwestro pa rin ako. Doon sa tatlong daliri nitong pilit akong pinapalapit. “Come here, Hon...” Sumimangot nga ako at nagulat na lang na sa isang iglap e hila na ako palapit sa kama. “Kung hindi lang ako pilay... binuhat na kita.” Pinigilan ko siya nang akmang manghahalik. Di talaga nakakaintindi na mali... “Let’s be together again, Hon... this time I promise not to break up with you. Never ever again.” Sumimangot nga ako para maintindihan nitong hindi pa rin ako sang-ayon sa alok nito. Iba kasi kapag natrauma na, parang peklat na ayaw mabura. Kaya bahala ito. “Hindi mo’ko mapipilit, Mayor.” Ngumingisi ito na parang hindi nainsulto sa pag-ayaw ko. Mas lalo ngang naging makulit. Mabuti nga at hindi ako masyadong nilalandi ngayon, kaso kinabukasan parang hindi naman ako tinantanan. “Birthday ko bukas, iniimbitahan na nga kita eh kaya wag kang makulit.” Isang irap na naman ang natanggap nito pagkatapos kong lumayo-layo. Natatawa lang itong tumango. Mabuti naman at napansin nitong dumadami na ang tambak ng trabaho. Mas mabuti sana kung umuusad para matapos na kaagad ‘to. Malapit na ang weekend, gahol na rin ako sa oras para sa next week na exam. Kaya bawal ang patamad-tamad. O baka bawal ang palandi-landi? E kasi, ako na nga itong umiiwas... pero naman! Habol ng habol ang isang ‘to. Bad idea talaga na dito gawin ang trabaho. Kaso sekretarya lang ako, wala akong karapatang magreklamo. Kinabukasan eh nag-on leave ako para sa araw ng kaarawan. Umorder na lang kami ni Ate Bobby ng ibang luto, yong specialty ko lang ang ginawa sa bahay. Si Ate nga e nagleave rin sa trabaho, nahihiwagaan ako... noon, kahit sabihin pang para kompleto ang pamilya, hindi iyan maglileave para lang dito. Nasagot din kalaunan kung bakit talaga. Para itong mahihimatay habang nakikita namin si Mayor na bumababa ng sasakyan. May dalawang bagong bodyguard na umaalalay dito. Napalunok tuloy ako at lumapit, para sana ituro ang mauupuan nito. Inunahan ba naman ako ni Ate Bobby! Parang siya itong nang-imbita ah?! “Gwapo talaga ni Mayor,” bulong ng kapitbahay. Nanlilisik tuloy ang mga mata ko habang pinapasadahan ng tingin ang mga nakikiusyuso. Ito ang mahirap eh, kapag may mga bisitang lalaki o babae... nag-uunahan ang mga yan para sumagap ng balita. Mga tipikal na chismosa na kapitbahay. “Sis, ako na ang mag-e-entertain kay Mayor ah? Asikasuhin mo na lang ang iba mo pang mga bisita.” Kuntodo ngiti nito. Iyong mapupunit na talaga ang pisngi sa sobrang binat. Pinanlakihan ko nga ng mga mata. Kaso parang bulag na hindi pinansin iyon. Hindi ako mapakali habang pasilip-silip sa ginagawa ni Ate Bobby. Para itong kiti-kiti na hindi mapakali. Kita ang pagiging malikot at may nakidagdag pa talaga! Iyong isang kapitbahay naming sarat naman ang ilong— wala sana akong problema sa ilong nito eh, tipikal sa pinoy iyon... kaso ambisyosa rin at nagawa pang magsout na sobrang iksing shorts. Iyong siguradong pag-upo kita na agad ang singit. Mabuti sana kung maputi. Nag-aagawan ang dalawa kay Mayor. Patawa-tawa nga lang si Mayor habang nakasulyap sa akin. Umirap nga ako at inayos ang mga handa para sa pagdating pa ng maraming bisita. Ang mga kaklasi ko e mamaya pa dahil magbibihis pa nga raw. Ako nama’y nagsuot lang ng romper shorts. Hindi gaanong maiksi pero body hugging... Tinanong ko ang ilan kung kumusta ang kinakain. Baka kasi nahihiya lang kumuha kaya kakaunti iyong iba. Syempre, puro dalaga... alangan sa pagkuha ng mga pagkain. Lalo na at pasulyap-sulyap din ang mga ‘to kay Mayor. Kahit pilay iyan, may tungkod at cast, hindi pa rin nakababawas sa kakisigan. “Hon, take a rest... dito ka sa tabi ko.” Bulong nito nang napadaan ako. Sinamaan ko nga siya ng titig... ngayon ko napagtanto na iba ang diction nang pagtawag nito sa pangalan ko at sa endearment na iyan. Akala siguro nito ay hindi ko maiintindihan. “Please?” Paawa effect ito samantalang pabalik na si Ate Bobby, natigilan ang isa at parang nag-aalangan sa paglapit. Nang lumiko si Ate ay napabuntong hininga na lang ako at kumuha ng dessert para kain-kainin habang nasa tabi ni Mayor. Nasiyahan yata ito eh dahil panay na ang kuwento. Kung ano-ano na lang basta minsan seryoso, minsan biro. “A little more older, Han. Aakyat na ako ng ligaw...” bulong nito na siyang nagpatigil sa akin sa pagsubo. Parang ewan ‘to eh. Mabuti sana kung kami lang, e may mga bisita ako! Mabuti nga at walang ibang nakarinig. “Tumigil ka nga, sinabi ko namang ayaw ko.” Umiling ito, ayaw tanggapin ang paulit-ulit kong rejection. “Matatapos na ang tatlong taon, Han... Hindi na ako tatakbo pa ulit sa susunod na terms. I’m planning to settle down and just focus on my businesses and the poorest.” “Naku, sinasabi mo lang iyan para pumayag ako.” Natawa ito at inayos ang upo... medyo pansin kong nakaangat ang isang paa nitong may pilay. “Sandali lang ah,” Umalis ako para kunin sa kusina ang maliit naming upuan. Saka bumalik at nainis ako nang nakitang nandoon na naman si Ate Bobby, nagsama pa talaga ng tatlong kasamahan nito sa trabaho. Kaka-out lang yata dahil nakauniporme pa ng bangko. “Mayor, ilagay niyo po rito.” Patay malisyang sabi ko at nilapag sa paanan nito ang maliit na upuan. Hindi ko nga alam sa mga taong nandito kung napapansin ba nila ang lalim ng titig ni Mayor. Sa sobrang lalim, para akong natutunaw. Maya’t maya pa e dumating naman ang mga kaklasi ko at kaklasi rin ni Ate Bobby noon. At nagulat ako na nandoon si Jeir, may paflowers! Tuksuhan kaagad ang lahat. Ang nakakailang lang, hindi rin nagpatalbog si Mayor at pinalabas ang hindi pangkaraniwang nitong sukat ng bouquet. Nakakahiya sobra! May malisya sa akin ang pag-abot nito... samantalang hindi naman pinapansin ng mga nasa paligid. Walang tuksuhan hindi tulad ng kay Jeir. Kaya siguro napikon ang isang ‘to at at hinalikan ako sa pisngi. Para akong mauupos. Samantalang natahimik ang paligid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD