"Honey." Sunod-sunod na pagkatok ang nanggaling sa labas. Naimulat ko ang dalawang mata ko kahit na hinihila pa ako ng antok dahil sa narinig. Kinusot ko ang isang mata ko at pinakawalan ang mahabang paghikab. Matapos ay inunat ko ang buong katawan ko habang nakahiga. Ano na bang oras? In-extend ko ang isang braso ko para abutin ang mesang katabi ng kama. Kinapa ko roon ang cellphone ko. Nang mabuksan, halos lumuwa ang mga mata ko nang makitang lagpas na ito sa oras ng dapat na gising ko. "Shet na malamig." Mabilis akong tumayo para umalis ng kama. Sa pagmamadali, hindi ko napansin na sumabit ang paa ko sa kumot. Nangudngod tuloy ako sa sahig pagbaba, pero hindi naman ganoon kasakit kaya nakatayo ako agad— o dahil sanay na ako sa mga ganitong pangyayari kaya wala ng epekto ito sa

