Nanunuyo ang lalamunan ko at nanlalamig ang dalawang kamay. Hindi ko nilalakihan ang bukas ng pinto, nanatili lang akong nakasilip sa maliit na butas para kung sakaling may dumating na pulis, makapasok agad ako at makapagtago. Iyon 'yon, 'di ba? Kaya siya nagpunta rito ay para ipahuli ako sa pulis, dahil "illegal" ang pagpi-picture ng ibang tao sa public. Kahit na hindi ko naman sinasadya iyon at siya naman talaga ang may kasalanan sa biglang pagsingit, pwede niyang palabasin na lumabag ako sa law. Mukha pa naman siyang mayaman. Nakakatakot... hindi ko alam na may taong umaabot sa ganitong punto. Hahalughugin ka para lang makabawi. "Are you the one who's living here?" Tinuro niya ang bahay at inangat ang isang kilay niya. Napalunok ako at dahan-dahang tumango. "Y-Yes, why?" Hind

