"Hey, honey. Are you okay?" Napatingin ako sa likuran ko nang marinig si Cavin na nagsalita. Bago ko pa tuluyang mapihit ang ulo ko papunta sa kanya, inipon niya ang mga takas kong buhok at inipit sa likod ng tainga ko. "Okay lang naman ako," mahinang sagot ko, hindi alam kung ngingiti o mamumula dahil sa simpleng kilos na ginawa niya. "Nakasimangot ka kanina bago ako dumating dito. May problema ba?" Pinatong niya ang dalawang tuhod niya sa lupa habang inaayos iyong mga gamit namin. "Wala naman." Umiling ako, kasunod noon ay ang pagbuntong-hininga. "May na-encounter lang akong masungit na babae." "Masungit na babae?" Saglit na nalipat ang tingin niya sa akin bago ipagpatuloy ang ginagawa niya. "Oo, nagpi-picture kasi ako, tapos bigla na lang siyang lumitaw sa camera. Pinagbintang

