My eyes were stuck on him, it was like his words were repeatedly said in my head. I'm proud of you... Hindi ko alam ang ire-react, nakanganga lang ako na parang tanga. Gusto kong ngumiti at magsisigaw pero hindi ko magawa. Na-overwhelm ako sa sinabi niya. I was just expecting a yes or no... I didn't expect that he would say such a thing... that he was proud of me. Sa 26 years na pamumuhay ko rito sa mundo, ni isa ay wala pang nagsabi sa akin na proud sila sa mga nagawa ko. Lagi kong binibigyan ng pampalubag-loob ang sarili ko, na baka masyadong maliit lang iyong mga achievement o improvement ko kaya walang nakakapansin. Kaya sa paglipas ng panahon, naging hilig ko ang mangarap nang mataas. Though, walang natutupad dahil masyadong mahirap para sa akin. Tapos ngayon, itong lalaking

