Chapter 10

3369 Words

He looked worried, and at the same time, frustrated. Magkaharap kami ngayon sa sala, pinagigitnaan kami ng center table. Nakasandal siya sa sofa habang nakaangat ang tingin sa kisame. Rinig ko ang bawat paghinga niya, ang bibigat noon. "Uh, h-honey..." Mahinang tawag ko rito. Nang bumaba ang tingin niya sa akin, mabilis kong iniwas ang mata ko. "What?" It was his cold voice. Napalunok ako. "W-Wala." Hindi ako makapag-sorry. Nape-pressure ako sa tingin niya, lalo na kapag nagsalita siya. Pakiramdam ko, lalamunin niya ako ng buo kapag sinubukan kong ibuka ang bibig ko. Kanina, noong makauwi ako, nag-aalala niya akong sinalubong. Ilang beses niya pa akong inikutan, tinitingnang mabuti kung maayos lang ba ang lagay ko. After noon, pinapasok niya ako sa bahay at pinaupo rito sa sofa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD