((Nelson)) Hindi matigil ang buntong-hininga ko, habang hawak ang kamay ni Dorry. Kanina ko pa siya pinagmamasdan. Kanina ko pa paulit-ulit na nilapat sa labi ko ang kamay niya. “Dorry, I’m sorry, I’m sorry.” Para na nga rin akong sirang plaka. Paulit-ulit na humihingi ng sorry sa kanya, pero hindi naman niya naririnig. Kasalanan ko kaya nandito siya sa hospital ngayon. Ako ang dahilan kung bakit siya nawalan ng malay. Pinilit ko pa kasi siyang magsalita. Dinagdagan ko pa ang paghihirap niya. Kasi naman, ako rin, hirap na hirap na. Hindi na ako mapakali; para na akong mababaliw. Kaya naging marahas ako. Sinigawan ko siya; sininghalan hanggang sa hindi na nga niya kinaya. Pero hindi ko naman sinasadya ‘yon. Ang gusto ko lang ay alamin ang sagot sa isa na namang palaisipan na sinabi n

