((Dorry)) Nanghihina at halos hindi ko na makita ang dinadaanan ko dahil sa mga luhang nagpapalabo sa paningin ko, pero pinilit ko pa rin ang humakbang. Pinipilit ko rin na alisin sa utak ko ang alaala na nagpapahirap ngayon sa puso ko. “I hate you, Nelson! I hate you!” Paulit-ulit kong sambit. Katulad rin ng paulit-ulit kong pagwaksi sa mga alaalang dumudurog sa puso ko, pero kahit anong gawin ko, ayaw mawala. Lahat ng eksena, bumabalik sa isipan ko. Isla, Year 2001 Hindi pa man dumaong ang bangkang sinasakyan ko, tumayo na ako. Leeg ko, nagkandahaba-haba na rin. Para na nga ring telescope, ang mga mata ko na pilit inaaninag ang mukha ng mga tao na nasa daungan ng mga bangka. Baka makita ko agad si Nelson at masabi ko na sa kanya ang magandang balita. Masabi ko na sa kanya ang totoon

