DORRY Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang tinatanaw ko ang eroplanong sinasakyan ng mga magulang ko pabalik sa Canada. Naiintindihan ko naman ang rason kung bakit kailangan nila akong iwan agad, pero hindi ko pa rin mapigilan ang magtampo. Nagawa kasi nila akong ipagkatiwala sa taong hindi pa nila lubusang kilala. Tuwang-tuwa pa sila sa mga pangako ni Nelson na alam ko namang hanggang sa dulo lang ng dila. Hindi nga kami magkasundo at kailanman hindi magkakasundo. “Now that your parents are gone, malaya na nating magagawa ang mga gusto natin. And most especially, I’m free to do what I want with you.” That annoying voice. Nilingon ko siya at tinapunan ng matalim na tingin. Ngisi naman niyang nakapanginig ng laman ang bumungad sa akin. “In your face, Nelson! Do you

