Sa tapat ng malaking gate, huminto ang kotse ni Dorry. “Ito na ba ang bahay n’yo?" tanong ko habang nasa bakuran ng malaki at modernong bahay na ang tingin ko. Iniiwasan ko kasi na magtama ang paningin namin ni Dorry. Ayaw kong may mabasa siya sa mga mata ko. Ayaw kong magtanong pa siya, o mag-usisa sa kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang binitawan ko. At lalong ayaw kong magkwento sa taong hindi naman ako binigyan ng pagkakataon na maging parte ng buhay niya noon. “Oo," tipid niyang sagot na sumabay sa pagbubukas ng gate, pero sandali muna akong tinapunan ng tingin—tingin na parang na guguluhan, at gusto pa sanang magtanong. Mapait na lang akong napangiti. Paano nga siyang hindi maguluhan, ang nakilala at alam niya lang ay isa akong walang kwentang tao na taga-isla. Hindi niy

