Kaagad na hinablot ni Dorry ang kamay niya na hawak-hawak ng lalaki, at nilapitan ako.
Napangisi na lang ako. Ang laki kasi ng hakbang niya; ang bilis niyang narating ang kinatatayuan ko. At ayaw niya pa yatang ipakita ang mukha ko sa lalaki. Hinarang ba naman ang mukha ko.
“Nelson, what are you doing? I told you to wait outside. Ang hirap mo pakiusapan. Ang tigas ng ulo mo,” gigil na sabi ni Dorry. Pinanliitan pa ako ng mga mata. “Nakakahiya ka; nakakahiya sa boss ko. Basta-basta ka na lang pumapasok sa opisina na walang pahintulot,” dagdag niya.
“Nakakahiya agad? I got bored; ang tagal mo. At saka, ang init-init sa labas, Dorry, kaya pumasok ako rito para sana magpalamig. Kaya lang, mas mainit na eksena ang pala makikita ko!”
“Dorothy, who is he?” malumanay na tanong ng lalaking kausap ni Dorry.
Sa sobrang malumanay ng boses niya; sa sobrang bait pakinggan, alam ko agad na pretentious ang lalaking ‘to. To good to be true, ang pinapakitang kabaitan. Ito namang si Dorry, walang ka alam-alam na gusto lang siya nitong mabingwit.
“I am sorry, Hector, sabi niya, sabay lingon sa lalaki. This is...” She paused, and then she looked at me.
Ang tingin niya ay parang nagsasabi na ‘wag akong magsalita ng kung ano-ano at sakyan ko lang ang sasabihin niya.
“This is my friend, Nelson,” sabi niya, pero hindi pa rin umalis sa harapan ko. Parang nahihiya siyang ipakilala ako sa lalaki.
Hinaplos-haplos niya pa ang balikat ko at inayos ang purple tie ko. At saka ngumiti ng matamis, bago hinarap ang lalaki.
“Your friend—” Pamimilog ng mga mata ang pumutol sa salitang sasabihin sana ng lalaki—si Hector.
Kasama lang naman siya sa taong ayaw ko na sanang makita, at malamang sa reaction niya ngayon, alam kong ayaw niya rin akong makita. Gulat na gulat nga siya Bukod sa pamimilog ng mga mata, pinigil pa yata ang hininga.
Maging ako ay sandali ring nagulat, pero agad namang nakabawi. Ngayong bumalik na ako sa bansa, alam ko, may mga pagkakataon na makasalubong ko ang mga tao na ‘to, kaya hinanda ko na ang sarili. Tinitibayan ko na ang loob ko.
Ngumiti ako. “Long time, no see, Hector! Gulat na gulat ka, ahh?”
Humakbang ako ng kaunti palapit sa kanya. Agad namang tumabi sa akin si Dorry.
"I get you, Hector. You weren’t expecting na muli akong makaharap. And yes, I’m Dorry’s friend,” ngisi kong sabi sabay hapit sa baywang ni Dorry na agad namang tinampal ang kamay ko.
“Do you know each other?” naguguluhang tanong ni Dorry. Nagpalipat-lipat na rin ang tingin niya sa akin at kay Hector.
Nanliit ang mga mata ko. Hindi kasi gumalaw si Hector, pero nanatiling tumitig sa akin. Halatang nagkukunwari na hindi ako kilala.
“Yes, I know him well, but I doubt it, kung kilala niya pa ako,” sagot ko na nagpalunok ng paulit-ulit kay Hector.
Hindi na nakakagulat ang reaction niya. Makita ba naman niya ang isa sa multo ng nakaraan niya.
Pero, grabe namang maglaro ang tadhana; sa ilang oras ko palang na pamamalagi rito sa bansa, dalawang tao na ang nakatagpo ko na parte ng nakaraan ko. Una si Dorry, at ngayon ito namang hambog na lalaking ‘to.
“Dorothy, he looks familiar, but I don’t think, kilala ko siya.” Umiling-iling si Hector habang sinasabi ‘yon.
“Such a liar!” sigaw ng utak ko. Pero hindi ko mapigilan ang tumawa. “As expected!” nasabi ko na lang.
“Nelson...” gigil na sita naman sa akin ni Dorry. Kinurot pa ang likuran ko. Ayaw niya talagang masira ang emahe niya sa harap ng lalaking unggoy na ’to.
Akala naman niya ay ikinagwapo na niya ang suot na suit at trouser na abot hanggang sikmura.
“Sabi mo ‘yan, hindi mo ako kilala. Hindi ako ko-kontra, basta lang panindigan mo,” ngisi kong sabi, sabay kindat kay Dorry.
Pagtiim ng bagang naman ang sagot ni Hector. Pero sinisiguro niya na hindi makita ni Dorry ang nanggagalaiti niyang hitsura. Biglang ngiti kasi, kapag lumingon sa kanya itong friend ko raw.
“Shall we, my friend?” ngisi kong tanong kay Dorry na pandidilat na naman ang tugon.
Pero maya maya ay ngumiti at hinarap si Hector.
“Hector, thank you for allowing me to work with your company,” nakangiting sabi ni Dorry, as she extended her hand to Hector.
“It's my pleasure, Dorothy—”
“Tara na! Ang daming satsat!” Tinampal ko ang kamay ni Hector na malapit nang lumapat sa kamay ni Dorry na sabay na ikinalaki ng mga mata nila.
“Tuloy n’yo na lang bukas ang usapan n’yo. ‘Yong walang taong naiinitan sa labas, at walang nababagot sa kahihintay,” talak ko sabay hapit sa baywang ni Dorry at halos itakbo na siya palabas.
Wala akong pakialam kung nahihirapan siyang maglakad dahil sa mataas niyang takong. Ang landi eh! Ang tamis ng ngiti niya sa ibang lalaki, tapos kapag ako ang kaharap, laging galit.
“Are you insane?! Bakit mo ‘yon ginawa, Nelson? Wala ka talagang modo, ano?” talak ni Dorry habang palabas na kami ng building.
“Oo na nga! Wala na akong modo, pero mas walang modo ang sira-ulong ‘yon!” Dinuro ko ang building na parang si Hector pa rin ang kaharap ko.
“Wala akong pakialam sa away n’yo! Lalong wala akong pakialam kung sino sa inyo ang mas walang modo. Mali pa rin ang inasal mo, Nelson. Boss ko ‘yon!”
“Boss? Anong klaseng boss? Boss na gusto kang ikama?” Tumiim at nanliit naman ang mga mata niya. “Hindi mo ba napansin, Dorry? Kung tingnan ka ng Hector na ‘yon ay parang hinuhubaran ka.”
Mapakla siyang tumawa, at saka bumuga ng hangin. “Pakialam mo kung hinuhubaran niya ako sa paningin niya. Hanggang tingin lang naman ‘yon! Pero ikaw…” Bumaba ang paningin niya sa kamay kong nakayapos pa rin sa baywang niya. “Kanina ka pa hawak ng hawak! Namimihasa ka na!” Malakas na tampal sa kamay ko ang kasabay ng sinabi niya.
“Pasalamat ka nga at hawak lang ang ginawa ko, hindi patong!” madiin kong sabi, sabay ang pagtakbo palayo sa kanya.
Nilingon ko naman siya pagkatapos. Galit na galit na nga, akmang ibabato na sa akin ang bag niya, pero hindi tinuloy dahil nakita niya si Hector na nakatingin sa amin mula sa glass wall ng opisina niya.
I waved at him, at syempre, may kasabay ‘yong mapang-asar na ngiti.
“Let’s go, Dorry. Kanina pa naghihintay ang mga magulang mo,” sabi ko at nauna nang pumasok sa kotse.
Nakita ko pang kumaway si Dorry kay Hector, at flying kiss naman ang sagot ng hinayup4k. Ang sarap pitikin ng nguso.
Ito namang si Dorry, ang sarap kurutin ng singit. Ngingiti-ngiti kasi.
“Bakit kayo magkakilala?” tanong niya nang pumasok siya sa kotse.
Sinimangutan ko siya, at inismiran naman niya ako.
“Hindi mo ba kuha ang sinabi ni Hector kanina? Ako lang ang nakakakilala sa kanya; hindi niya raw ako kilala,” sagot ko na sumabay sa pag-andar ng kotse.
“Oo na, kuha ko na! But please, Nelson. Next time, ‘wag mo nang gawin ‘yon. ‘Wag ka nang manghimasok sa mga affairs ko. Panira ka na nga sa mga plano ko, panira ka pa sa trabaho ko!”
Mapakla akong tumawa. “Mabuti ka pa nga, mga plano at trabaho mo lang ang nasira, ako buhay ko!”
Sandali niya akong nilingon. “Bakit ba ako ang sinisisi mo sa kamalasang nangyayari sa buhay mo? Malaki ka na Nelson. Pareho na tayong may kakayahan na mag-isip ng tama, no’ng panahon na nagkita tayo. Kung nasira man ang buhay mo, choice mo ‘yon, hindi ko kasalanan!”
“Ang daldal mo pa rin! Sinabi ko ba na ikaw ang may kasalanan? Inaamin ko, sandali mong ginulo ang buhay ko, pero Dorry, marami kang hindi alam tungkol sa akin. So, ‘wag kang mag-assume na sa’yo lang umikot ang buhay ko, dahil katulad mo, napadpad lang din ako sa isla para kalimutan ang nakaraan ko," sagot ko na sumabay sa paghinto ng kotse.