“Bumaba ka!"
Parang huminto sandali ang t!bok ng puso ko, hindi dahil sa bulyaw ni Dorry, kung hindi dahil sa biglang paghinto ng kotse. Pakiramdam ko, tumilapon ang kaluluwa ko, palabas ng katawan ko.
“Buwesit ka!”
Napakurap-kurap ako nang halos tumusok na sa mga mata ko ang mahabang kuko ni Dorry.
“Kanina ka pa. Bumaba ka!” dagdag singhal niya pa, at akmang tatampalin pa ako.
“W-why should I?” Ayon, matapos kong mapigil sandali ang hininga ko, at hayaan si Dorry na duro-duruin ako ay nagawa ko ring magsalita. Na-uutal man, pero alam kong apektado pa rin naman siya.
Namumula lalo ang mukha. Kumibot-kibot pa ang mga labi na parang may gusto pang sabihin; pati butas ng ilong niya ay bubuka-bukaka. Parang toro na galit at gusto akong sungayin.
“Kanina ka pa, Nelson! Hindi nakatutuwa ang mga banat mo. Papansin kang sira-ulo ka!”
“Sinabi ko ba na matuwa ka? At saka, ano ba ang ikinagalit mo, ha? Totoo naman ang sinasabi ko. No’ng ginawa nga natin ‘yon, hindi ka naman nagalit. Nag-enjoy ka pa nga sa pag-drive!”
“Stop it, Nelson!” sigaw niya, sabay takip sa mga tainga niya. “Ayaw ko nang marinig. Ayaw ko nang maalala!”
Sandali naman akong napatitig sa kanya. Anong kaartehan ba itong pinapakita ni Dorry? Bakit ganito siya mag-react? Bakit hysterical siya? Bakit parang diring-diri siya kapag naalala ang ginawa namin.
“Kung ikaw, natutuwa na maalala ang nangyari noon; ako, hindi! So, stop reminding me of the past—past na ayaw ko nang maalala sa tanang buhay ko!” Maluha-luha na ang mga mata niya habang sinasabi ang mga salitang ‘yon. “Nakapandidiri!” dagdag niya pa habang pisil-pisil ang noo.
Pahapyaw akong tumawa, saka matiim siyang tinitigan. "Nakapandidiri? Ngayon, diring-diri ka na, pero noon, sarap na sarap ka!”
Pandidilat ng mga mata at kagat ng pang-ibabang labi na lang ang sagot niya na nagpangisi naman sa akin.
Akala niya, mapatahimik niya ako dahil sa mga sinasabi niya? Nagkakamali siya. Mas sinindihan niya lang ang galit ko. Mas ganado pa ako na ibalik ang nakaraan. Nasusuklam kasi ako sa kamald!tahan at kaartehan niya.
Alam ko namang maarte at mald!ta na siya dati pa, pero ngayon, mas nag-level up. At nasusura ako. Napipikon sa mga sinasabi niya.
“Bingi ka ba? O, talagang bobo ka lang, kaya hindi mo maintindihan ang mga sinasabi at pakiusap ko? Paulit-ulit ka, Nelson. At sa tuwing binabanggit mo ang nangyari noon, mas nandidiri ako!”
“Nandidiri ka naman pala, bakit ka pumayag?” Sinadyang tawa ang tumapos sa tanong ko na ‘yon, na nagpalunok sa kanya ng paulit-ulit at nag-iwas pa ng tingin.
“Nandidiri?” Ulit ko sa salitang hindi ko kayang paniwalaan. “Hindi lang isang beses natin ginawa ‘yon, Dorry—dalawang beses. At alam ko, walang pandidiri sa oras na ‘yon; ramdam ko, that you liked it!”
Pinandidiinan ko ang huling salitang sinabi ko. Para maalala niya kung paano namin hawakan ang isa’t-isa. Kung paano niya tinawag ang pangalan ko habang umuungol—habang gumigiling sa ibabaw ko.
"Shut up, Nelson, please. Nakikiusap ako. Tama na! Tigilan mo na ‘to," madiin at gigil niyang sabi habang inu-untog-untog ang noo sa manibela.
“Kung gusto mong tigilan kita, magpaliwanag ka! Bakit ka galit? Bakit ka nandidiri? Bakit ayaw mong maalala ang nangyari noon?”
Pabagsak akong sumandal. Tama nga yata ‘to si Dorry, sira-ulo ako. Kasi hanggang ngayon ay kinukulong ko pa rin ang sarili ko sa nakaraan.
Ang dami ko nang nakatagpo na ibang babae—maraming naikama. Mas maganda at seksi kay sa dito kay Dorry, pero bakit hindi ko pa rin mabitiw-bitiwan ang nakaraan namin.
Bakit gusto ko pa ring malaman ang mga dahilan sa pag-alis niya ng walang matinong rason.
Sandali siyang sumulyap sa akin. Alam niya na naghihintay ako ng sagot. Alam niya na hindi ko siya titigilan hangga’t hindi ko marinig ang valid niyang rason.
“Kaya ayaw kong maalala; Kaya nandidiri ako, kasi... Wala ako sa katinuan ng mga time na 'yon, Nelson. Kaya nangyari ‘yon,” putol-putol niyang paliwanag, saka bumuga na malalim na buntong-hininga.
Pahapyaw na naman akong tumawa. s**t! Ibang klaseng paliwanag. Ibang klaseng rason. Napapailing-iling ako. Lagi kasi akong nagugulat sa mga sagot nitong babae na ‘to. Imbes na maging malinaw itong nasa utak ko, mas nagugulo.
“Wala ka sa katinuan? Ano ka, lasing?” Hindi ko napigil ang malakas na tawa, habang hindi siya nilulubayan ng tingin.
“Nangati ako—” pabitin niyang salita na nagpahinto sa tawa ko.
“Nangati lang ako dahil sa sea squirts. Allergic reaction.”
Sandaling umawang ang labi ko. "Allergic reaction?” Maya maya ay kunot noo kong tanong. Nakalikot ko pa ang tainga ko. Tama ba ang narinig ko? Allergic reaction daw? “Pinagloloko mo ba ako, Dorry?” dagdag tanong ko pa.
“Hindi!” pasikmat na naman niyang sagot, pero hindi na niya ako nilingon. “Totoo ang sinasabi ko!” dagdag niya pa.
Nahagod ko naman ang buhok ko, at nanghihinang napasandal na lang. Na bobo na nga yata ako. Hirap kasi akong e-proseso sa utak ko ang sinabi niya.
Maya maya ay hindi ko naman mapigil ang tumawa. Literal na nangati siya, kaya pumayag magpakamot? Ginawa niya lang pala akong pangkamot! s**t namang allergy ‘yan, oh! Ibang klase!
Ako kasi, hindi lang katawan ko ang binigay ko sa kanya noon. Pati puso ko at kaluluwa ay inalay ko sa kanya noong gabi at umagang ‘yon.
Sincere ako sa nararamdaman ko sa kanya noon. Hindi lang dahil sa libog o kung anong effect ng sea squirts. Tapos siya, allergic reaction lang pala ang dahilan? Ginagawa talaga akong gago nitong babae na ‘to.
Binaliw na niya ako noon, binabaliw naman niya ako ngayon. Mali nga yatang nagpakasal kami.
“Kaya, please, Nelson. Kung gusto mong maging tahimik ang mga buhay natin. ‘Wag mo na ulit ipaalala o banggitin ang nakahihiyang pangyayaring ‘yon!"
Hindi na ako sumagot. Nag-backfire kasi lahat ng pang-iinis ko sa kanya. Gusto ko siyang e-torture gamit ang nangyari sa amin noon, pero bumalik sa akin lahat.
Buwiset na sea squirts, ‘yon! Kasalanan ‘to ni Vianna May.
Sumulyap ako sandali kay Dorry nang umandar ang kotse, at kitang-kita ko ang ngiti niya–ngiting tagumpay.
Hindi pwede ‘to. Hindi pwedeng matalo ako sa laro naming ‘to. Kailangan bumawi ako. Nilingon ko si Dorry na ngayon ay maaliwalas na ang mukha. Bakas ang ngiti sa mapula-pulang labi.
“Malayo pa ba tayo?” bagot kong tanong. Hindi ko na rin siya nilingon. Hindi pa nga kasi ako nakabawi. Wala pa akong mukhang ihaharap sa kanya.
“Medyo malapit na, pero may dadaanan muna tayo,” mahinahon naman niyang sagot sabay hinto sa harap ng gusali. “Wait here, sasaglit lang ako sa loob,” sabi ni Dorry at agad nang bumaba ng kotse.
Hindi man lang hinintay ang sagot ko. Talagang kumikilos siya base sa gusto niya.
At dahil ayaw ko na magpadikta. Lumabas ako ng kotse, at ngayon ay mabagal na naglalakad papasok sa gusali.
“HL Specialized Real Estate.” Basa ko sa pangalan ng building, kung saan pumasok si Dorry.
Out of curiosity, pumasok na rin ako sa loob. Syempre, kahit parang aso at pusa kami nitong si Dorry, mag-asawa pa rin kami. Dapat ay alam ko ang mga lakad niya; ang mga ginagawa niya, para alam ko kung paano siya hahawakan.
Heto, at nasa loob ako. Hindi naman kalakihan ang gusaling ‘to. Iilang empleyado lang din ang nakikita ko na puro abala sa mga kausap nila.
Pero ang umagaw sa pansin ko, si Dorry. Kitang-kita ko mula sa glass wall ng opisina, ang mga galaw at ngiti niya habang kaharap ang lalaki na parang nilalandi siya.
Parang sinindihan ang mga paa ko. Ang bilis kong narating ang opisina. “Matagal ka pa ba?” sikmat ko na sumabay sa paghawak ng lalaki sa kamay ni Dorry.