Kabanata 5

1101 Words
Hindi ko napigil ang sarili na mapangiti. Para kasing nabulunan si Dorry. ‘Yan nga, gusto kong maalala niya kung ano ang nangyari sa amin noon sa isla. Gusto kong bumalik sa alaala niya kung paano niya ako iniwan ng dalawang beses na wala man lang matinong eksplinasyon. Walang matinong dahilan. Ni ang kausapin ako, wala. Hindi pwedeng ako lang ang apektado. Hindi pwedeng ako lang ang magdusa sa pagbabalik ng nakaraan namin. Gusto ko, siya rin. Akala ko kasi, nakalimutan ko na ang sakit; akala ko nakalimot na ako, hindi pa pala. At ngayong asawa ko na siya, pakiramdam ko, para akong tinu-torture. Bumabalik lahat. Bumalik ang sakit at galit ko sa ginawa niya noon. “Mukha mo, Nelson! Kung akala mo, maniniwala ako sa kalokohang sinasabi mo, nagkakamali ka. Hindi ako pipilitin ng pamilya ko sa mga bagay na ayokong gawin!” “Ah, hindi ka pala pinilit ng pamilya mo na magpakasal sa lalaking hindi mo kilala, at ni pangalan ay hindi mo alam?” Asar na ngiti ang tumapos sa salita ko na nagpatiim naman ng labi niya. Ibang klase naman pala talaga siya. Ako na naging kaibigan niya. Kilala niya, ngunit nitanggihan at nilayuan niya, pero ang magpakasal sa lalaking hindi niya kilala, okay lang. Ibang klase siya! “Hindi ba, sabi ko naman sa’yo, I have my reasons, kung bakit ako pumayag magpakasal.” Nakamot ko ang kilay ko, at saka pahapyaw na tumawa. Bumagsak naman ang balikat niya habang nagmamakaawa ang hitsura. “Please, Nelson, pabayaan mo na akong umalis. Magkanya-kanya na tayo. Iyon lang naman ang purpose natin, hindi ba. Tuparin lang ang kahilingan ng pamilya natin, at ngayong tapos na, then let's just go our separate ways. Ituloy mo ang buhay mo, itutuloy ko rin ang akin; walang pakialamanan. ‘Wag mong isipin na porket, we’ve exchanged vows ay mayro’n ng tayo.” Napalakas ang tawa ko na nagpagusot naman sa mukha niya. “My God, Dorry. ‘Yong imagination mo, out of this world! Yes we’ve exchanged vows—fake vows. Ikaw yata ang nag-iisip na mayro’ng tayo!” “Hindi ako nakikipagbiruan sa’yo, Nelson. Sinasabi ko lang kung ano ang naiisip ko.” “Hindi rin naman ako nagkikipagbiruan sa’yo, Dorry!” “ ‘Yon naman pala, so, bakit bumubula ang bibig mo? Bakit pinipigilan mo ako sa gusto kong gawin?” “Hindi kita pinipigilan, Dorry. Sinasabi ko lang na mayro’n kang obligasyon bilang asawa ko, kahit pa napipilitan ka lang magpakasal sa akin dahil sa peste mong rason! Obligasyon mo pa rin ako.” Nakagat niya ang labi niya. Hinablot na rin niya ang kulay pink niyang wig at ginulo-gulo ang buhok. “Ang gulo mo, Nelson!” “Buhok mo ang magulo, hindi ako!" kalokohan ko namang sagot na lalong ikinairita niya. “Anong obligasyon?" Dinuro na naman niya ako. “ ‘Wag mo nga gamitin sa akin ang salitang ‘yan. At kung ano man ang rason ko. Wala ka na do’n!” “Nagtanong ba ako? If you think, may pakialam ako sa’yo; you’re wrong. I don’t give a damn, sa kung ano ang gusto mong gawin, Dorry. Hindi kita pinipigilan. But for the sake of this marriage, kailangan mong gawin ang obligasyon mo, kung ayaw mong magkaroon ng problema!” Kung kanina ay ang tapang-tapang niya, at bina-basta-basta lang ako, ngayon ay ramdam ko na ang takot niya. Kitang-kita ko kung paano tumiim ang nanginginig niyang mga labi. Siguro ay na-realize na niya, hindi na ako ang dating Nelson na tinatawag niyang sira-ulo—hindi na ako ang Nelson na ngingiti lang kahit anong sabihin niya. Hindi na niya ako pwedeng sigaw-sigawan, at hindi na niya pwedeng apak-apakan! Hindi ko binawi ang matalim kong tingin sa kanya, habang dinudukot ang cellphone ko sa bulsa. “Jac, ‘wag mo na ako sunduin,” sabi ko kay Jac, at agad din na pinutol ang tawag. Wala naman talaga sana akong plano na pigilan siya, o ipilit ang obligasyon na sinasabi ko, pero ang yabang kasi niya. Umastang hindi apektado sa muling pagkikita namin. “Ano pa ang tina-tayo-tayo mo r’yan, take me to your car, umuwi na tayo. Pagod na ako, gusto ko nang magpahinga!” Kumunot ang noo niya. ‘Yong takot na nakikita ko kanina ay napalitan na naman ng inis. “And why would I do that? Bakit kita iuuwi?” “Akala ko matalino ka, pero sarili mong tanong, hindi mo masagot.” Inangat ko ang kamay ko, at pinakita sa kanya ang daliri kong may suot na wedding ring. “We’re husband and wife, Dorry. Syempre, kung nasaan ka, dapat ay nado’n din ako. Unless, gusto mong sa isla tayo tumira.” Nagsalubong ang mga kilay niya. Galit na galit na parang gusto na akong suntukin. Kumuyom kasi ang kamay. “Kung gusto mong tumira sa isla na ‘yon, bahala ka! I will never step a foot on that island again!” Madiin ang bawat bigkas niya ng mga salitang ‘yon. Ramdam na ramdam ko ang sinsiridad sa sinabi niya. Ramdam ko ang gigil sa bawat salita niya. “ ‘Yon naman pala, ayaw mo sa isla tumira. So, let’s go. Umuwi na tayo, dahil kanina pa naghihintay sa atin ang mga magulang mo. They are eager to meet their handsome son-in-law!” “Nakausap mo ang parents ko?” Kung anong lakas at diin ng mga salita niya kanina, ngayon ay matamlay na. “Your father texted me just now.” Pinakita ko ang minsahe sa kanya. Hindi na siya nagkomento sa text ng Papa niya. Tumalikod na agad, at nagpapadyak na naglalakad papunta sa parking area. Mapait na lang akong napangiti habang sumusunod sa kanya. Napaisip din ako, habang nakatutok ang mga mata sa matambok niyang pang-upo na yumuyugyug-yugyog sa kada lakad niya. Bakit ayaw na niyang bumalik sa na isla? Anong rason? Is it because of me? Dahil ba sa nangyari sa amin? Imposible naman yata ‘yon. Sa aming dalawa, ako ang dapat mag-iisip na hindi na muling aapak do’n, kasi doon ako unang nagmahal at doon rin unang nasaktan. “Ang bagal! Paki-bilis!" sikmat niya habang hinihintay ako. Ngiti na lang ang sagot ko, at pumasok na nga ako sa kotse. Parehong matalim ang tinginan namin sa isa’t-isa habang kinakabit ang safety built. “Marunong ka bang mag-drive?" tanong ko na sumabay sa pag-andar ng kotse. “Hindi lang marunong! Magaling akong mag-drive," sagot ko na ikinatawa ko naman. “Oo, nga naman, ang galing mo mag-drive, lalo na no’ng nasa bangka tayo!" sagot ko na sumabay sa agad-agad na paghinto ng kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD