bc

SEDUCING MY BEST FRIEND'S DAD

book_age18+
26.4K
FOLLOW
158.2K
READ
sex
boss
student
drama
bxg
campus
office/work place
virgin
love at the first sight
widow/widower
like
intro-logo
Blurb

♨️LIFE begins @ 40♨️

‼️HOT 40'S COLLABORATION‼️

‼️MATURE CONTENT‼️

🔞SPG🔞

BLURB:

Ang tunay na pag-ibig ay hindi nasusukat sa edad. Ito ay kusang dumarating at walang makapipigil lalo na kapag puso ang nagdidikta.

Si Rhodri Echeverria ay isang mapagmahal na asawa at ama. Ngunit nagbago ang lahat nang mamatay ang kaniyang asawa dahil sa atake sa puso. Upang makalimutan ang masakit na pangyayari ay ibinuhos niya ang buong atensiyon sa kaniyang kumpanya at tuluyang isinara ang kaniyang puso. Sa edad na 42 ay hindi na niya nagawang makipagrelasyon sa ibang babae.

Ngunit sa pagdadalamhati ni Rhodri, hindi niya alam na naapektuhan na pala ang relasyon nila ng nag-iisang anak na si Enzo. Laging nakatutok si Rhodri sa kanilang kumpanya, kaya bihira na lang siyang nakipag-bonding sa kaniyang anak. At lingid sa kaniyang kaalaman na ang kaniyang unico hijo ay may pusong babae.

Sa labis na takot ni Enzo na baka malaman ng kaniyang ama ang tungkol sa kaniyang kasarian ay pinakiusapan niya ang kaniyang matalik na kaibigan na si Domenique na magpanggap bilang kaniyang kasintahan. Hindi naman nagdalawang-isip si Dom na pumayag, dahil si Enzo ang dahilan kung bakit siya nakakuha ng full scholarship sa kolehiyo.

Ngunit sa pananatili ni Dom sa mansyon ng Echeverria, sa halip na magpanggap bilang girlfriend ni Enzo ay tila bumaliktad ang lahat nang una niyang makita si Rhodri Echeverria ang daddy ng kaniyang matalik na kaibigan. Walang karanasan si Dom sa pakikipagrelasyon, subalit ganoon na lamang ang pagkahumaling niya kay Rhodri.

Paano kung sa paggising ni Rhodri ay kasiping na niya ang kasintahan ng kaniyang unico hijo?

Paano niya haharapin ang anak? Lalo na't nalaman niyang siya ang unang lalaking nakakuha sa kasintahan nito.

chap-preview
Free preview
1: SCHOLARSHIP
~DOMENIQUE~ NAAAMOY ko na ang sarili kong asim na kanina pa nanunuot sa suot kong blusa habang tinatahak namin nina nanay at tatay ang daan papunta sa aking boarding house. Halos limang oras din kaming naglibot sa bayan ng San Rio dahil naghahanap kami ng paaralan kung saan ako makapagkolehiyo, kung kaya ganoon na lang karami ang pawis sa aking katawan. Katatapos ko lang ng high school sa probinsiya namin at gusto ng mga magulang ko na sa isang siyudad ako magkolehiyo. Hindi ako sanay na bumiyahe mag-isa, lalo na't ito ang unang beses kong pumunta sa isang malaking lungsod kaya ito ang dahilan kung bakit kasama ko ang aking mga magulang. Halos lahat ng pinagtanungan naming paaralan ay pinagtitinginan at pinagtatawanan kami ng mga estudyanteng nakakikita sa amin, ngunit hindi ko sila pinapansin at wala akong pakialam! Oo! Lumaki ako sa kahirapan, ngunit hindi iyon naging hadlang sa aking pag-aaral. Bagkus, ginagawa ko pa rin itong inspirasyon para makapagtapos ako ng aking pag-aaral. “Dom? Pawis na pawis ka anak, ah! Magpahinga muna tayo? ” nakangiting wika ni nanay habang tinatapik ang likod ko gamit ang kaniyang mga palad. “Tamang-tama may bakeshop doon anak, oh! Magmeryenda muna tayo!” wika naman ni tatay habang tinuturo ang kinaroroonan ng bakeshop. Tumango ako bilang pagsang-ayon sa kanilang dalawa. Napansin ko ang mga kulubot sa mukha ng aking mga magulang habang tinititigan ko sila ng malapitan. Nag-iisang anak ako, kaya sa akin lang nakatuon ang kanilang mga atensiyon. “Anak? May problema ba?” Bumalik ang aking diwa nang marinig ko ang boses ni nanay. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. “’Nay, ‘tay? Pasensiya na po kayo, ha? Pati ang paghahanap ng paaralang papasukan ko ay naabala pa kayo.” Hinawakan ni tatay ang magkabilang kamay ko at saka ngumiti. “Anak, anong pinagsasabi mo? Makita lang namin ni nanay na masaya ka, masaya na rin kami, okay? Kaya huwag mo kaming isipin.” Pagkatapos naming magmeryenda ay bumalik na rin kami sa paglalakad. Habang papalapit kami sa aking boarding house ay napansin namin ang isang lalaking estudyante na inaagaw ang kaniyang bag ng tatlong tambay na mga lalaki. “Hoy! Bitawan mo siya!” Nagmamadali na rin kaming lumapit ni nanay nang marinig namin ang boses ni tatay habang papalapit sa tatlong lalaki. “Mag-ingat ka, Pedring!” sigaw ni nanay habang nakahawak sa aking braso. Nang makita ko ang lalaking may hawak ng bote na parang hahampasin niya sa ulo si tatay ay agad akong lumapit sa kanila saka mabilis na sinipa ang kamay ng lalaki. Isang martial arts trainer si tatay noong kabataan niya at isa ako sa naging estudyante niya. Elementary pa lang ako ay tinuturuan na ako ni tatay ng martial arts. Kung kaya’y naging madali lang sa amin na pataubin ang tatlong lalaki. Bago sila tumayo ay nilapitan sila ng aking ina at saka sila hinampas ng kaniyang rattan bag na dala-dala. “Mga hayop kayo! Hindi na kayo nahiya, isang bata ninanakawan ninyo! Ang laki ng mga katawan ninyo, magtrabaho kayo!” Bulyaw ni nanay sa kanila saka nag-uunahan na sila sa pagtakbo. Nang makaalis na ang tatlong lalaki, napansin ko ang panginginig ng lalaking estudyante. Na sa tingin ko ay magkasing- edad lang kami. Kaya hindi na ako nagdalawang- isip na lumapit sa kaniya. Kinuha ko ang bag niya na nasa kalsada at iniabot ito sa kaniya. "Ayos lang yan! Sige na, umalis ka na baka bumalik pa ang mga hayop na 'yon!” natatawang sabi ko sa kaniya. Biglang kinurot ni nanay ang singit ko nang marinig niya ang sinabi ko. “Aray!” bigla kong sigaw. “Anong sinasabi mo, anak? Mas lalo mo lang tinatakot iyan, eh!” bulong ni nanay sa akin. “Maraming salamat sa inyo,” maikling wika niya. “Siya nga pala, iho! Malapit lang ba ang uuwian mo rito?” tanong ni tatay sa kaniya. Umiling ito. “Malayo pa po.” "Ganoon ba? Mabuti pa, pumasok ka muna sa boarding house ng anak ko. Kung gusto mo, ihahatid ka na lang namin mamaya. Magpahinga ka muna.” “Pero, tay--” putol kong sambit. Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pinigilan na ako ni tatay. “Mabuti na rin iyon, ‘nak. Para makabisado mo ang lahat ng kalye rito sa San Rio.” Pagpasok namin sa boarding house, binigyan agad ni nanay ng tubig ang lalaki. “Uminom ka muna ng tubig, iho. Siya nga pala, ano ang pangalan mo?” “Maraming salamat po. Enzo po ang pangalan ko,” tugon nito habang nakayuko. “Ako naman si Soledad at siya si Pedring. At ito naman ang nag-iisang anak namin, si Domenique.” “Dom na lang ang itawag mo sa akin. Siya nga pala, saan ka nag-aaral?” tanong ko sa kaniya. “Sa San Rio de University,” maikling tugon niya. Napaubo ako nang marinig ko ang sinabi niya. "Talaga ?! 'Di ba ang unibersidad na iyon ang pinakamahal dito?” Tumango siya. “Ikaw? Saan ka nag-aaral?” wika niya. “Iyan ang dahilan kung bakit nasa kalye kaming tatlo. Kaninang umaga pa kami naghahanap ng paaralan na mapapasukan nitong anak namin. Pero wala kaming mahanap,” biglang sabat ni tatay. “Bakit naman po?” “Naghahanap kasi ako ng scholarship. Para hindi mabigat kina nanay at tatay.” “Gusto mo bang mag-aral sa San Rio de University?” Muli na naman akong napaubo dahil sa sinabi niya. “Nako! Salamat sa alok mo, pero huwag na.” Ngumiti ako sa kaniya. Biglang may kinuha si Enzo sa bag niya at iniabot sa akin. “Gamitin mo ito, Dom. Full scholarship ito ng San Rio de University. Hindi mo na kailangang magbayad ng tuition fee dahil lahat ay sakop na sa scholarship program na ito. Kahit na ang iyong mga uniporme, gamit sa paaralan at sapatos ay libre na rin.” Napanganga ako nang marinig ang sinabi niya. “P-pero,” nauutal kong sambit. “Nako, Enzo! Baka sa ‘yo ang scholarship na iyan! Baka pagalitan ka ng mga magulang mo 'pag nalaman nila na binigay mo iyan,” nag-aalalang wika naman ni nanay. “Huwag po kayong mag-alala, Nanay Soledad. Mas kailangan po ito ni Dom. At saka, hindi n’yo na po kailangang magpadala ng allowance kay Dom kada buwan dahil may libreng allowance din ang scholarship na ito.” “Sigurado ka ba rito, anak?” wika ni tatay sa kaniya. “Opo, Tatay Pedring. Utang ko sa inyo ang buhay ko. Kung hindi dahil sa inyo, baka pinagsasaksak na ako ngayon ng mga magnanakaw na 'yon, eh.” “Enzo? Kung iyon ang dahilan kung bakit binigay mo sa anak namin itong scholorship mo, huwag mong intindihin iyon. Masaya kami dahil nakatulong kami,” paliwanag ni nanay kay Enzo. Ngunit nagpupumilit pa rin si Enzo. Sa halip na kunin niya ang Scholarship Certificate ay sinulatan niya ito ng aking pangalan. “Paano? Magkita na lang tayo bukas sa San Rio de University?” nakangiting wika ni Enzo saka siya umalis. Halos hindi kami makapagsalita dahil sa ginawa ni Enzo. Pati apelyido niya ay hindi ko na natanong dahil sa labis na kasiyahan na aking naramdaman. Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa San Rio de University dahil ayaw kong ma-late sa unang araw ng aking klase. Habang hinahanap ko ang aking mga subject room ay hinahanap ko rin si Enzo, ngunit nabigo ako dahil hindi ko siya mahagilap. Mayamaya, mula sa lobby ng paaralan ay may narinig akong boses na nagmumula sa loob ng Student Account Office. "All students who received a full scholarship from the RhodEnzo Echeverria Scholarship Program are required to go to Room 201. Thank you!" Upang hindi ako ma-late, agad na akong nagtungo sa Room 201. Ito ang unang araw ng klase ko kaya kinakabahan ako habang papunta sa bakanteng upuan. Halos hindi ko na marinig ang boses ng mga estudyante dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi nagtagal ay dumating na ang in-charge sa Student Account Office. “Welcome students! Congratulations sa inyong lahat! Alam naman natin kung gaano kahirap makapasa sa scholarship na ito, right? Kaya masuwerte kayo dahil isa kayo sa mga napili sa programang ito. Out of Ten Thousand students na nag- apply, twenty lang kayo ang pumasa.” Napanganga ako nang marinig ang sinabi niya. Hindi ko inaakala na ganoon pala kahirap makapasok sa programang ito. Ngunit sa isang iglap, nakuha ko ang scholarship na ito. At iyon ay dahil sa isang tao na hindi ko kilala. Palihim kong pinunasan ang luha ko habang iniisip ang kabutihan ng Panginoon sa amin. Kahit kailan ay hindi niya hinayaan na maghirap ang mga magulang ko. “Handa na ba kayo na makilala ang taong nagbigay sa inyo ng pagkakataon na mapabilang sa unibersidad na ito?!” Pag-aanunsiyo nito sa amin. “Let's greet him with warm of applause! Mr Enzo Echeverria, the founder of the RhodEnzo Echeverria Scholarship Program.” Hindi ako makapaniwala sa aking nasaksihan, ang nagbigay sa akin ng scholarship ay siya rin pala ang may-ari ng programang iyon. Subali’t, ibang-iba ang Enzo na nakilala ko kahapon sa Enzo na kaharap ko ngayon. Lalong nadagdagan ang kaniyang kaguwapuhan dahil sa suot niyang puting long sleeves at blue jeans. Kitang-kita ang pagiging mayaman niya dahil sa kaniyang hitsura. “Ang guwapo niya!” “Oo nga! At saka ang macho niya!” “Ang suwerte ng magiging girl friend niya. Bukod sa mabait at mayaman, sobrang talino niya rin siguro, ‘no?” Ilan lamang sa mga papuri na naririnig ko, mula sa mga estudyante na nasa likuran ko. Matapos ipinakilala sa amin si Enzo ay agad na rin akong pumunta sa first subject class ko. Napahinto ako sa paglalakad ng biglang may umakbay sa akin. Itutumba ko na sana ito, buti na lang at nagsalita ito kaagad. “Hep! Relax ka lang, Dom. Ako lang ‘to!” "Enzo?" Napatakip ako sa bibig ko nang banggitin ko ang pangalan niya. “Ikaw pala, Sir Enzo. I’m sorry,” nakayukong wika ko. “Dom? Ano’ng nangyayari sa ‘yo? Ayos ka lang?” natatawang wika niya. "Opo, Sir Enzo." Ngunit mas lalo lang siyang tumawa. Sa halip na magsalita ay inakbayan niya lang ako habang naglalakad kami sa lobby ng university. Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko dahil halos lahat ng mga mata ng mga estudyante ay nakatingin sa amin. Pagdating namin sa parking area ay hinila niya ako papasok sa kotse niya. “Sir? Saan po tayo pupunta?” Ngumiti siya saka nagsalita. “Dom? Puwede ba huwag mo akong tawaging ‘sir’? At saka magkasing-edad lang tayo kaya tanggalin mo ang ‘po’ at ‘opo’ ‘pag nag-uusap tayo, okay? Kinikilabutan ako sa ‘yo!” Wala akong nagawa kung ‘di ang sundin ang mga sinasabi ni Enzo. Nagugulahan man ako, ngunit pilit ko na rin siyang iniintindi. "Teka! Bakit mo ako inuwi sa boarding house ko?” Mayamaya ay lumabas si nanay. “Oh! Nandito na pala kayo. Ano pa ang tinatayo- tayo ninyo riyan? Pumasok na kayo!” “Enzo? Ano it--” putol na sambit ko. Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil iniwan na niya ako at nagmamadali na siyang pumasok sa boarding house ko. Laking gulat ko nang makita ko ang napakaraming ulam na niluluto ng aking ama at ina. “Bakit ka pa nakatayo riyan, Dom? Hindi ka ba nagugutom?” nagtatakang wika ni tatay sa akin. “Oo nga naman, anak! Sinabi sa amin ni Enzo na mahirap daw ang exam ninyo kanina, kaya naghanda kami ng paborito mong ulam bago kami umuwi ng tatay mo sa probinsya.” “Po? Pero--” “Sige na, Dom! Kumain ka na,” wika ni Enzo habang nginunguya ang pagkain. “Alam mo anak, si Enzo ang bumili ng mga ito,” wika ni nanay. “Dito kasi ako kumain ng almusal kanina. Maaga ka raw pumasok sabi ni Nanay Soledad. Kaya pala ang lusog mo dahil masarap magluto sina Tatay Pedring at Nanay Soledad ng ulam.” “Ano? Hoy, Enzo! Hindi ako mataba!” saway ko sa kaniya dahilan para matawa sina nanay at tatay. Pagkatapos naming kumain ng tanghalian, pumunta sina tatay at nanay sa sala kasama si Enzo, habang ako naman ay nagliligpit ng aming pinagkainan. “Hoy, Dom! Huwag mong galawin ang mga ulam na itinabi ni Nanay Soledad, ha! Akin ‘yan! Dadalhin ko ‘yan mamaya pag-uwi ko!” sigaw ni Enzo sa akin habang nakahiga sa sofa. Narinig ko ang mga tawa ng aking mga magulang habang nakikinig sa sinasabi ni Enzo. Masaya sina nanay at tatay sa kanilang mga ginagawa, kaya hinayaan ko na lang sila na pagsilbihan si Enzo. Hindi ako naiinggit o nagseselos kay Enzo, sa katunayan niyan ay masaya ako dahil kahit papaano ay naging masaya na rin ang aking mga magulang.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.6K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook