Hindi pa niya ito kilala. Ang alam lang niya ay wala na itong ama. ‘Bakit ko nga ba nakalimutan magtanong? Baka hinahanap na siya ng kanyang ina.’ “Uhm! Gasha, gusto mo na bang ihatid kita sa inyo? Naghihintay ba ang mama mo sa inyong tahanan?” Pansin naman niya ang bahagyang pagyuko nito kasabay ng isang tipid na ngiti. “Ma-may sakit po kasi ang mama ko, Ate Dane. Sa-saka may mga batang nakatira sa bahay namin. Iyong mga anak ng kaibigan ng papa kong tuluyan ng naulila.” Agad naman siyang natigilian sa sinabi nito. “Kung gayon, si-sinong naghahanap buhay para sa inyo?” “Bali po apat kaming medyo nasa tamang edad na. Sa umaga po ay gumagawa kami ng paraan upang kumita ng points. Umuuwi naman po kami sa gabi. Kaso po, kahapon ay hanggang umagahan lang ang kinaya ng pagkain namin. Ka-

