KABANATA 4

1415 Words
PAGKABABA ni Xander sa sala ay iniwan muna ito ni Jean doon. Pumunta siya ng garahe upang kunin iyong sasakyan na naka-park doon upang maturuan na niya ito. Ngunit sa kaniyang paglalakad papalapit sa sasakyan ay napansin niya ang kalawanging bisikleta na nakakadena sa gilid ng pader. Ang bisikleta iyon ay pag-aari ni Travis at siyang naging piping-saksi kung paano silang dalawa nagkamabutihan. At dahil sa bisikletang iyon ay unti-unting nanumbalik sa kaniyang memorya ang masasayang alala. Kung paano nagsimula ang kanilang pagmamahalan, mahigit sampung taon na ang nakakararaan. [Flashback] ""Anak! Travis!"" pasigaw na tawag ni Tiya Tere kay Travis. Magtatakip-silim na ng mga oras na niyon. Nasa labas lamang noon si Travis at naglalaro ng basketball. May isang basketball ring kasi sa labas na pinatayo ni Dylan upang may libangan ito kapag walang ginagawa sa Rancho Villaruiz. Pumasok naman si Travis sa kusina at lumapit sa ina. ""Ano po iyon, nay?"" magalang na tanong ni Travis. Dala-dala pa nito ang bolang pam-basketball sa loob ng kusina. Sa mga sandaling iyon ay nasa sala si Jean. Nang marinig ang boses ni Travis sa kusina ay sumilip siya roon upang masilayan ang binatilyo. Lingid sa kaalaman ng lahat, may lihim siyang atraksyon para rito. Unang kita pa lamang ni Jean kay Travis noong unang araw niya sa Rancho Villaruiz ay crush na crush na niya ito. Hanggang sa hindi nabubuo ang araw niya kapag hindi nakikita si Travis tuwing bumibisita siya sa lugar na ito. ""Anak, ibili mo nga ako ng suka sa tindahan,"" utos ni Tiya Tere. ""Akin na po ang pambili, nay."" Inilahad ni Travis ang kamay sa ina. ""Oh, ito!"" Singkwenta pesos ang ibinigay ng ina nito at kay Travis na ang sukli. ""Nay, kailangang-kailangan na po ba ninyo iyong suka?"" maya-maya'y tanong ni Travis matapos isuksok sa bulsa ang perang papel. ""At bakit, anak?"" Napataas ang boses ni Tiya Tere. ""Tatambay muna po sana ako sa may waiting shed kasama ang mga barkada ko,"" sagot naman ni Travis. ""Ah, sige,"" pagpayag ni Tiya Tere. ""Basta, huwag kang masyadong magpagabi dahil gagamitin ko pa ang suka sa lulutuin kong adobo para sa hapunan,"" bilin pa nito. ""Opo, nay!"" Pagkasabi ay magalang pa na nagpaalam si Travis sa ina. Pagkarinig ni Jean na aalis na si Travis ay tumakbo siya papunta sa kusina. Balak niyang sumama rito para maglibot-libot sa buong Rancho Villaruiz sakay ng bisikleta nito. ""Travis!"" tawag niya na ikinalingon nito. ""Oh, bakit, Jean?"" tanong ni Travis nang makalapit siya. Nasilayan na naman ni Jean nang malapitan ang guwapong mukha ni Travis. Ang matangos nitong ilong, ang mapulang labi at ang nakakahipnotismong mata. Pakiramdam niya nagyelo siya ng panandalian. ""Sama ako sa'yo!"" aniya nang makabawi siya. ""Ano?! Hindi pwede!"" alertong tanggi nito. ""Sige na!"" mapilit niyang sabi at narinig sila ni Tiya Tere. ""Isama mo na si Jean, nak!"" sigaw ng ina. ""Sige na nga!"" Napipilitang pumayag si Travis at ikinatuwa niya iyon. Pinasakay ni Travis si Jean sa bisikleta nito. Sa may harapan siya pumpwesto habang magkasiping ang dalawang binti niya at si Travis ang pumipedal. Nang mapadaan sila sa waiting shed ay walang katao-tao at hindi naman si Travis huminto. Taliwas sa paalam nito sa ina na tatambay muna ito roon. ""Akala ko ba tatambay ka?"" aniya na hindi nakatiis magtanong. ""Pupunta ako sa bahay ng kaklase ko!"" ani ni Travis na pabilis nang pabilis ang pagpapatakbo ng bisikleta. ""Ano?! Hoy, baka malayo pa iyon at hatinggabi pa tayo makakabalik!"" nagpa-panic niyang sabi. ""Huwag kang magalaw at baka matumba tayo!"" saway nito. Tumahimik na lamang si Jean. Wala siyang nagawa sa kagustuhan ni Travis. Siya naman kasi ang namilit na sumama-sama rito. Ilang sandali pa ay huminto sila sa tapat ng may katamtamang laki na bahay na walang kailaw-ilaw. Nababakuran iyon ng bakod na gawa sa kawayan at may mga nagtatahulan pang aso sa loob. "Travis, baka makalabas iyong aso at lapain tayo!"" natatakot niyang sabi. ""Iyan kasi sasama-sama ka pa!"" sisi ni Travis. ""Uwi na kasi tayo!"" aya niya. Maliban kasi sa natatakot si Jean sa mga aso ay pinagpipyestahan na rin siya ng lamok. ""Hindi pwede! Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko nakakausap si Bella!"" turan ni Travis. Wait! Bella? Babae? Sa narinig ay tatakutin niya si Travis para makauwi na sila. Baka mamaya magsara ang tindahan at umuwi silang hindi nakabili ng suka. ""Uwi na tayo! Sige ka, isusumbong kita sa nanay mo!"" banta niya. ""Hindi pwede! Hindi ko magagawa ang dare kapag hindi ko makausap si Bella. Saka paparusahan ako ng mga barkada ko!"" angil ni Travis. ""Ha?! Ano ba ang dare na iyon? Baka matulungan pa kita."" aniya. Napatingin si Travis sa kaniya. ""Talaga?"" ""Oo nga! Ano ba ang dare na iyon?"" tanong niya. ""Ganito kasi iyon..."" nagsimulang ipaliwanag ni Travis ang nasabing dare. ""Natalo ako sa pustahan at ang dare sa akin ay dapat may maka-s*x akong babae. Hindi ko iyon matanggihan at dapat pa ay may ebidensiya. Hindi ko na alam ang gagawin ko, Jean. Gusto ko na lamang makipagkita kay Bella dahil alam kong type ako no'n at hindi iyon tatanggi!"" Nabigla man sa sinabi ni Travis si Jean ay nag-isip siya ng magandang gagawin. ""Ano ba ang dapat na proof? Picture? Video?"" sunod-sunod na tanong niya. ""Wala namang sinabi,"" tugon ni Travis na panay pa rin ang silip sa bahay kung saan nakatira si Bella. Tumango-tango si Jean. Likas na matalino si Jean. Napakaalerto nito mag-isip at maparaan. Katunayan wala pang limang minuto ay nakaisip na siya ng gagawin upang matapos na ang problema ni Travis. ""Uwi na tayo, Travis! Gabi na,"" aya niyang muli. ""Paano na ang problema ko?"" anito. ""Ako bahala roon! Trust me!"" pagmamagaling niya. Napapayag ni Jean si Travis na umuwi na. Dumaan sila sa tindahan upang bumili ng suka bago umuwi. Nang malapit na sila sa bahay ay sinabihan niya si Travis na hintayin siya nito sa treehouse na nasa likod ng lumang bahay ng Ate Kathy niya. Pagdating sa bahay ay dali-daling pumasok sa loob ng kaniyang kwarto si Jean. May regla siya ngayon kaya iyon ang gagamitin niya para matulungan si Travis. Kumuha siya ng dalawang malinis na panty. Iyong isang panty ay nilagyan niya ng sanitary pad at iyong isa naman ay hindi. Una niyang isinuot ang walang napkin na underwear. Hinintay niyang mapatakan iyon ng dugo bago hubarin. Nang matiyak na may blood stain na sa suot niyang panty ay hinubad niya. Pinalitan niya ng panty na nilagyan niya ng napkin saka siya nagbihis ng short. Iyong panty na may patak ng dugo ay binalot niya sa plastik at isinilid sa bulsa. Buhat sa kwarto ay bumaba si Jean at dumeretso siya sa treehouse kung saan naghihintay si Travis. Pagdating doon ay agad niyang binigay kay Travis ang supot. ""Ano 'to?"" tanong ni Travis sabay kuha sa supot. ""Solusyon sa problema mo!"" sagot niya. Binuksan ni Travis ang supot at napakunot ang noo nito nang makita ang kulay pink niyang panty. Napatakip pa si Travis ng bibig nang makita ang dugo na mala-limang piso ang lapad. ""Eeww! Kadiri ka!"" Nandidiring hinagis ni Travis ang panty niya sa upuan. ""Makadiri naman, wagas!"" Umirap siya rito. ""Hindi ba't gusto mong magawa iyong dare? So, tell them na may naka-s*x ka na at ipakita mo ang panty na iyan as a proof! And then, para mas astig ka sa paningin nila, sabihin mong v*rgin pa ang nadali mo kaya may dugo!"" Napatitig si Travis sa kaniya at unti-unting sumilay ang ngiti sa labi nito. Na-gets na yata nito ang pinupunto niya. "Galing mo, ah!"" agad nitong puri. ""And wait, there's more! Yakapin mo ako para mas convincing,"" utos niya. ""Para ano?"" Nagdadalawang isip si Travis. ""Basta!"" aniya. Sumunod naman si Travis sa sinabi ni Jean at niyakap siya nito. Nang ganap na siyang mayakap nang mahigpit ni Travis ay ipinasok niya ang dalawang kamay sa loob ng damit nito. Kinapa niya ang likurang bahagi ng katawan ni Travis at biglang binaon ang mga kuko na may kasama pang kalmot. ""Aray! Ang sasakit naman!"" Namimilipit na daing ni Travis. Nang tingnan ni Jean ang likod ni Travis ay nag-iwan ng mga marka ang mga kuko niya. Iyong iba ay dumudugo pa. ""See! Another proof at mas kapani-paniwala!"" nakangiting sabi niya. ""Salamat, Jean!"" Tila gumaan ang pakiramdam ni Travis dahil na-solve na ang problema nito. ""You're welcome! Itapon mo na lang iyong panty sa basurahan kapag hindi na kailangan."" Pagkasabi ay nauna siyang bumaba mula sa treehouse at pasimpleng umuwi sa kabilang bahay. [End of Flashback]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD