KABANATA 7

1175 Words
PAGDATING ni Jean sa bahay ng kaibigan ay agaran siyang nag-doorbell at naghintay sa gate. Ilang sandali pa ay nakita niyang may humawi ng kurtina at sumilip sa bintana. ""Oy, ikaw pala, Jean!"" rinig niyang sabi ng kaibigan na si Daisy. Maya-maya ay lumabas ang kaibigan at pinagbuksan siya ng ng gate. ""Na-miss kita!"" Niyakap siya ng kaibigan at inaya na pumasok sa loob ng bahay. Natamang nag-aalmusal pala ang mga ito nang mag-doorbell si Jean. Nang ayain siya ng magulang ni Daisy na mag-almusal ay hindi niya nagawang tumanggi. Ang sabi kasi dati ng Ate Angelique niya ay malas tumanggi sa grasya. Kapag binibigyan huwag tanggihan at kung may ibibigay ay magbigay. Kaya wala siyang arteng umupo sa bakanteng upuan upang sumabay sa pagkain ng almusal sa pamamahay ng kaibigan. ""Bakit ka pala naparito?"" tanong ng kaibigan. ""Iimbitahan sana kitang pumunta sa Rancho Villaruiz. May handaan kasi mamaya bilang pasasalamat sa masaganang ani,"" aniya. ""Nagpaani ba kayo ngayon?"" tanong muli ng kaibigan. ""Oo, kanina pa sila nagsimula,"" sagot niya sa tanong ni Daisy. ""Ah, kaya pala madaming taong papunta doon sa inyo banda kanina. Dumaan kasi ako kanina nang pumunta ako ng palengke para bumili ng isda,"" sabi ng kaibigan. ""Punta ka mamaya, ha,"" ulit niyang pag-imbita. ""Sure! Pero may pupuntahan ka pa ba pagkagaling mo rito?"" ani ni Daisy. Umiling si Jean. ""Wala na. Uwi na ako sa amin pagkaalis ko rito sa inyo. Nag-jogging lang sana ako, eh. Kaso bigla kitang naalala kaya pinuntahan na kita rito."" ""Ganoon ba..."" Napaisip ang kaibigan. ""Ano kaya kung hintayin mo na lang kaya ako. Sasabay na lang ako sa pag-uwi mo at doon na lang ako tatambay sa Rancho Villaruiz."" ""Pwede rin!"" sang-ayon ni Jean sa naisip ng kaibigan. ""Pero hihintayin mo pa ako ng ilang minuto kasi hindi pa ako nakaligo,"" saad nito. ""Don't worry, hintayin kita,"" aniya. Binilisan ni Jean ang bawat pagsubo ng kinakain. Naunang natapos sa pagkain ang mga magulang ng kaibigan. Samantalang halos sabay lang sila ng kaibigan natapos dahil nagkukwentuhan pa silang dalawa. Tumayo si Jean upang tumulong kay Daisy na magligpit ng pinagkainan. Iyon nga lang pinabalik siya ng kaibigan sa pagkakaupo dahil bisita raw siya. ""Tulungan na kasi kita,"" insist niya. ""Ako na lang kasi..."" ani ng kaibigan niya. Si Daisy lang talaga ni Jean ang nagligpit at siya ay pinanood lamang ito. Kinuha ni Jean ang kaniyang cellphone at nag-text siya kay Kathy na maya-maya pa siya makakauwi. Baka kasi mag-alala ang mga ito dahil ang tagal niyang bumalik. Maging kay Dylan ay nag-text din siya para kung hindi man mabasa ni Ate Kathy niya, paniguradong mababasa ng Kuya Dylan niya. Nang matapos ang kaibigan ni Jean sa pagligpit ng kanilang pinagkainan ay pinalipat siya sa sala. Doon siya nito pinapahintay habang maliligo at magbibihis ito. ""Okay ka lang dito, ha,"" sabi pa ni Daisy. ""Oo naman!"" tugon niya. ""Ang totoo, nahihiya ako sa'yo. Ang laki-laki kasi ng bahay kung saan ka nakatira. Walang-wala itong bahay namin!"" wika pa ng kaibigan. ""Parang iyon lang! Kahit sa mansiyon man ako nakatira, hindi naman ako namimili ng kakaibiganin. Saka kahit maliit lang itong bahay ninyo, eh, maganda naman. Napakalinis at syempre punong-puno ng pagmamahal ang bawat sulok nito. At hindi lang iyon, tunay na pamilya mo ang kasama mo rito,"" pahayag niya. ""Thank you, Jean! Ang bait mo talagang kaibigan. Kung ano kaganda ang mukha mo, ganoon din kaganda ang kalooban mo,"" nakangiting wika ni Daisy. Ngumiti rin siya sa kaibigan at nagpasalamat sa tagal ng panahon na naging matalik silang magkaibigan. Pagkuwa'y sinabihan na ni Jean itong maligo na para makauwi na siya. Tumalima si Daisy at pumasok sa loob kwarto. Sa muling paglabas ng kaibigan buhat sa loob ng silid ay masukbit na itong tuwalya sa balikat. Tinungo ni Daisy ang CR at si Jean naman ay naisipang manood na lamang muna ng documentary vedios habang naghihintay sa sala. Nasa kalagitnaan siya ng panonood nang tumawag sa kaniya si Dylan. Pinatay niya muna ang pinapanood at sinagot ang nasabing tawag. ""Hello po,"" aniya. ""Saan ka, Jean?"" tanong ni Dylan buhat sa kabilang linya. ""Kina Daisy po ako, kuya. Hinihintay ko pa po siya naligo lang,"" tugon niya. ""I see..."" nasambit ni Dylan. ""Kailangan mo ba ng sundo riyan?"" ""Hindi na po, kuya. Magmo-motor naman yata si Daisy kaya aangkas na lang po ako,"" aniya. ""Okay, mag-ingat kayo. Bye!"" salitang huling narinig niya bago putulin ni Dylan ang linya. Ipinapatuloy ni Jean ang panonood ng documentary habang nasa sala siya ng bahay ng kaibigan. Habang nanood siya ay biglang sumulpot si Daisy. Tapos nang maligo ito at mukhang minadali lang dahil kakapasok lamang nito sa banyo. ""Tapos ka na?"" hindi makapaniwalang tanong niya. ""Oo, minadali ko lang. Narinig ko kasing kausap mo si Kuya Dylan mo at parang hinahanap ka na sa inyo,"" pahayag ng kaibigan. ""Oy, nagtanong lang naman iyon! Hindi naman ako bata para pagalitan no'n."" Natatawa si Jean at pinababalik sa loob ng banyo si Daisy. ""Ayos na 'to! Nakapagsabon naman na ako at nakapag-shampoo,"" saad ni Daisy. ""Bahala ka riyan!"" nasabi niya na lang dahil hindi nakikinig ang kaibigan. Tumuloy si Daisy sa kwarto nito at nagbihis. Gaya ng pagligo nito, minadali rin ni Daisy ang pagbihis. Hinayaan na lamang ni Jean dahil maayos naman ang bihis nito kahit minadali. ""Magmotorsiklo tayo tapos ikaw mag-drive?"" mungkahi ni Daisy. ""Sige!"" Pumapayag na tugon ni Jean at kinuha rito ang susi. Si Jean ang nag-drive ng motorsiklo ni Daisy pauwi sa Rancho Villaruiz. Dadaan muli si Jean sa sirang bahay nina Travis at paniguradong malinis saka tapos na ang dalawang nagtatrabaho roon. At nang ilang metro na lamang ang kanilang layo bago marating ang kinaroroonan ng dating bahay nina Travis ay may isang bagay na agaw pansin. Napansin din iyon ni Daisy kaya't nag-usap silang huminto roon sa gilid ng kalsada. ""Oh my god!"" bulalas ni Daisy nang makalapit sila at makababa sa motorsiklo. Isang malapad na tarpaulin ang nakatayo sa lupa na pag-aari ng ina ni Travis. Nakasaad doon na "FOR SALE" na ang lupang iyon. Walang salitang namutawi sa bibig ni Jean hanggang sa nahuli ng mga mata niya ang contact number na nakalagay sa tarpaulin. Mabilis ang mga kamay na kinuha ni Jean ang kaniyang cellphone. Kinopya niya ang numerong nakalagay roon at ini-save sa kaniyang contact list. Pati ang email address ay kinuha niya kahit hindi siya tiyak kung kanino iyon. Basta, sigurado si Jean na ang contact number na nakasulat sa tarpaulin ay magiging daan niya para makitang muli si Travis. Ngayong binebenta na ang nasabing lupa ay interesado siyang bilhin. Dalawa ang magiging purpose niyon sakaling mabili niya ang nasabing lot property. Una, maililipat niya ang kaniyang shop na nasa lupa pa na sakop ng Rancho Villaruiz. Pangalawa, malaki ang tsansang makikita niyang muli si Travis o ina man lang nito. ""Jean, maybe it's a sign! Mukhang nagpaparamdam na si Travis sa lugar na 'to after ten years!"" wika ni Daisy. ""Kinuha ko na ang lahat ng contact numbers. Sana nga ito na!"" may kasamang dasal na sambit niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD