MATAPOS makuha ni Jean ang mga contact information na nakasulat sa malapad na tarpualin, iniangkas niya muli si Daisy. Nagmamadali si Jean na umuwi sa Rancho Villaruiz upang ibalita ang tungkol sa lupa nina Travis. At pagdating na pagdating nila roon ni Daisy ay agad niyang hinanap si Kathy. ""Ate! Ate!"" Papasok pa lamang si Jean sa sala ay sigaw na siya nang sigaw. ""Nasa taas si Tita Kathy. Sa may master's bedroom."" Ang dalagitang pamangkin sa pinsan ni Kathy ang sumagot sa kaniya. Nang malaman iyon ay sinabihan niya si Daisy na maupo muna sa may sala. Paghintayin muna ni Jean ito dahil pupuntahan niya muna si Kathy sa itaas. Pagkasabi ni Jean ay patakbo niyang tinahak ang mataas na hagdan. Nasa ikatlong palapag ang master's bedroom kung saan si Kathy at malamang kasama nito roon si

