CHAPTER 6

1013 Words
JEANN Mom and dad, ano ba ang nangyayari? Naguguluhan na ako! Para akong lantang gulay na naglalakad at hindi ko alam kung saan mapapadpad. Umupo na lamang muna ako sa bench at tiningnan ang cellphone na hawak ko. Mahigit tatlong oras na pala akong naglalakad simula kaninang umaga. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari matapos kong tumakas sa bahay dahil walang text message sa akin si Dianne. Napabuga na lamang ako ng hangin nang mapansin ko ang biglaang paghinto ng isang itim na van sa harapan ko. Biglang may lumabas na lalaking nakaitim habang seryosong nakatingin sa akin. Nang maalala ko kung sino sila ay noon ko lamang napagtanto na dapat ay tumakbo na ako pero wala na akong magagawa pa. "Miss, sumama ka na lang sa amin kung ayaw mong mamatay," seryosong sabi nito. Hinawakan nila akong dalawa sa braso at pilit na sinasakay sa kotse. Pilit akong nagpupumiglas mula sa kanila pero malakas silang dalawa. "Isang beses ko lang sasabihin sa iyo na maikli lang ang pasensya ko, kaya kung hindi ka susunod ay mamamatay ka rito." Dinapuan ako ng kaba dahil naalala ko ang nangyari kay Julius. Ayaw ko pang mawala kaya wala na akong nagawa pa kung hindi ang sumama sa kanila. Napansin ko ang biglang pagtakip nila sa bibig ko dahilan para makaramdam ako ng kakaiba. "Hmmm!" sigaw ko ngunit wala na akong nagawa pa hanggang sa nawalan na ako ng malay. Naramdaman ko na lang na tila nasusuka ako sa kakaibang amoy ng sigarilyo at alak mula sa paligid. Kahit pa nakapiring ang mga mata ko ay 'di ko naiwasang magwala para makatakas, ngunit bigo lamang ako dahil sa lakas ng mga ito. "Bitawan niyo nga ako! Kung hindi niyo ako bibitawan ay magsusumbong ako sa pulis para ikulong kayo!" pagbabanta ko pero tila wala silang narinig. Halos tumibok ng mabilis ang puso ko nang bigla nila akong pinaluhod. "Argh! Pagnakatakas ako rito, paniguradong magsisisi kayo!" inis kong sigaw sa lalaking nasa paligid ko. Sinusubukan kong tanggalin ang tali mula sa kamay ko ngunit sobrang higpit nito. "May tao ba riyan?" sigaw ng isang babae mula sa gilid ko. Nagliwanag ang mga mata ko dahil pakiramdam ko ay makakaligtas na ako. "Tulungan mo ako! I don't want to be here!" pagwawala ko. "Hindi ka na makakatakas pa at kahit ako ay wala nang pag-asa," malungkot niyang sabi dahilan para kumunot ang noo ko. "Hah? Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi mo," naguguluhan kong sagot sa kanya habang nakapiring ang mga mata ko. "Tumayo ka na riyan. Ikaw na ang susunod," sambit ng isang lalaki. Rinig ko kung paano tumanggi ang babae ngunit wala na itong nagawa pa. Palakpakan at sigawan lamang ang naririnig ko. Pakiramdam ko ay mahihimatay na ako sa mga nangyayari. Alam kong maldita ako pero sana huwag naman sa ganitong paraan ako mamamatay. Mahal ko pa ang buhay ko. "Ikaw na ang susunod kaya tumayo ka na riyan." Rinig kong sabi ng lalaki sa gilid ko. "Bitawan mo ako! Buwiset ka!" Nagpumiglas ako hanggang sa binitawan nga ako nito. Napakagat na lamang ako sa ibabang labi ko dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Naramdaman ko na lang na may tumanggal ng piring mula sa mata at bumungad sa akin ang liwanag. Napapikit ako nang mariin dahil nasisilaw ang mga mata ko. "Welcome to our next auction, player," sambit ng isang mahinhin na boses ng babae. Unti-unti nang lumiwanag ang lahat. Nakikita ko na ang kabuuan ng lahat. Kita ng dalawang mata ko ang mga hindi ko kilalang tao na nakaupo sa kani-kanilang mga pwesto habang may iniinom na wine. Mahahalata mo ang mga maayos nitong kasuotan habang nagliliwanag ang mga alahas nito. Napaikot ako ng tingin at hindi ko na alam ang gagawin ko. Natuon ang atensyon ko sa dalawang tao na bumuo sa pagkatao ko. Ang mga magulang ko. Kita ko ang mga mukha nila na umiiyak habang yakap ni Papa si Mama. Unti-unting nag-init ang gilid ng mata ko dahil sa nakikita ko. Tiningnan ko si Papa para magmakaawa na itakas ako rito pero hindi lamang nito ako pinansin. Napapikit ako nang mariin. Kahit pa nagsasalita ang babae sa gilid ko ay hindi ko na ito maintindihan. Ayaw kong ipakita sa kanila na mahina ako. Ayaw kong makita nila na iiyak ako na parang isang bata. Dumilat ako at itinuon ang tingin sa lahat habang may galit at poot sa mga titig ko. Nanlamig ang buo kong katawan dahil sa mga naririnig. Alam ko na kung bakit nandito ako. Nandito ako para ibenta. "Five million for Mr. Sanchez," sambit ng babae sa gilid ko. Ramdam ko ang mga titig nila mom at dad pero 'di ko sila tinitingnan. Alam ko na naghihirap ang company pero sana, hindi naman dapat sa ganitong paraan para makabawi sila. Galit na galit ako sa kanila! "Higher than five million?" tanong niyang muli. May isang lalaki ang nagtaas ng isang papel na may nakalagay na number nito. "Ten million for that woman," malamig nitong sabi. Napasinghap ang lahat dahil sa laki ng halagang sinabi nito. "Ten million, Mister?" tanong ng babae dahil paniguradong hindi nito alam ang pangalan dala ng maskara na nakasuot sa mukha. Ngunit bigo itong malaman ang pangalan dahil wala itong sinasabi. "Fifteen billion for that woman!" Boses ng isang lalaki sa pinakadulo ng venue. Prente itong nakaupo at nakangiti ito nang mala-demonyo. Napasinghap ang lahat dahil sa sinabi nito. Hindi ko alam na may magbi-bid ng ganoong kalaking pera. Dahan-dahan kong itinuon ang tingin sa lalaking nakaupo. Halos manlaki ang mata ko nang makilala kung sino ang lalaking iyon. Si Kaito Rin Sebastian! No, no, no... Hindi ko kayang tumagal sa lalaking 'yan! Hindi ko kayang makasama ang lalaking 'yan. "Seventeen billion," sagot muli ng lalaking nakasuot ng maskara. Natuon muli ang atensyon ng lahat sa kanya. Mukhang hindi ko na nagugustuhan ang nangyayari. Kakaiba ang mga titig ni Kaito. Kita ko ang pagkuyom ng kamao nito kasabay ng pagsasalitang muli. "Twenty billion," sagot niya. Gusto kong mapamura nang malakas pero nakatakip ang bibig ko ngayon. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD