Sa loob ng tahimik na silid, dahan-dahang inubos ni CJ ang mainit na sabaw ng lugaw na dinala ni Arkine. Bagaman pilit niyang itinatakwil sa kaniyang isip ang mga nakakahiyang tagpo kagabi dala ng matinding kalasingan, hindi pa rin niya mapigilang mapangiti. Sa kabila ng kaniyang hangover, may kakaibang init na humahaplos sa kaniyang puso—ang katotohanang sa gitna ng kaniyang kahinaan, may isang Arkine James na nananatili sa kaniyang tabi, handang mag-asikaso at mag-alaga sa kaniya nang walang pag-aalinlangan. Sa kabilang banda naman, hindi magkamayaw ang buhay sa labas ng villa. Bilang tagapamahala at may-ari ng malawak na island resort, naging lubhang abala si Arkine ngayong umaga dahil sa biglaang dagsa ng mga bagong dating na guests. Walang itinatapon na oras ang engineer. Naglipat-l

