Chapter 55

1101 Words

Isang maikling katahimikan ang namayani sa pagitan ng dalawang lalaki. Bahagyang sumandal sa kaniyang upuan si Arkine at pinagkrus ang mga braso habang hindi pinuputol ang titig kay JM. Ang pagbanggit sa mga pangalan ng mga magulang ni CJ ay hindi nagdulot ng kaba sa kaniya; sa halip, lalo lamang siyang naging matatag sa kaniyang paninindigan. "Hindi ko alam kung anong alam ng pamilya niya, Doc JM," kaswal ngunit diretsong sagot ni Arkine. "Ang alam ko lang, nasa hustong gulang na si CJ para magdesisyon para sa sarili niya. At sa ngayon, ang desisyon niya ay lumayo muna sa magulong buhay sa Maynila at manatili rito kasama ko." Napangisi nang mapait si JM at umiling habang nakatitig sa engineer. "You don't get it, do you?" aniya. "Anak siya ng gobernador. Hindi mo ba naiisip na baka gina

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD