LMS 10

1566 Words
Napatingin na lamang si Kael sa labas ng bus na kanyang sinasakyan. Kakatapos lamang ng kanilang klase at papunta na siya ngayon sa kaniyang papasukang part time job. Karaniwan siyang naglalakad pauwi ngunit iba ang araw na ito dahil kailangan niyang makarating roon sa tamang oras kaya naman minabuti niyang sumakay na ng bus. Habang naghihintay na makarating sa lugar na patutunguhan ay naalala niya ang nakita niya kanina. Sina Hana-sensei at Professor Dex habang magkasama sa dulo ng hallway. Malalim siyang napabuntong hininga. 'Haist, mukhang sila nga talaga ni Professor Dex' sa isip isip ng binata. Ngunit kahit anong kumbinsi pa ang gawin niya ay hindi niya pa rin maiwasang mahulog ang loob kay Hana-sensei. Alam niyang mali ang nararamdaman niya ngunit lingid rin naman sa kanyang kaalaman na nagsisinungaling siya kung sakaling sabihin niyang wala na siyang gusto rito. Namalayan na lamang ang sandaling paghinto ng bus. Agad siyang bumaba mula rito at dumiretso ng pagtatrabahuan. Sumalubong sa kanya si Charmy, ang babaeng kausap niya kahapon at ang kapatid ng mismong may-ari ng store na iyon. "Hello!" bati niya rito saka bahagyang yumuko. "Oh! Kael, andyan ka na pala. Ang aga mo ah! Excite ba? hahaha," natatawang tanong sa kanya ni Charmy saka lumapit sa kanya. Napakamot na lamang sa ulo si Kael dahil sa hiya. Napatingin siya sa babae nang bigla itong pumunta sa likuran niya. Ganoon na lamang ang kanyang gulat nang bigla siya nitong pinalo sa puwetan. "Opss!" "Ekk?!" Nanlaki agad ang mga mata ni Kael at bahagyang napaigtad dahil sa gulat. "A-anong..." "Anong 'ano' naman? Dalian mo na at magbihis ka na roon! Oh baka gusto mo, ako magbihis sa'yo?" tanong ni Charmy saka naglakad palapit sa kanya. Hindi alam ni Kael ang gagawin kaya naman wala sa sariling napatakbo ito sa comfort room Hindi niya alam na ito pala ang ibig sabihin ng sinabi sa kanya ni Kuya Cris kahapon. Flashback: Sandali pang maghintay si Kael sa pagdating ng sinasabing mag-ari ng convenience store na ito. Pa-ilan ilan lang rin ang pumapasok sa store kaya naman napakatahimik ng paligid. Maya-maya ay bigla na lamang niyang narinig ang malakas na boses ni Charmy. "Kaelll!!! Andyan na si Cris!" sigaw nito saka umalis sa pwesto at lumapit sa direksyon ng binata. Napalingon naman si Kael sa bandang pinto. Hindi niya alam kung nagbibiro lamang si Charmy gayong wala pa namang pumapasok sa pinto. Iian lang rin ang mga taong namimili rito sa loob kaya naman tinitigan niya ng mabuti kung may papasok ba sa pinto. Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam siya ng kaba. Kung sakaling totoo nga ang sinabi ni Charmy na bukas ang unang araw niya, ay ito ang magiging kauna-unahang trabaho na mapapasukan niya. Kaya naman hindi niya alam kung may ititindi pa ba ang kaba na nararamdaman niya ngayon lalo pa't makikita na niya ang may-ari ng isang sikat na convenience store. Napalingon ito kay Charmy nang bigla nitong inakbayan ang isang payat na lalaki na abala sa pamimili sa gatas. Napataas ang kilay ni Kael. "Tagal mo dumalaw ah!" malakas na sigaw ni Charmy sa lalaking kaakbay nito saka bahagyang hinigpitan ang pagkakaakbay. Kung tutuusin ay nagmumukha na itong sinasakal. Napakunot ang noo ni Kael. 'Kawawa naman ang lalaking iyon, payat na nga at mukhang nakulangan sa pagkain...tapos sinasakal pa ni Charmy na may pagka-chubby,' sa isip isip ni Kael saka napailing. Ibabaling niya na sana muli ang paningin sa pinto nang mapansing hila hila na ni Charmy ang lalaki at pilit na pinaharap sa kanya. "A-aray...Cha-charmy..." hirap na hirap na saad ng lalaki habang pilit na hinihila ang ulo sa pagitan ng matatabang braso ng babae. Ngunit ano man ang gawin niya ay hindi niya magawang makaalis sa pagkakahawak nito. Marahas siyang itinulak ng babae palapit kay Kael kaya naman napayuko pa ito sa harap ng binata. "Cha-charmy, sino yan?" tanong ni Kael habang naaawang nakatingin rito. Ganoon na lamang ang gulat niya nang bigla siyang binatukan ni Charmy. "Aba! Wala kang galang ah! 'Yan lang naman si Cris, ang may-ari nitong pinag-aaplyan mo!" malakas na sigaw nito sa kanya. "He-hello..." mahinang bati ni lalaking payat habang nahihiyang nakatingin sa binata. Ilang saglit pang nanatiling nakatulala si Kael sa lalaki saka lamang siya nakapagisip ng matino. "Ehhh??!!" malakas na sigaw ni Kael. Halos walang mapaglagyan ang hiya na nararamdaman niya. Kung kanina kasi ay awang awa siya rito sa sobrang kapayatan nito. Maging ang itsura nito ay para bang isang construction worker lamang o di kaya naman ay isa lamang palaboy. Hindi niya lubos maisip na ang taong iyon na kanyang kinaawaan ay siyang may-ari ng convenience store na pagaaplyan niya. Dahil sa kahihiyan ay hindi magkamayaw na paumanhin ang ginawa ni Kael. Hindi niya akalain na hinusgahan niya ito sa panlabas na kaanyuan. "Ahehehe....a-ayos lang..." nahihiyang saad ni Cris. "So-sorry po talaga, hi-hindi ko po alam na kayo po pala iyan... paumanhin po..." ulit na paumanhin ni Kael. "Ayos lang talaga..." "Pasensya po talaga," Mukha namang nainis na si Cris dahil sa paulit-ulit na paumanhin ni Kael. "SABI NANG OKAY NA EH!" malakas na sigaw nito na biglang ikinatahimik ni Kael. Wala sa sariling napayuko si Kael at nagpaumanhin ulit. "So-sor-" "Isa pa!" Natahimik na lamang si Kael habang si Charmy naman ay walang habas ang pagtawa. "Wahhahaha!!! Nice one brother!" puri nito saka malakas na hinampas ang likuran ni Cris. Napaubo naman ng malakas ang lalaki dahil sa lakas ng hampas niyang iyon. "Oh! Napalakas ata...hahahha," natatawang saad ni Charmy. Hindi na magawang makatingin sa kanila ni Cris sa sobrang hiya kaya naman napatalikod na lamang ito. Wala na rin namang bumibili kaya naman nilibot na lamang niya ang buong store. "Oh ayos ba? Hahahha. Ganyan lang talaga 'yang si Cris. Mahiyain hahaha," natatawang kantyaw rito ni Charmy " May pera naman..." sagot naman ng kapatid nang marinig ang sinasabi ng kanyang ate. "Under naman ni master," "Nakapagtapos naman," "Ahahha, eh sino kaya sa atin ang weak, duwag at slow? Hahaha," mas lalong pang-asar na sambit ni Charmy. Mukhang may kakaibang signal ang tingin ni Cris sa sariling ate matapos marinig ang huli nitong sinabi kaya naman nagrambulan na ang dalawa sa asaran. Hindi malaman ni Kael kung kailangan niya bang awatin ang dalawa gayong may mga nababasag nang mga gamiy dahil sa rambol ng dalawa. 'Ang may-ari ng sikat na store ay isang weak at duwag? Nakakapagtaka!' sa isip isip ni Kael. Nang matapos na ang gulo sa pagitan ng magkapatid ay pinanood na lamang niya kung ano ang kailangan niyang gawin sa store na ito. Ngunit bago pa siya makauwi ay kinausap siya si Cris. "Sigurado ka na ba rito, Kael?" tanong ni Cris sa kanya. Hindi katulad kanina ay mas seryoso na itong kausapin ngayon. Marahil ay dahil importanteng bagay ang usapan namin ngayon. "Hmm.." pagtango ko rito bilang pagsang-ayon. Bahagyang napangiti si Cris at binigyan siya ng mga paalala sa kailangang gawin bilang staff ng store na ito. "At sa huli, magiingat ka kay Charmy," banta nito sa akin habang kinakabahan pang nakahawak ang dalawang kamay sa isa't isa. "A-anong ibig niyong sabihin?" tanong ko. "Si..si Charmy ay may kakaibang habit na hindi mo makikita sa ibang lalaki," seryosong saad nito saka napayuko. "Kakaibang habit???" "Hmm.."pagsang-ayon nito. Bahagya akong napaisip. **** 'Marahil ay ito ang kakaibang habit niya' mahinang sambit ni Kael sa sarili. Hindi na niya alam kung ilang beses na itong ginawa ni Charmy kaya naman wala na ring mapaglagyan ang hiya ni Kael. Napahawak siya sa puwetan niya. Kahit na may customer kasi ay wala pa ring hiya si Charmy at pinapalo rin ang kanyang puwetan. "Dalian mo na!" malakas na sigaw ni Charmy saka muling pinalo ang puwetan niya. "Ah...eh...opo," walang choice na sagot ni Kael. Mas matanda sa kanya si Charmy dahil malapit na ito mag-30, gayumpaman ay hindi naman halata sa kanyang mukha. Dahil sa chubby at cute height nito ay nagmumukha siyang nasa early 20. Mag-aalas sais na nang maisipan ni Charmy na kumain muna kaya naman inaya na rin niya si Kael. "Kael! Kain tayo!" Napalingon naman sa kanya si Kael. "Ah...hi-hindi po muna. Mamaya na lang po siguro sa bahay ako kakain," sagot ni Kael. "Kakain ka o kakainin kita?" pananakot ni Charmy sa kanya. Hindi naman alam ni Kael kung nagbibiro lamang ito o hindi ngunit minabuti pa rin niyang tanggihan ang pagkaing ibinibigay nito. "Di ka kakain?? Sige, madali lang naman akong kausap," saad ni Charmy saka lumapit sa kanya. Naalerto naman si Kael kaya naman alam na niya ang ibig sabihin nito. Mabilis niyang kinuha ang pagkain na nasa mesa at sumubo ng isang kutsara. "Kakain na nga...hehe," saad ni Kael at ipinagpatuloy ang pagsubo. Hindi naman na tumuloy pa si Charmy sa paglapit sa kanya at ipinagpatuloy na lamang ang pagkain. Ilang saglit pa ay nanatili lamang tulala si Kael. Napansin naman ito ni Charmy kaya naman hindi niya naiwasang magtanong rito. "Kael, may nobya ka na ba?" diretsang tanong ni Charmy. Gulat namang napatingin si Kael rito. "Eh- eh?? Ah...eh...wa-wala..." nahihiyang sagot ni Kael saka napayuko. "Sure ka?" paninigurado ni Charmy. "Opo ate...hehe," mas lalong nahihiyang sagot ni Kael. "Huwag mo na sabi akong tawaging ate eh...hahahha," natatawang saad ni Charmy. Napakamot ulit sa ulo si Kael. Napatingin naman si Charmy sa nahihiyang binata. Hindi niya alam ngunit alam niyang may nagugustuhang babae ang binata. Napayuko na lamang siya saka ipinagpatuloy ang paghigop ng juice.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD