LMS 11

1681 Words
Napabalikwas si Kael sa higaan nang maramdaman ang malamig na tubig sa kanyang pisngi. Agad niyang nakita ang dalawang kapatid na seryosong nakatingin sa kanya habang hawak hawak ang isang basong tubig. Napabuntong hininga ang binata. "Oo na...haist," mapungas-pungas na saad nito saka walang ganang inalis ang nakabalot ba kumot sa katawan. Walang sali-salitang umalis ang dalawa nitong kapatid at bumalik na sa kusina. Kasalukuyang nakasuot na ng uniporme ang dalawa kaya naman alam na ni Kael na oras na upang kumain ang mga ito. Napahikab pa siya habang pababa sa kusina. Naabutan niya rito ang dalawang kapatid na kasalukuyang inaayos ang lagayan ng pagkain. Naroon rin ang kanyang ate Violet na tahimik ring nagkakape sa gilid. Napailing na lamang ang binata. Tulad ng inaasahan ay walang maingay ngayong umaga. Paano ba naman kasi ay hindi umuwi kagabi ang ina kaya naman wala ring maingay sa paggising nilang lahat. Hindi naman na nagpatumpik-tumpik pa si Kael at inasikaso na ang mga kapatid. Kalahating oras rin ang nakalipas bago ito natapos kaya naman sarili naman niya ang kanyang inasikaso. Hindi pa man siya nakakaalis ay agad na siyang tinawag ng kanyang ate Violet. "Umuwi ka ng maaga mamaya ah," saad ni Violet saka dumiretso sa itaas. "Ba-bakit?" takang tanong ni Kael rito. Natigilan naman sa paglalakad si Violet at dahan dahang napalingon sa kapatid. "Cause I say so..." malamig na sagot nito saka nagpatuloy sa paglalakad. Hindi naman na nakapagsalita pa si Kael at napayuko na lamang na umalis palabas. Sa kabilang banda naman ay inis na naglakad si Honey habang nakabuntot sa kanya si Zane. "Psh! Tigilan mo nga ako, Zane. Naiirita na ako sa'yo kanina pa," inis na sambit ni Honey. Hindi naman ito pinakinggan ni Zane bagkus ay malawak lamang itong napangiti habang sinusundan ang dalaga. Nakasanayan na kasi nilang sabay pumasok sa school gamit ang motor ng dalaga ngunit dahil hindi pa rin naipapaayos ang motor nito ay wala silang ibang magawa kundi ang maglakad. Nakabuntot pa rin si Zane sa dalaga na agad na ikinamumuryot naman ng isa. Hindi siya masaya na kasama ang binata lalo pa't hindi naman nila kasama ang iba lalo na si Kael. "Psh!" busangot na saad ni Honey saka mas binilisan ang paglalakad. Hindi naman nagpahuli ang binata at binilisan rin ang paglalakad upang makasabay ang dalaga. Sa huli ay para silang ewan na hingal na hingal habang nakatayo sa harap ng gate. "Huff huff... ba-bakit ka hingal na hingal?" nahihirapang tanong ni Honey habang pilit na itinatago ang sariling pagkahingal. "Ha?... huff huff....si-sinong hinihingal?" painosenteng tanong ni Zane saka tumuwid sa pagkakatayo. Napatingala naman ang dalaga sa kaibigan. Ganoon na lamang ang gulat niya nang biglang inabot nito ang kanang kamay sa kaniya. "You need help?" sinserong tanong ni Zane sa dalaga habang nakalapit ang kamay nito. Bahagyang natigilan ang dalaga sa biglaang kabaitan ng kaibigan. Hindi man intensyon ni Honey na mag-isip ng masama tungkol rito ngunit namalayan na lamang niya ang sarili na nakahawak sa kamay nito. "Honey!! Zane!!" malakas na sigaw mula sa malayo na agad na ikinagulat ng dalawa. Wala sa sariling napabitaw si Honey sa kamay ni Zane. "Psh! 'Wag mo nga akong hawakan!" mataray na saad nito sabay tumalikod. Mukhang nagulat naman si Zane rito at napatingin sa kamay na saglit na hinawakan ng dalaga. Hindi na lamang nagsalita pa ang dalawa hanggang sa tuluyan nang makalapit sa kanila si Kael. "Ka-kael, ikaw pala, ngayon ka lang?" tanong ni Honey at awkward na humarap rito. Medyo lumayo ng kaunti si Honey kay Zane na ikinagulat naman ni Kael. Ramdam niya ang tensyon sa pagitan ng dalawa lalo na kay Honey na pilit na iniiwasan ang presensya ng katabi. "Ah oo..." awkward na sagot ni Kael saka inayos ang pagkakasukbit ng bag sa balikat. Hindi naman na sila nagtagal pa at nagtungo na ang tatlo sa kani-kanilang klase. Agad na nanlaki ang mata ni Kael nang makita si Indigo na papasok na rin sa loob ng room. Nagakagulatan ang dalawa dahil saktong papasok sila sa iisang pinto. Natigilan rin sa paglalakad si Indigo nang makita si Kael. Kahapon pa niya gustong kausapin si Indigo at tanungin kung bakit hindi ito pumasok kahapon, gayumpaman ay hindi niya alam kung saan maguumpisa. Awkward siyang napangiti sa kaibigan ngunit ganoon pa rin ang emosyong makikita sa mukha ni Indigo. "Ehehe," nahihiyang sambit ni Kael saka bahagyang gumilid upang paunahin ang isa sa pagdaan. Napakamot pa ito sa ulo na animo'y hiyang hiya sa kaharap. Sa kabilang banda naman ay agad na nasagwaan si Indigo sa ginawa ng kaibigan at mabilis na napakunot ang noo. "Anong ginagawa mo?" takang tanong ni Indigo. Ilang saglit pang nanatili sa ganoong posisyon si Kael bago ito natauhan at napatingin sa kaibigan. "Ha?" "Bilisan mo na at darating na ang prof natin," saad na lamang ni Indigo at nauna nang pumasok sa loob. Naiwan namang nakanganga si Kael sa labas habang tulala. Hindi niya akalain na ganoon ang magiging reaksyon ni Indigo matapos siyang hindi nito kausapin ng halos dalawang araw. Simpleng napangiti na lamang si Kael saka sumunod sa kaibigan. Sa kabilang banda naman ay nakapangalumbaba si Honey habang nakatanaw sa labas ng bintana. Wala na silang klase bago mag-lunch pero hindi pa rin sila pinapayagang lumabas ng kanilang president. "Psh! Tapos naman na ang klase, bakit di pa kami pwede lumabas? Lamon na lamon na ako rito oh!" angil na saad ni Honey sa sarili. Napabuntong hininga ito. "Pang-sampu," rinig niyang saad ng taong nasa harapan niya. Nakataas kilay siyang napatingin kay Zane na kasalukuyang nakaupo sa kaharap na table. Nasa bandang gilid kasi sila katabi ng bintana habang si Zane naman ang nasa harapan niya. "Ano?" inis na tanong ni Honey. "Pang-sampung beses mo nang bumuntong hininga mula kanina," sagot ni Zane. "Oh tapos?" "Wala lang. Bakit kasi ang lalim ng iniisip mo?" "Gutom na ako, okay? 'Wag mo 'kong umpisahan at baka kainin kita," badtrip na saad ni Honey saka muling humarap sa bintana. Sa halip na sumagot at patagong napangiti na lamang si Zane. Hindi naman na ito nakita pa ni Honey dahil wala talaga ito sa mood na makipagbiruan sa kaibigan. *** Nang matapos na ang klase nina Kael ay sabay na silang lumabas ni Indigo para pumunta sa canteen. Sakto namang nakita nila roon sina Zane at Honey na sabay na ring kumakain sa isang table. "Hoy!!!" pasigaw na tawag ni Indigo sa dalawa. Napangiti naman si Indigo. Simula noong nakausap niya ito kanina ay muling bumalik sa dati ang kaibigan. Hindi na ito masyadong nananahimik at patuloy na rin ito sa pang-aasar sa kanya. Agad na lumapit ang dalawa kina Zane at Honey. "Ang daya niyo! Kanina pa kayo rito?" tanong ni Indigo. Hindi naman kumibo si Honey kaya naman napilitan na lamang si Zane na sagutin ang kaibigan. "Oo, maya-maya babalik na rin kami sa klase," sagot ni Zane saka humigop ng juice. "Tara na, Kael. Bili lang kami guys ah!" paalam ni Indigo sa dalawa saka ako hinila papunta sa counter. Agad namang natigilan si Kael. Malayo pa man sila sa counter ay agad na niyang pinigilan ang kaibigan. "A-ano...di muna siguro ako kakain ngayon. Busog pa ako eh," palusot niya. Ang totoo niyan ay wala talaga siyang pera sa ngayon dahil nagastos niya ang huling pera niya sa utang niya kahapon rito. Ito ang binili kahapon ni Honey na siya rin ang nagbayad. Napakunot noo naman si Indigo dahil sa inaasal ng kaibigan. Ang akala ni Indigo ay umiiwas lamang ang kaibigan na ilibre siya kaya naman wala sa sariling napatawa ito. "Hahahaha, ang sama mo naman 'pre! Sige na! Ako na magbabayad, haist," saad nito saka hinila ang kaibigan. Nais pa sanang magpumiglas ni Kael ngunit naunahan na siya ng kaibigan na magsalita. "Libre na kita! Wag ka ngang pa-hard to get 'pre!" natatawang saad ni Indigo rito. Para namang nagningning ang mukha ng kaibigan sa mga mata ni Kael kaya naman kusa na rin itong sumama sa kaibigan. Napatingin lamang si Honey sa dalawang kaibigan na papunta na ngayon sa counter. " Bakit parang weird ang kilos ni Kael noong kasama niya si Indigo? May nangyari kaya sa kanila?" takang tanong ni Zane sa kanya na agad nitong ikinagulat. "Anong ibig mong sabihin?" kunot noong tanong ni Honey rito. "Eh? 'Di mo ba pansin? Weird kaya lalo na kanina. Tapos di pa natin na-contact si Indigo kahapon," sagot naman nito. "Hindi na-contact? Baka ikaw lang. Nag-message sa akin si Indigo kahapon na di siya papasok. Akala ko naman alam ninyo, kaya di ko na sinabi," walang pakialam na saad ni Honey saka nagpatuloy sa pagkain. Hindi na lamang sumagot pa si Zane rito at hinigop na lamang ang hawak na inumin. Maya-maya ay nagulat na lamang silang dalawa nang lumapit si Hana-sensei sa dalawa. "Ummm, hello. Kaibigan kayo ni Michael hindi ba?" tanong ng guro sa kanila. Nanlaki ang mata ng dalawa sa biglaang pagsulpot ng guro. Napapunas agad ng labi si Honey matapos kumalat ang sauce sa kanyang bibig habang si Zane naman ay napatulala na habang nakatingin sa mukha ng guro. "Ah, opo. Si Kael po ba ang hinahanap ninyo?" tanong ni Honey. "Kael? Oh, right! Michael...hehehe. By the way, alam niyo ba kung nasaan siya ngayon? Sabi sa akin ng isang student ay kayo palagi ang kasama niya kaya naisip ko na magkakaibigan kayo," sambit ni Hana-sensei sa dalawa. "Ah yes po, same grade level lang po kami, kabilang section nga lang po hehe...si Kael po ay kasama si Indigo, bumili lang po ng makakain," magalang na sagot ni Honey. Napangiti naman ang guro. "Ganoon ba? Sige okay lang. Pagkatapos nila, pasabi naman sa kanya na pumunta siya mamaya sa office ko, may ipapagawa lang ako. Salamat," sambit ng guro saka matamis na ngumiti. "Ah sige po, sabihin ko po mamaya," magalang na tugon ni Honey saka umalis ang guro. Naiwan namang tulala si Zane habang nakatitig sa likuran ng guro na unti-unti nang lumalayo. Habang si Honey naman ay naiwang malalim ang iniisip. "Bakit?? Anong kailangan ni Ms. Hana kay Kael??" takang tanong ni Honey sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD