Ilang minuto na lamang ay uwian na naman kaya naman hindi na maiwasan ni Kael na ma-excite habang nakatingin sa orasan. Pagkatapos kasi nang uwian ay kailangan niya munang dumaan sa office ni Hana-sensei dahil sinabihan siya nito.
Sa totoo lang ay hindi niya rin alam kung bakit kailangan siya nito. Nagulat na lamang siya kaninang tanghali nang bigla siya nitong tinawag nang saktong pabalik na siya sa table nina Honey.
"Pumunta ka mamaya sa office ko ah, may ipapagawa lang ako. Ayos ba?" nakangiting saad ni Hana-sensei.
Paulit-ulit ang eksenang ito sa isip ni Kael at maging ang mga kaibigan niya ay hindi rin makapaniwala sa biglaang request ng guro.
Maya-maya pa ay malakas na tumunog ang bell hudyat na uwian niya. Mabilis namang nagtakbuhan ang ibang estudyante palabas ng room habang si Kael ay hindi rin maiwasang maipakita ang excitement base sa mabilis na pagpasok nito ng mga gamit sa loob ng bag.
Napatingin naman si Indigo sa kanya. Maging siya ay nalilito sa kung ano ang kailangan ng guro sa kaibigan. Natigilan na lamang siya sa pag-iisip nang marinig ang malakas na paalam ng kaibigan.
"Mauna na ako, Indigo!!!" paalam ni Kael saka mabilis na tumakbo palabas sa kwarto.
Napayuko na lamang ito saka marahang isinukbit ang bag sa balikat at naglakad na rin palabas.
Sa kabilang banda naman ay hindi mapigilan ni Kael ang kaba habang papalapit sa opisina ni Hana-sensei. Maging ang kanyang pagtakbo ay para bang mas lalong bumilis.
Hindi na niya iniisip kung ano ang kailangan sa kanya ng guro, bagkus ay masaya na siyang nakilala siya nito at personal siya nitong tinawag kanina. Hindi niya mapigilan ang kilig na nararamdaman hanggang sa makarating siya sa harapan ng pinto.
"Ang pintong ito na lang ang nagsisilbing pagitan sa amin ni Hana-sensei. A-ano kayang ginagawa niya? Hi-hinintay niya kaya ako??" hindi magkamayaw na tanong ni Kael sa sarili.
Halos mapunit na ang kanyang mukha sa lawak ng pagkakangiti saka napahigpit ang pagkakahawak sa sukbit na bag.
Buong lakas na napabuntong hininga si Kael saka malakas na binuksan ang pinto.
"Goodafternoon, Hana-sensei!!!" malakas na bati ni Kael saka ipinalabas ang napakalawak na ngiti.
Ilang segundo pa bago nagproseso sa kanya ang nakita. Kasalukuyang nakaupo sa kanyang office chair si Hana-sensei habang may hawak na mga papel sa magkabilang kamay. Kaharap nito ang isang guro na hinding hindi inaasahan ni Kael.
"Pro-professor Dex..." mautal-utal niyang banggit sa pangalan ng guro.
Sabay na natigilan ang dalawang guro sa biglaang pagpasok niya. Habang si Professor Dex naman ay pasimple pang itinaas ang suot na salamin habang inaanalisa ang katawan ni Kael mula ulo hanggang paa.
Tinubuan naman ng kahihiyan si Kael at napakamot sa kanyang ulo.
"Don't you have manners, you fool?" istriktong tanong ni Professor Dex sa kanya saka seryosong tumingin sa kanyang mga mata.
Naramdaman agad ni Kael ang intimidasyon sa presensya ng guro.
"S-s....sorry po!!" natatarantang paumanhin ni Kael saka napayuko.
Napatayo naman sa pagkakaupo si Professor Dex saka inilagay ang dalawang kamay sa loob ng bulsa.
Wala sa sariling napalunok ng laway si Kael dahil sa takot.
"I have a class to attend, see you later, Hana..." paalam ni Professor Dex sa dalaga saka naglakad palapit sa pinto.
"Okay!" sagot naman ni Hana-sensei.
Kahit na kausap nito ang kapwa guro ay nanatili pa rin ang malamig at nakakatakot na tingin nito kay Kael. Mas lalo tuloy natakot ang isa. Nang padaan na ito sa kanyang puwesto ay agad na gumilid si Kael ngunit narinig niya agad ang nga katagang binitawan ng guro.
"Next time, learn some manners first. Learn how to knock, you fool!" sambit nito saka tuluyang lumabas ng room.
Naiwan namang tila nanigas na yelo si Kael sa isang tabi. Kung hindi pa ito tawagin ni Hana-sensei ay hindi pa ito magigising sa pagkatulala.
"By the way, kaya kita pinatawag rito ay may ipapagawa ako sa'yo. But before that, I want to congratulate you dahil ikaw ang nag-top sa klase natin from the last summative test. Gusto ko sanang ikaw ang mag-check ng mga ito," litanya ng guro habang hinahalungkat ang kung ano-anong papel sa table nito.
Hindi makapagsalita si Kael.
"Plus, sinabi sa akin kanina ni-...I mean ni Professor Dex na magkakaron tayo ng midterm exam two weeks from now. And since ikaw ang top sa klase natin ay gusto ko sanang gawin kang assisstant para hindi rin ako mahirapang mag-monitor sa inyo, ayos lang ba sa iyo 'yun?" tanong ni Hana-sensei.
"I really need your help....so badly," dagdag pa nito saka napatingin sa estudyante.
Wala sa sariling napatango si Kael. Sa katunayan ay wala siyang alam kung ano ang gagawin niya bilang assisstant ngunit paulit-ulit na lamang sa kanyang isipan ang paghingi ng tulong ni Hana-sensei niya.
"Really?? Oh God!! Thank you ah! Hahaha akala ko 'di ka papayag since mahihirapan kang pagsabayin ang pagaaral at pagiging assistant. But don't worry, magbibigay na lang ako ng incentive if ever needed hahha," natutuwang sambit nito saka mabilis na tumayo mula sa office chair nito.
Agad namang nagising sa reyalidad si Kael matapos ang malalim na pagkakahanga sa kabaitan ng guro. Inabot nito ang hawak na mga papel ni Hana-sensei at agad na tiningnan ang papel sa may bungad. Naroon ang kanyang papel.
Mapapangiti na sana siya nang malamang siya ang nag-top sa klase ngunit gayumpaman ay hindi rin naman kataasan ang kanyang marka. Mapait siyang napangiti.
"Hehehh, ayos na rin siguro ito dahil hindi rin naman kami ang top section sa level namin," saad ni Kael sa sarili.
Ilang minuto pa ang lumipas at puro paliwanag ni Hana-sensei ang narinig ni Kael. Nag-umpisa na rin siya sa mga chinechekan habang hindi maiwasan ang nararamdaman sa tuwing lumalapit ito sa kanya.
May pagkakataon pa pareho silang natatawa dahil sa mga katatawanang ikinukwento ni Hana-sensei tungkol sa mga estudyante niya sa kabilang section.
Sa kabilang banda naman ay nanatiling nakatayo lamang si Honey habang nakikinig sa labas ng isang opisina. Rinig na rinig niya ang tawanan ng dalawa sa loob. Wala siyang ibang magawa kundi pakinggan ang mga ito hanggang sa siya na rin ang sumuko at naglakad na rin palayo.
"Sige, ako na ang bahala rito, Kael. Maraming salamat talaga sa tulong mo ah, " pasasalamat ni Hana-sensei sa kanya.
Hindi mapigilang mamula ng mga pisngi ni Kael kaya naman wala sa sariling napangiti ito.
"Wa-wala pong problema, ba-basta...kung kailan niyo ng tulong ay...ay nandito lang po ako," nauutal na sambit nito.
"Arghh!!! Para kang timang, Kael!! Ayusin mo nga sarili mo!!" sigaw ni Kael sa sarili matapos sabihin ang napaka-corny na linyahan na iyon.
"Talaga??! Sige ba, aasahan ko 'yan ah!" nakangiting sambit ni Hana-sensei saka kanya bago siya tuluyang umalis sa kwarto.
Napahawak pa siya sa dibdib matapos tuluyang umalis sa kwarto. Maya-maya ay saka niya lamang napansin ang relo sa kamay.
's**t! Natagalan ako rito kay Hana-sensei kaya 'di ko na namalayan pa ang oras. Late na ako ng two hours sa trabaho ko!' inis na sambit ni Kael sa sarili.
Mabilis na napatakbo si Kael palabas ng hallway na iyon. Habang palabas ng campus ay naramdaman niya ang pag-vibrate ng isang bagay mula sa kanyang bulsa.Agad niya itong kinuha at sinagot ang tawag.
Agad na nailayo ni Kael ang kanyang tenga mula sa telepono.
"ANONG ORAS NA!!! KANINA PA KITA TINATAWAGAN AH!! NASAAN KA NA?!!" malakas na sigaw ni Charmy mula sa kabilang linya.
"Ha-hai....pa-papunta na ako," sagot nito sa telepono.
Agad namang natigilan si Honey nang makita ang tumatakbong kaibigan. Hawak nito ang telepono sa manang tainga at mukhang napapagalitan pa. Tatawagin na niya sana ito dahil kaninanniya pa ito hinihintay ngunit hindi pa man siya nakakapagsalita ay nilampasan na siya ng kaibigan.
Naiwang nakataas ang kanyang kanang kamay habang nakaturo kay Kael.
' Psh, saan naman kaya 'yun pupunta at mukhang nagmamadali?" tanong ni Honey sa sarili.
Sa huli ay minabuti na lamang niyang maglakad mag-isa.
"Psh! Dapat pala sumabay na ako kina Zane kanina, badtrip naman oh. Di ko naman pala makakasabay si Kael," inis na sambit nito sa sarili.
Pawis na pawis si Kael ng tuluyan nang makarating sa pinagtatrabahuan.
"Huff huff....Ch-charmy..." tawag nito sa babaeng kasama.
Napakunot noo naman ang mga mamimili habang nakatingin sa kanya. Papasok na sana siya sa counter nang magulat na lamang siya nang bigla siya nitong tinuktukan sa ulo.
"A-aray!" angil niya.
"Psh! ' Yan magpa-late ka pa at hindi lang 'yan ang aabutin mo," saad ni Charmy saka nagpatuloy sa pag-aasikaso sa mga customer.
Hindi naman na nagpatumpik tumpik pa si Kael at agad na ring tumulong sa babae. Halos alas otso na nang mapansin ni Kael na gabi na pala. Saka lamang din niya naalala ang sinabi ng kanyang ate Violet kanina.
"Umuwi ka ng maaga mamaya ah," tanda niyang saad ng kanyang ate.
Napamura sa loob loob si Kael. Dahil sa hindi planadong pagpunta niya kanina sa opisina ni Hana-sensei ay naabala rin ang kanyang trabaho.
Pagkauwi sa bahay nila ay napansin niya agad ang madilim na paligid.
"Nasaan na kaya sila?" tanong ni Kael.
Dahan-dahang naglakad ang binata papunta sa kusina. Sinilip niya rin ang hagdan sa itaas ngunit wala naman siyang naririnig na boses.
Agad siyang nagtungo sa living room kung nasaan ang switch ng lahat ng ilaw. Bubuksan na sana niya ang mga ilaw nang mapansin ang isang bulto ng tao na nakaupo sa dilim.