LMS 13

1484 Words

" Violet!! Violet!!!" malakas na sigaw na nagpaingay sa napakatahimik na kwarto ni Violet. Agad niyang inalis ang nakasuksok na earphone sa kanyang tainga. "Tsk! Ano ba 'yun, ma?" inis na saad ni Violet saka napalabas sa kwarto. Naabutan niya ang ina na nakatayo sa labas ng kwarto habang nakatingin sa kaniya. Nabasa niya agad sa mga mata nito ang sakit na nararamdaman nito. Nagulat na lamang siya nang bigla itong napayuko sa kaniyang balikat. "Ma...mama??" Pilit niya itong inuuga ngunit naramdaman niya na lamang ang lahat ng bigat nito na nakaasa sa kanya. Pinilit niyang makatayo ng maayos upang makaya ang bigat ng mama niya. "Mama....mama!! Ba-bakit??" kinakabahang tanong ni Violet habang pinapasan ang ina. Sa huli ay wala na siyang nagawa dahil tuluyan na itong nahimatay.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD