LMS 9

1574 Words
Napatulala si Kael habang nakatingin sa harap ng bintana. Ngayon na ang unang araw ng kanyang part time job, gayumpaman ay hindi niya ito ipinaalam sa mama niya. Mamayang hapon pa ang umpisa ng trabaho niya pagkatapos ng klase at magtatapos naman ng alas-nuwebe ng gabi. Muli niyang inilibot ang paningin sa paligid. Wala pa ang kanilang next professor kaya naman kaliwa't kanan rin ang ingay na maririnig sa loob ng room nila. Napatingin siya sa silya ng kaibigan. "Mukhang wala talagang balak pumasok ang isang iyon," mahinang saad niya sa sarili. Pagkatapos kasi nang nangyari kahapon ay hindi na niya muling nakita si Indigo. Bukod pa rito ay hindi rin siya pumasok sa araw na ito. Maging sina Honey ay hindi rin makontak ang kaibigan. Napabuntong hininga na lamang si Kael. Hindi niya alam kung ano ang problema ng kaibigan kaya hindi niya rin alam kung paano ito matutulungan. Napatingin siya sa harapan nang biglang sumigaw ang kanilang president. Naghiyawan agad ang lahat matapos sabihing wala ang kanilang next professor. Maging si Kael ay hindi maiwasang mapangiti. Masyado na kasi silang bombarded sa mga projects this past few days kaya naman mabuti na ring magkaroon sila ng kaunting paghinga. Sunod-sunod na naglabasan ang mga kaklase niya sa room at dumiretso na sa canteen. Hindi rin naman na siya nagpahuli pa at sumabay na rin palabas. Agad na hinanap ng kanyang mga mata ang mga kaibigan ngunit maski isa sa mga ito ay hindi niya makita. "Tsk! Nasaan na kaya ang mga 'yun?" tanong ni Kael sa sarili. Habang naglalakad ay nagulat na lamang siya nang marinig ang mahinang tinig na nagmumula sa isang hallway. Malapit na siya sa canteen kaya naman nagdadalawang isip siya kung pupuntahan pa ang ingay na iyon. Sa huli ay hinayaan na lamang niya ang munting ingay na iyon at dumiretso na papasok sa canteen. Ipinagpatuloy na lamang niya ang paghahanap kina Honey at sa wakas ay nakita niya itong nakatayo malapit sa counter. Katabi nito si Zane na kasalukuyang buhat buhat ang mga pagkain. "Zane!" sigaw niya sa mga ito ngunit maski isa sa kanila ay walang nakarinig. Lumapit na lamang siya sa mga ito at napansing mukhang nagaaway ang dalawa. "Ehh?? Aba! Ikaw na ah!" sigaw ni Honey saka dinuro si Zane. Galit namang napatingin si Zane sa dalaga saka itinaas ang hawak na tray. "Ako na nga magdadala eh! Ikaw naman magbayad!" sigaw nito pabalik. "Ahh...an-ano..." mahinang tawag pansin ni Kael sa dalawa saka sabay itong napatingin sa kanya. "Ikaw na magbayad!" "Siya na magbabayad!" Sabay na sigaw ng dalawa habang nakatingin kay Kael. "EH???" Hindi na nagawa pang makapagsalita ni Kael nang iwanan siya ng dalawa sa harap ng counter. Nakaharap na rin sa kanya ang babae na nagtitinda rito at iniintay ang bayad sa mga pagkaing kinuha ng dalawa. Napakamot siya sa ulo. Hindi niya alam kung bakit siya nasabit sa gulong ito gayong wala na takagat siyang pera ngayong araw.Napailing na lamang siya ng ulo at dahan-dahang inabot sa babae ang isandaang piso. "Ibabalik ko na lang ho ang kulang," magalang na saad niya sa tindera. Aangal pa sana ang babae dahil hindi sapat ang isandaang piso upang bayaran lahat ng pagkaing kinuha ng kaibigan nito ngunit nang mapatingin ito sa mga mata ng binata at naawa ito. "Tch! Ayusin mo lang boi, kung ayaw mong makatikim sa akin," banta niya kay Kael saka naglakad na pabalik sa loob. Napabuntong hininga si Kael. "Haist, buti na lang at pumayag ang babae na ibalik ko na lamang ang kulang," saad nito sa sarili saka laglag balikat na naglakad papunta sa mga kaibigan. Naabutan niya ang dalawa na nag-aaway sa hawak na tinapay. Bahagya silang natigilan. Kung tutuusin ay bagay ang dalawa. Hindi niya alam ngunit mapait siyang napangiti rito saka naglakad palapit sa kanila. "Ey! Kael! Naswaan si Indigo? Hindi kow siywa napwunsin," tanong ni Zane habang nguya nguya ang tinapay sa bibig. Napaupo ako sa katabing upuan. "Hindi ko rin alam," mahinang sagot ko. "May nangyari ba?" kaswal na tanong ni Honey. "Wa-wala naman..." sagot ko sa mga ito. Napailing si Zane. " Baka tinamad na naman ang gago, hayaan na lang natin hahaha," pagkikibit balikat ni Zane. "Parang ikaw, hindi tamad ah!" sumbat naman ni Honey saka muling nag-away ang dalawa. Napayuko na lamang si Kael. Kaysa sa dalawang kaibigan ay mas alam niya ang dahilan kung bakit hindi pumasok ang kaibigan. 'Hindi kaya tungkol pa rin ito sa nangyari kahapon? Tungkol sa sagutan nila ni Professor Dex? Kaano-ano ba ni Indigo si prof at mukhang magkakilala silang dalawa?' mga tanong na nabubuo sa isipan ni Kael. Nagulat na lamang siya nang biglang kusang bumukas ang kanyang bibig at naramdaman ang malambot at masarap na pumasok sa bibig niya. Ramdam niya ang katas na nagmumula rito kaya panandalian siyang naibalik sa wisyo. "Kumain ka muna!" sigaw ni Honey sa kanya habang seryosong nakatingin sa mga mata nito. Dahan-dahan siyang napatingin sa pagkaing nakalagay sa kanyang bibig. Unti-unti niya ngang nginuya ang karne na nakalagay rito at nakisalo sa pagkain ng dalawa. Sa kabilang banda naman ay hindi maiwasang mag-alala ni Honey kay Kael. Alam niyang may mas malalim pang dahilan kung bakit hindi pumasok si Indigo at posibleng ito ang iniisip ngayon ni Kael. **** Pagkatapos ng kanilang pagkain ay sabay nang nauna sina Honey at Zane dahil nasa iisa naman silang klase habang si Kael naman ay naiwan nang mag-isa. Nakayuko pa rin siyang tumayo pabalik sa kanilang room nang muling maraanan niya ang hallway kanina. Hindi katulad kanina ay wala naman nang maingay sa loob nito. Gayumpaman ay wala sa sariling napahinto siya sa harap nito. Namalayan na lamang ang sarili na naglalakad papasok rito. Hindi naman ipinagbabawal ang pagpasok sa hallway na ito gayong ito ang dating daan papasok sa locker room, ngunit nang maayos ang building ay ginawan ng mas madaling daan kaya naman hindi na gaanong dinaraanan ang hallway na ito. Nagdire-diretso lamang siya sa paglalakad nang biglang makita si Hana-sensei. Agad siyang napakunot ng noo. Lalapitan niya sana ito nang mapansing may kausap ito. Nasa madilim na parte ng hallway ang kasama nito kaya naman hindi niya gaanong makita ang mukha ng kasama. Agad siyang napatago sa pader nang biglang maglakad ang dalawa palabas sa dilim. "Hahahaha, masaya rin ako roon," masayang saad ni Hana-sensei saka napahinto sa paglalakad at humarap sa kasama. Napasilip si Kael sa pader at tiningnang mabuti ang kasama ni Hana-sensei. Nakita niya ang porma ng lalaking iyon at maging ang pagtaas nito ng salamin gamit ang dalawang daliri. "Hindi kaya...." sa isip isip ng binata nang may maisip na isang tao. Nakumpirma niya lamang ang kanyang hinala nang magsalita ito. "Hana, I don't want you to do that while we're at school, okay?" seryosong saad ng kasama nito. 'Pr-professor DEX???' gulat na tanong ni Kael sa sarili. "A-anong ginagawa nila roon??!" hindi magkamayaw na tanong niya pa sa sarili saka napatago muli sa pader. Hindi niya alam ngunit nakaramdam siya ng selos rito. "Hana, I don't want you to do that while we're at school, okay?" "Anong ibig niyang sabihin?? A-ano bang ginagawa nila?!! Hi-hindi kaya...?? "Why??" rinig niyang tanong ni Hana-sensei. "Do you want others to know what we are? And our relation?" balik tanong ni Professor Dex Nanlaki agad ang mga mata ni Kael. Re-relation?!! Relationship?? "Hmm..." nakangusong saad ni Hana-sensei saka nagpatuloy sa paglalakad habang kasabay si Professor Dex. Napaupo naman sa sahig si Kael. Hindi niya inaasahang ganito ang makikita at maririnig niya. "Hindi kaya, hindi kaya ginawa nila iyon?? Ka-kaya naroon sa silid na iyon??!" nag-aalinlangang tanong ni Kael sa sarili. ***** "Dexiee!!" tawag ng isang na babae sa isang lalaki. "Huwag mo nga sabi akong tawaging dexie eh!" sigaw naman rito pabalik. "Bakit naman??" "Tch! May pangalan ako, okay?" paliwanag nito. "Kaya nga, Dexie ang tawag ko sa'yo...dinagdagan ko lang sa dulo hehe," nakangiting saad nito. "Psh! Tigilan mo nga ako," "Ay, di mo na ako bati Dexie?? Sige ka, di na kita love," pananakot pa nito. "Huwag ka nga isip bata! Matanda ka na, Hana," saway sa kanya ng kasama. "Ehh?? Sampung taong gulang pa lang ako," pilit na saad nito. Napailing na lamang si Dex. Hindi niya alam kung bakit naging ganito ang kasama. Simula noong bumalik sila rito sa kanilang bahay ay bumalik na naman ang pagiging isip bata ng kasama. Gayumpaman ay masaya siya rito. Minsan na lamang niya makasama ang babae at sa school lang sila kadalasan nagkikita kaya naman sinusulit na niya ang araw na ito. Pinanood niya lamang ang babae habang nakikipagkwentuhan sa mga kapwa kababaihan. Maya-maya ay lumapit sa kaniya ang isa sa mga nakakatandang kasamahan nila. "Dex, kamusta naman kayong dalawa ni Hana sa school na pinagtatrabahuan ninyo?" tanong ng matanda at paika-ikang tumabi kay Dex. "Ayos naman ho," magalang na sagot niya rito saka inalalayan ang matanda. "Wala namang problema habang naroon kayo, hindi ba?" nagaalangang tanong pa nito. "Wala naman po..." nakayukong saad nito saka naalala ang isa sa mga estudyante niya. Si Indigo. Alam niya ang gustong patunayan sa kanya ng binata. Gayumpaman ay wala siyang pakialam. Napatingala ulit si Dex at napatingin kay Hana. "I won't let others take her from me. I'll protect her even if it costs my own life," seryosong saad nito habang nakatingin kay Hana. Napalingon naman ang matanda kay Dex at mahinang napabuntong hininga. "He didn't change after all, doesn't he?" mahinang sambit ng matanda sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD