LMS 8

1567 Words
Dahil sa hindi maipaliwanag na takot na naramdaman ng binata ay mabilis siyang napatakbo palayo. Habang si Professor Dex naman ay hindi na nag-aksaya pa na tingnan ang binata. Taka namang nakatingin si Hana-sensei kay Kael matapos nitong tumakbo palayo. 'Ano kayang problema niya? Hmm...balak ko pa naman sana siyang batiin' saad ni Hana-sensei sa sarili saka muling tumalikod at sundan ang kasama. Pagkatapos ng nakakahiyang ganap na iyon ay hindi napigilan ng ilan na tawanan ang binata sa loob-loob nila. Habang si Kael naman ay hingal na hingal na nakasandal sa pader. Hindi niya maipaliwanag ang takot na naramdaman niya nang malapitang marinig ang boses ni Professor Dex. "Tsk! Ang tanga mo naman, Kael! Sigurado akong magnobyo sila kaya ganoon na lamang siya ka-protective sa nobya," mahinang saad nito saka dahan-dahang napaupo sa sahig. Unti-unti niyang itinaas ang bag at isinukbit sa balikat nang marinig ang isang pamilyar na boses. "Anong ginagawa mo d'yan, Kael?" tanong ni Honey saka napatingala ang binata. Nakataas ang isang kilay ng dalaga kaya naman bahagyang nahiya si Kael. Hindi niya inaasahan na makikita siya ng dalaga sa ganitong sitwasyon. "Ah..eh...wala naman. Me-med...medyo napagod lang ako sa paglalakad ehehe," palusot ni Kael saka pinilit na tumayo. Nang tuluyan nang makatayo si Kael ay nanatili paring tahimik ang dalaga dahil alam niyang may itinatago sa kanya ang kaibigan. Dahil sa awkwardness na nararamdaman ni Kael ay siya na rin mismo ang naunang nagsalita rito. "Ahh, siya nga pala mauuna na ako ah. Mag-uumpisa na rin kasi ang klase namin eh," saad ni Kael saka naunang naglakad palayo. Nagtataka man ay hindi pa rin napigilan ni Honey na mapangiti nang umalis na ito. Sa kabilang banda naman ay malungkot na tumalikod ang isang binata matapos makita ang simpleng pagngiti ni Honey kay Kael. **** Natahimik ang lahat nang biglang pumasok sa loob ng room si Professor Dex kasunod si Hana-sensei. Nagtataka man ang iba ay nanatili na lamang silang tahimik. Diretso itong naglakad papunta sa likuran habang nagiiwan ng kakaibang takot sa mga mag-aaral na kanyang dinaraanan. 'NAKAKATAKOT!' yan lamang ang katagang nakatatak sa isipan ni Kael nang pumasok na ang dalawang guro kaya naman pinipilit niyang hindi mapatingin rito. Itinutok na lamang niya ang paningin kay Hana-sensei na kasalukuyang walang alam sa tensyong namumuo sa kabuuan ng kwarto. Bahagya pa siyang napapakunot ng noo nang mapansin ang sunod sunod na pagyuko ng mga estudyante niyang dinadaanan ng kasama. "Ehem!" pilit nitong saad upang agawin ang atensyon ng lahat. Halos sabay sabay na napatingin ang lahat kay Hana-sensei. Mukhang nagulat naman ang guro dahil rito. "Eh? Mukhang ayos naman pala ang lahat," saad nito sa sarili saka inilapag ang mga gamit sa ibabaw ng mesa. Magsasalita na sana ito nang biglang magulantang ang lahat dahil sa isang malakas na sigaw. "Professor Dex!!!" Napatingin ang lahat sa may-ari ng malakas na sigaw na iyon. Natigil sa paglalakad si Professor Dex at maging si Hana-sensei ay hindi rin nagawang makagalaw. Habang si Kael naman ay nanlaki ang mga mata habang nakatingin sa kaibigan. Nanginginig man dahil sa takot ay nanatiling nakatayo si Indigo habang nakayuko. Ramdam ng lahat ang tensyon na mas lalong tumindi nang dahan-dahang humarap rito ang guro. "I-i...indigo...A-anong gi-ginagawa mo??" pautal-utal na tawag ni Kael sa kaibigan. Hindi niya alam kung anong pumasok sa isipan ng kaibigan at bigla na lamang itong sumigaw. Gayumpaman ay sigurado siyang panibagong gulo na naman ang pinasok ng kaibigan niya. Simula noong unang araw na nakasama nila si Professor Dex sa iisang kwarto ay hindi maipaliwanag na tensyon ang palaging namumuo lalo na sa mga lalaki dahil sa sobrang istrikto nito lalo na sa mga lalaking nagtatangka na kausapin o magpapansin kay Hana-sensei. "Hmm?" Rinig na rinig ng lahat ang mahinang ekspresyon na ito ni Professor Dex. Napalunok ng laway si Kael habang pilit na tinatawag si Indigo. "I...I know, I'm not worthy for that as I am right now...but....but I'll show you!! I'll show you that I'm worthy! That I can do it!" "What are you saying all of the sudden, Mr. Indigo, you fool?" malamig na tanong nito. Napatingin si Kael sa kaibigan. Ramdam niya ang kaba at takot nito kahit na may kalayuan ito sa kanya. Gayumpaman ay makikita sa mga mata nito ang determinasyon sa isang bagay. "Huwag kang mag-maang maangan!! Alam mo ang ibig kong sabihin! Hindi ko na kailangang ulitin ito sa iyo!!" galit na sigaw ni Indigo na mas lalong ikinakaba ng lahat. Maging ang mga kalalakihan sa kwartong iyon ay hindi makapagsalita at nanatiling nakatingin sa kamag-aral at sa guro. Dahan-dahang naglakad si Professor Dex sa harapan ni Indigo na ikinaatras naman ng isa. "I don't know what you're talking about, but....no matter how hard you try, you'll never do the same as me. Never, you fool!" saad nito saka nilampasan ang binata at naupo sa likuran. Nangingitngit ang mga panga ni Indigo nang umupo ito. Ang iba naman ay ibinalik na ang paningin sa harapan matapos makitang nakayuko na si Indigo. "You fool, my ass!" inis na saad ni Indigo sa sarili saka wala sa sariling napakuyom ng kamao. Habang si Kael naman ay unti-unting napaayos ng upo. Hindi niya alam kung anong nangyari ngunit ramdam niya ang inis ng kaibigan. Halos mga kababaihan lamang ang naging aktibo sa kabuuan ng klase habang ang mga kalalakihan naman ay nanatiling tahimik dahil alam nilang may tensyon pa rin sa pagitan ng dalawa. Malapit lamang ang dalawa sa isa't isa kaya naman hindi rin maiwasang ma-concious dito ni Indigo. Nang matapos ang klase ay agad na sinundan ni Kael ang kaibigan. "Indigo!! P're! Digo!" malakas na sigaw ni Kael. Noong una ay hindi pa ito lumingon ngunit kalaunan ay napahinto na rin ito sa paglalakad. "Sinabi ko nang huwag mo akong tawaging "Digo" kapag nasa campus tayo, hindi ba?" nagpipigil sa galit na saad nito saka mabilis na kinuwelyuhan ang kasama. "Ah...eh...so-sorry. Naka-nakalimutan ko," pautal-utal na saad ni Kael saka siya ibinababa sa sahig na animo'y limang taong gulang na bata. Nanatiling tahimik ang dalawa habang sabay na naglalakad. "A-ano...tungkol sa nangyari kanina, ba-" "Wala yun," malamig na sagot sa kanya ni Indigo. Napatingin naman siya rito. Alam niyang nagsisinungaling lamang si Indigo. Simula kaninang umaga ay hindi niya ito nakasabay sa pagpasok at maging ang mga kilos nito ay kakaiba nang pumasok na sa loob ng room. "Kung may maitutulong ako, pwede mo naman sabihin sa akin..." mahinang saad ni Kael sa kaibigan. "Pasensya na pero di ko kailangan ng tulong niyo...sa ngayon, ako lang ang makakapagpatunay ng bagay na iyon. Isa pa, sinong tao ang mangangailangan ng tulong ng isang loser na gaya mo?" dire-diretsong saad ni Indigo saka nagpatuloy sa paglalakad. Hindi man sabihin ni Kael ay ramdam niya ang sakit matapos marinig ang mga katagang iyon. Gayumpaman ay pinilit niyang intindihin ang kaibigan. Sanay na siya sa mga harsh words na nagmumula sa kaibigan at alam niyang hindi ito ang totoo nakikita sa kanya ni Indigo. Napabuntong hininga na lamang siya saka nagpatuloy sa paglalakad. Hindi na nakapagpaalam pa si Kael sa mga kaibigan nang umuwi ito dahil may balak siyang daanan bago umuwi. Balak niyang pumasok sa isang part-time job. At ito iyon. Ang T&T Convenience Store. Kasalukuyan siyang nakatayo sa harapan ng convenience store na ito. Kahapon niya pa nakita ang hiring poster nito kaya naman napagisipan niyang mag-apply rito. Bukod kasi sa pera ay nais niya ring may pagkaabalahan after class. Dahan-dahan siyang pumasok sa loob ng store ngunit laking gulat niya nang makitang napakalinis ng loob. Napakalinis na halos wala ka nang makita. Kahit isang customer ay walang pumapasok. Hindi niya maiwasang magtaka. 'Totoo bang T&T Convenience Store ito?' takang tanong niya sa sarili. Lingid sa kanyang kaalaman na sikat ang convenience store na T&T kaya naman nakakapagtaka lamang na maging ganito katahimik ang isa sa mga branch nito katulad ng nakikita niya. Habang naglalakaf ay inililibot niya ang paningin sa bawat panindan na maayos na nakalagay sa bawat shelves. "A-ano..." tawag niya nang makita ang isa sa dalaga na nakatayo sa harap sa counter. "Hai?" Bahagyang nagulat si Kael nang makita ang kabuuan ng mukha ng dalaga. "Ano po ang maitutulong namin sa inyo?" tanong nitong muli. "A-ano...nag-aaccept pa ba kayo ng staff rito sa store ninyo?" tanong nito. "Ah...ikaw ba yung sinasabi sa akin ni boss?" tanong nito saka nakangiting lumapit sa akin. "Eh?? A-anong sinasabi mo?" Hindi alam ni Kael kung ano ang sasabihin sa dalaga gayong hindi niya rin naman kilala ang boss na tinutukoy nito. "Sabi niya kasi sa akin ay may isang lalaki na nakatulala lamang d'yan sa harap ng convenience store habang nakatitig sa poster namin at ibang flyer. Kaya, naisip na boss na baka nais mong magtrabaho rito at maging alalay niya" nakangiting saad nito. "A-alalay??!!" hindi makapaniwalang saad niya saka napatingin sa sarili. "Um!" sabay tango ng dalaga. "A-ano...sa totoo lang ay hindi pagiging alalay ang dahilan kung bakit ako narito, gusto lang talaga ay kumita," saad ni Kael at bahagyang napangiwi. "Ganoon rin yun! hahaha....ano nga pala ang pangalan mo?" tanong ng dalaga saka bumalik sa counter. "Michael...pero pwede na sa akin ang Kael," nakangiting saad nito saka siya sinamahan papasok sa iba't ibang sulok ng store. Napangiti si Kael. Pakiramdam niya ay napakabait ng dalagang kasama niya. Hindi niya alam kung bakit at paano ngunit nalaman na lamang niya na bukas na siya maguumpisa sa man ang trabaho bilang cashier.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD