Palubog na ang araw nang maisipan ng barkada na umuwi na. Hindi pa man nakakatayo si Kael ay agad na siyang hinila ni Honey.
"Ano pang hinihintay mo? Tara na aba!" sigaw ni Honey rito saka marahas na hinila ang braso ng binata.
Wala naman nang nagawa pa si Kael kundi magpahila na lamang sa dalaga. Pasimple namang napatingin rito si Zane saka iniwas ang paningin.
Tumingin pa muna si Kael sa kalangitan bago ito tuluyang tumayo.
"Oo na, saglit lang" sagot ni Kael.
"Tagal tagal kasi eh!" komento pa ni Honey.
"Mukhang uulan pa ah! Malas talaga oh!" inis na sambit ni Zane nang tumingin sa langit. Napaharap pa siya sa mga kasama ngunit pare-parehas silang nakatingin sa itaas. Napaiwas na lamang siya nang tingin nang makita ang kamay ni Honey sa braso ni Kael.
Wala nang nagawa pa ang apat at pinagtyagaan na lamang na maglakad. Hindi na rin sila sumakay pa dahil pare-pareho silang naubusan ng pera kanina sa lugawan. Pagkatapos kasi kanina ng uwian nila ay dumiretso sila rito sa lugawan. Tulad ng inaasahan ay si Kael na naman ang pinagbayad nila, ngunit hindi lingid sa kanilang kaalaman na wala na itong pera miski singko.
Sa huli, ay kinailangan rin nilang magambagan upang may maipambayad.
"Psh! Di mo kasi dinala motor mo eh!" angil na saad ni Zane para putulin ang katahimikan sa pagitan nilang lahat.
Nagulat na lamang siya nang bigla siyang tuktukan ni Honey sa ulo.
"As if naman na kakasya tayo dung apat!"
"Aray! Putek yan Honey, magbigay ka naman ng warning!" bulalas nito dahil sa gulat.
Natahimik na lamang sila nang mapansing nakatingin ang mga tao sa kanilang direksyon. Pasimpleng inapakan ni Honey ang paa ng binata.
"H'wag mo nga akong tawaging Honey eh!"
Namimilipit man sa sakit ay tiniis ni Zane ang lahat ng iyon. Sa kabilang banda naman ay nakikiramdam lamang si Kael sa kaibigan. Simula kanina ay hindi pa nila ito masyadong nakakausal which is very rare.
Hindi niya alam kung paano kukumprontahin ang kaibigan. Para bang may nakaharang na invisible na salamin sa pagitan nilang lahat at hinding hindi maaaring galawin. Ngunit desidido na siya.
Habang abala ang dalawa sa paghaharutan ay naisipang kalabitin ni Kael ang braso nito.
"Ayos ka lang, Indigo?" tanong nito.
Mukhang nagulat rin naman si Indigo at agad na napatingin kay Kael.
"Huh? Ahh...oo bakit?"
"Wala naman, masyado ka atang tahimik," puna nito.
Bahagyang napagiiwanan sa paglalakad ang dalawa dahil naisipan nina Honey at Zane na maghabulan.
"Wala 'to," sagot sa kanya nito.
"Si Professor Dex, bakit parang magkakilala ata kayo?" nakayukong tanong ni Kael habang patuloy sa paglalakad.
Nanlaki ang mga mata ni Indigo. Hindi niya akalain na mapapansin ng kaibigan ang tungkol sa bagay na ito.
"A-anong ...anong ibig mong sabihin?" kinakabahang tanong nito.
"Hindi ko rin alam, may nangyari ba kanina bago ka pumasok sa room kasunod nina prof Dex at Hana-sensei?" tanong niya ulit rito.
"Hana-sensei?"
"Ah...eh...si Miss Hana...si Miss Hana pala," nahihiyang saad ni Kael habang iwinagayway ang dalawang kamay. Wala nang mapaglagyan ang hiyang nararamdaman niya kaya naman wala sa sariling napayuko ito ulit.
"Wala namang nangyari, nakasalubong ko lang siya," sagot ni Indigo.
"Gano'n ba?Hmm..." tanong ni Kael saka napatango. Hindi na niya pinilit pa ang kaibigan na tanungin ang totoong nangyari kahit na alam niyang mayroon pang ibang nangyari.
Pinilit na lamang niyang intindihin ito saka napatingin sa unahan.
"Wala na sina Honey!!" malakas na sigaw ni Kael.
Maging si Indigo ay nagulat rito.
"Tara sundan na natin!!" sigaw nito saka sila sabay na tumakbo.
....
Sa kabilang banda naman ay abala ang dalawa sa paghahabulan nang biglang maligaw si Honey.
'Eh? Parang andito na ako kanina ah! Paikot-ikot ata ang daan dito eh!' sa isip isip ni Honey.
Nagpalinga-linga pa siya habang hinahanap ang binata.
"Bwisit talaga yun! Tinaguan ako ng hinayupak!" inis na saad ni Honey.
Naglakad pa ito nang unti nang makarating ito malapit sa isang eskinita.
'Putek! pag talaga ako na-r**e dito, mapapatay ko 'tong si Zane!' sa isip isip ng dalaga.
Dahan-dahang naglakad si Honey upang makalampas sa eskinitang iyon ngunit hindi pa man siya nakakalagpas ay bigla na lamang niyang naramdaman ang malamig na kamay na humawak sa kanyang leeg at tiyan.
"Huwag kang gagalaw," babala ng tinig na iyon. Malalim man ang tinig niyang iyon, ramdam pa rin ang kaunting kaba at pag-aalinlangan.
Nakaramdam man ng kaunting kaba ay pinilit pa ring tingnan ni Honey ang may-ari nang boses na iyon at humarap sa lalaki.
Sa halip na magalit ay isang kakaibang tunog ang mahinang kumawala sa bibig nito.
"Ugh!"
"Gago! Sabi na nga ba at ikaw 'yan eh!" inis na sigaw ni Honey saka tinadyakan ang lalaki.
"Sa-sabi nang huwag kang gumalaw eh!" impit na boses ni Zane habang iniinda ang sakit mula sa inabot na tadyak.
"Aba bakit naman huh? Gagahasain mo 'ko noh? Wag ako, Zane! Wag ako!" mataray na saad ni Honey saka nauna nang naglakad.
Napangiwi naman si Zane dahil sa sinambit ng dalaga. Alam niyang barako ang kaibigan gayumpaman ay hindi niya pa rin maiwasang hindi maakit rito.
Napatingin siya sa kanyang paahan kung saan siya tinadyakan kanina ng dalaga.
"Tsk! Mabuti na lamang at hindi napansin ni Honey ang nagawa kong ungol kanina! Napamali kasi ang pagkakahawak ko sa kanya, kaya nasa dehadong posisyon rin ako. Tapos gumalaw pa siya! Taena talaga oh!' inis na saad ni Zane saka napakamot sa ulo.
Ginulo nito ang kanyang buhok saka sumunod sa dalaga.
"Honey!!! Teka lang!" sigaw nito habang hinahabol ng kasama.
"Takte, bilisan mo! Nahiwalay na tuloy tayo kina Kael!" galit na saad nito
Napayuko naman ang binata. Sa huli ay silang dalawa na lang talaga ang naiwan kaya sabay na lamang silang naglakad pauwi.
........
Kael's PoV
Pagkauwi ko ay agad na tumambad sa akin ang dalawa kong kapatid na nakaupo sa upuan.
"Nasaan si mama?" tanong ko sa mga ito.
"Mamaya pa raw siya uuwi kuya, may raket daw eh," saad ni Sara saka ipinagpatuloy ang pagsusulat sa kwaderno.
Hindi ko naman na inabala pa ang dalawa sa paggawa ng assignments at umakyat na lamang sa loob ng kwarto ko. Sa totoo lang ay kahapon ko pa pinagiisipan na maghanap ng part-time job para makatulong sa gastusin sa bahay.
Gayumpaman, sigurado akong hindi ako papayagan ni mama. Isang beses ko na rin kasing nasabi kay mama ang tungkol sa part time job noon pero palagi niyang sinasabi na hindi ko kakayanin ang bagay na iyon.
"Asa ka pa, Kael! Ikaw? Magpa-part time job? Asus! Parang may kukuha sa'yo?! Dito ka na lang sa bahay at ikaw ang magasikaso ag trabaho rito,"
"Pero ma, gusto ko lang naman makatulong eh..." pamimilit ko pa.
"Sa tingin mo ay gustong humingi ng tulong mula sa isang loser na gaya mo? Wala! Wala, Kael! Kaya tigilan mo 'ko! Hala sige, maghugas ka na ng plato roon at magpupunta ako sa palengke,"
Napabuntong hininga na lamang ako sa na alala kong iyon. Siguro nga ay isang malaking loser ang gaya ko.
Ipinanganak na mahirap, walang jowa, mautak pa ang mga kaibigan. Naiisahan sa lahat ng bagay, walang laban sa mga bully at maging sa talino ay walang binatbat. Tsk! Kailan kaya ako tatamaan ng swerte?
Napahiga ako sa kama ko habang nakatingin sa kisame. Biglang bumalik sa ala-ala ko ang imahe ni Hana-sensei.
Mas matanda siya sa akin ng pitong taon pero bakit gan'to ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi tulad ng iba ay pakiramdam ko'y mas malalim itong nararamdaman ko sa kanya.
Para akong timang na napangiti habang inaalala ang unang araw na makita ko ito.
Napabalikwas ako sa kama nang marinig ang boses ni mama.
"Hoy Kael! Ano na!! Maghihiga higa ka na lang ba d'yan?" galit na sigaw ni mama.
Laglag balikat na lamang akong napatayo. Panira naman oh! Paulit-ulit na lang na ganito ang pangyayari sa buhay ko. Nakakabugnot na!
Kinabukasan ay ganoon pa rin ang naging ritwal ni Kael. Papasok, makikinig kahit na nakakawalang gana at maghihintay hanggang sa mag-lunch.
Habang naglalakad ay may narinig siyang mga boses na agad na nagpalingon sa kanya.
"Hahahha, totoo naman ah!" nakangiting pagsang-ayon nito sa kausap.
Wala sa sariling napangiti ang binata. Ramdam niya ang kakaibang bilis ng pagtibok ng kanyang dibdib at maging ang kaba niya ay hindi niya mapigilang hindi maipakita.
Kasalukuyang nasa likuran niya si Hana-sensei habang kasabay sa paglalakad si Professor Dex. Papunta na ito sa kanyang direksyon at makikiraan. Wala sa sariling mabilis na napagilid si Kael.
Kita niya ang ngiti ng babae sa malapitan nang dumaan ito sa mismong harapan niya. Ngumiti rin ito sa kanya at bahagyang yumuko. Bilang sagot ay yumuko rin siya ng bahagya.
Napapangiti na sana siya nang bigla niyang marinig ang malalim na boses ni Professor Dex.
"Get lost, you fool!" buong buong saad nito kahit na sa mahinang boses.
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig matapos marinig ang malalim na boses na iyon. Agad siyang napayuko. Aminin niya mab o hindi ay mahahalata ang epekto ng guro sa kanya. Nakakatakot ito.
'Hindi kaya totoong mag-nobyo ang dalawa?' tanong ni Kael sa sarili.