LMS 6

1549 Words
"Don't stare at her, you fools!!" sigaw ng kanilang prof habang galit na galit ang mukha. Halos lahat ng mga kalalakihan na kanina ay nakatulala lamang sa kanilang guro ay tila nagising sa katotohanan. Maging ang binatang si Kael ay bahagya pang napabalikwas sa inuupuan matapos magulat sa lakas ng boses na iyon. Mukhang nagulat naman si Miss Hana nang magalit ang kapwa guro. Mahina itong bumulong sa kasama. "Dex, baka naman matakot sa'yo ang mga 'yan," saway ni Hana ngunit hindi ito pinakinggan ng lalaki bagkus ay pasimple nitong itinaas ang salamin gamit ang dalawang daliri sa kanang kamay. Napangiwi naman ang dalaga nang hindi siya pansinin ng lalaki. Muli niyang ibinalik ang tingin sa mga estudyante at halata sa mga mukha nito ang pagtataka. Napaisip ito. 'Oo nga pala at hindi ko pa naipapakilala si Dex sa kanila,' mahinang bulong ni Miss Hana sa sarili. Saglit muna siyang napaubo upang kuhain ang atensyon ng mga estudyanteng nakatingin sa kasama. "Ehem, siya nga pala class. Siya si Professor Dex, palagi na natin siyang makakasama sa ilang klase natin dahil under observation ako ng admin and siya rin ang tutulong sa akin since bago pa lang ako sa ganitong bagay," nakangiting anunsyo nito. lukot naman ang mukha ng karamihan sa mga lalaki. "Tsk! Ano ba 'yan, mas okay na sa akin kung si Miss Hana lang eh!" "Oo nga, tsaka di naman na 'yan kailangan!" "Badtrip naman oh!" "Paepal ang putek!" Habang ang mga babae naman ay todo ang pagngiti nang makita ang kaseryosohan sa mukha ni Professor Dex. Kahit na kasi may pagkasungit ang ugali ng lalaki ay hindi pa rin maitatanggi ang kagwapuha nito lalo tuwing itinataas nito ang salamin. Para sa karamihan ay talaga namang nakakaakit ang habit niyang iyon. "Ang swerte naman natin... hihihihi" "Sana magturo rin siya sa atin, hehe" Napuno ng bulungan ang kwartong iyon ngunit hindi matutumbasan ng ingay na iyon ang malakas na tensyon sa pagitan ni Professor Dex at isa sa nga estudyante nito na si Indigo. Maging si Kael ay ramdam ito kaya naman hindi niya maiwasang mapakunot ang noo habang pabalik balik ang tingin sa dalawa. Nagulat na lamang ang lahat ng maglakad si Professor Dex palapit sa direksyon ni Indigo. Isang bakanteng upuan lamang ang nasa pagitan nina Kael at Indigo kaya naman hindi niya maiwasang kabahan para sa kaibigan. Natahimik ang lahat ng huminto sa paglalakad si Professor Dex sa mismong harapan ni Indigo. Ang iba pa ay napalingon sa amin upang tingnan ang nangyayari. Diretso lamang na nakatingin si Indigo kay Prof habang ganoon rin ang prof sa kanya. Dahan-dahang ibinaba ni Professor Dex ang sarili upang umabot rito na kasalukuyang nakaupo. Seryoso nitong tiningnan ang kwelyo ng binata at napatagilid ang ulo. "Mr. Indigo, ano ang rule 13?" tanong nito saka tumingin sa mga mata ng binata. Napaiwas naman ng tingin si Indigo ngunit saktong napapunta ito sa direksyon ni Hana-sensei. Wala siyang ibang nagawa kundi ayusin na lamang ang kwelyo niya na nagulo kanina bago siya pumasok. Parang pigil hininga ang ginawa ni Kael habang tinitingnan ang tensyon sa pagitan nang dalawa. Hindi na rin naman nagtagal ay pumunta na sa likuran ang guro saka diretsong tumingin kay Hana-sensei. Mukhang nakuha naman na ng babae ang ibig sabihin nito at inumpisahan na ang klase. Napasimangot naman si Indigo habang nakatingin sa harapan. Nabubwisit ito dahil saktong sa likuran niya rin nakaupo ang lalaki. Maging si Kael ay hindi magawang tanungin ang kaibigan dahil malapit sa kanya ang guro. Katulad ng mga normal na araw ay naging aktibo ang mga lalaki sa tuwing magtatanong si Hana-sensei. Ang ipinagkaiba lang ay pati ang mga kababaihan na gustong magpapansin kay Professor Dex ay aktibo rin sa klase. Nang matapos ang klase at nagsalita muna sa harapan si Professor Dex. "First of all, I don't like it when boys tries only to raise their hands just for the sake of Hana's attention. You don't even dare to think if you have the right answer, like you're just fooling around. Do you think I'm fooling around you, guys?" diretsang tanong nito na ikinagalit ng mga kalalakihan. "Tsk! Buti nga sumasagot pa eh," parinig ng isa. "Do you have something to say, mister?" Nakaramdam naman ng tensyon ang lahat matapos marinig ang sagot niyang iyon. "Wala, ayaw kong magkipag-usap sa'yo," mas mahinang sagot nito. "As far as I remember, you raised your hands about ten times but none of it is correct answer. You just want her attention right? You fool!" seryosong saad nito. Saka pa lamang naintindihan ng lahat na seryoso na nga ang guro base sa tono ng boses nito. "Second is that, you girl at the back, second to the last. I don't like your voice, please don't try to make it cute, cause it's not," saad nito na ikinayuko ng dalaga. Alam naman kasi niyang pinaliit niya lang talaga ang boses niya upang mapansin nito. " That's all" Wala nang iba pang nakapagsalita nang makalabas na ito. Maging si Hana-sensei ay nagulat sa sinabi ng kasamahang guro kaya naman siya na lamang ang humingi ng pasensya para rito at sinundan na palabas. Habang napadabog na lamang ang lalaking kasagutan ni Professor Dex kanina saka galit na lumabas ng room. Si Kael naman ay napatingin agad sa kaibigan nang makitang nakatunggo ito sa mesa. Hindi na lamang niya ito pinakinggan. Mabilis na kumalat sa campus ang nangyari kanina. May ibang nagalit lalo na ang mga kalalakihan ngunit mas maraming naangasan lalo na ang mga kababaihan na halos maihi na sa sobrang kilig. May iba naman na nakabuo ng konklusyon sa kung bakit ito sinabi ni Professor Dex. Marami ang nagsasabi na baka magnobyo si Professor Dex at Hana-sensei na pinaniwalaan ng karamihan. Ang iba ay nagselos habang ang iba naman ay kinilig. "s**t! Sana all, huhuhu gurl, look... ang sweet maging professor Dex," maarteng saad ng isa sa kaibigan. "Oo nga eh, and you know what, ayaw niya ring may nagpapapansin kay Miss," dugtong naman ng kausap. " Shocks, dapat pala sinagot ko na siya nung nanligaw siya sa akin dati, akala ko kasi plain lang siya eh," "Like nanligaw siya sa'yo, duh?" pambabara naman ng kausap saka sila sabay na natawa. Rinig na rinig ni Kael ang kwentuhang iyon ngunit ipinagkibit balikat na lamang niya iyon. Napayuko na lamang ito habang nakahawak ang dalawang kamay sa backpack. Ang totoo ay magkasabay silang dalawa ngayon ni Indigo na naglalakad papunta sa canteen ngunit parehas silang laglag balikat. Sa hindi kalayuan ay naabutan nila sina Zane at Honey na kumakaway sa kanila. Lumapit naman ang mga ito sa kanila. Mabilis na inakbayan ni Zane sina Kael at Indigo habang nakagitna sa dalawa. "Sikat na naman ang klase niyo ah!" malakas na sigaw ni Zane sa tainga ni Indigo. "Gago p're, sakit mo sa tainga!" reklamo naman nito saka hinawi ang pagkakaakbay sa kanya. Pasimple ring hinawi ni Kael ang pagkakaakbay ni Zane sa kanya saka umupo sa upuan na kaharap. Sa halip na mapakunot ang noo ay malakas pa na natawa si Honey kay Zane. "Hahaha ignored! Hahaha putek sarap ma-seen!!" walang mayaw na tawa ni Honey rito. Nakaramdam din ng hiya si Zane dahil rito at aminin niya man o hindi ay talagang asar talo siya sa dalaga. Sa halip na sagutin ito ay tinaasan na lamang niya ito ng gitnang daliri. Napamura naman si Honey rito ngunit hindi na siya pinansin ng binata. Sa huli ay ang dalawa lamang ang nag-ingay habang si Indigo ay tahimik pa rin. Napalingon naman si Kael sa mga kaibigan at kung minsan ay nakikitawa rin. Gayumpaman ay palaisipan pa rin sa kanya ang nangyari kanina sa room. ...... Sa kabilang banda naman ay hingal na hinabol ni Hana-sensei si Dex matapos nitong lumabas ng room. "Dex!! Professor Dex!" malakas na sigaw nito saka napahinto sa paglalakad ang lalaki. "What is it, Hana?" "Don't you think you're so harsh on them?" tanong niya rito nang tuluyan na siyang makalapit sa lalaki. Tulad ng inaasahan ay muling ginawa ni Professor Dex ang kanyang habit at itinaas ang suot na salamin gamit ang dalawang daliri. "What do you mean by that?" "What I mean is that, sobra ka na. Ang importante naman kasi ay may cooperation sila so don't take it seriously na para bang mali ang mag-recite!" galit na saad ni Hana. Napayuko lamang ang lalaki. "Isa pa, they don't raise their hands to get my attention! It is because they are trying to interact with me as their instructor!" dagdag pa nito. "You said it yourself, you are they're instructor. Act like one. Don't be too friendly with them. Isa pa, halata namang nagpapa-pansin lang ang mga iyon sa'yo, so please... don't spoil that kind of treatment towards you," istriktong saad ng lalaki saka tumalikod sa babae. Napakuyom naman ng kamao ang isa. "Why would I? Teaching is where the teacher and student interact with each other right? Then walang masama sa nagawa ko! At sa nagawa nila!" pagtatanggol pa nito. "Just don't do it, Hana. I hate it," Hindi na nakapagsalita pa ang babae matapos marinig ang katagang iyon. Sa tagal ng pagkakakilala nilang dalawa ay alam niyang seryoso ito ngayon. Wala na lamang siyang ibang nagawa kundi pumunta sa kanyang opisina at maghanda para sa susunod na klase.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD