Kael’s POV Napayuko ako habang dahan-dahang naglalakad palapit sa amin si Hana-sensei. Maski si Miss ay nanatili lang rin na nakayuko habang ang matandang naming kasama ay walang tigil sa pagsasalita.Napasinghap pa ako nang saktong malapit lang rin ang inupuan ni Hana-sensei sa inuupuan ko. “Haist, bakit ba ang tahimik ninyong dalawa?Wala bang kakausap sa akin? Iiwan ko na kayo kung ganoon,” saad ng matanda sa amin. “Hi-hindi po, Oba-san…Ahh, ano…” sambit nito saka napalingon sa akin. Nang makitang nakatingin rin ako sa kanya ay sabay pa kaming napaiwas ng tingin. “Ahhh ma-may nakalimutan lang po ako sa kwarto ko,ku-kukuni ko lang po sandali…” natatarantang saad nito saka mabilis na tumayo sa kanyang inuupuan at tumakbo palayo. Sinundan na lang naming ito ng tingin ng matandang kasama

