Kael's POV Ahh??? Ehh? Te-teka...na-nasaan ako? Agad akong napabangon sa kama matapos magmulat ang mga mata ko. A-anong bang nangyari kanina?? Napahawak ako sa noo ko habang inaalala ang nangyari kanina. Pagkatapos kasi naming mapunta sa lugar na ito ay agad akong isinama ng isang matandang babae papasok sa isang kwarto. Ipinaghanda rin nila ako ng makakain at sandaling iniwan. At dahil sa sobrang dami ng katanungan sa isip ko ay hindi ko na namalayan pa at nakatulog na pala ako. Napalingon ako sa labas. Kahit katiting na tunog ay wala akong narinig mula sa paligid ko at tanging ang paghinga ko lamang ang siyang bumabalot sa pandinig ko. Napayuko ako. Ngunit hindi pa man ako tuluyang napapahinga ay biglang marahas na bumukas ang pinto. Agad akong napalingon rito at nakita ang d

