Walang salitang mabitawan si Kael matapos mapayakap sa kanya ng mahigpit ang babae. Ramdam niya ang katawan nito sa kanyang balat kaya naman napapikit na lamang siya habang dinadama ang malamig na hangin na tumatama sa kanila. Hindi niya magawang imulat ang kanyang mata hanggang sa maramdaman ang dahn-dahang paglapat ng kanyang paa sa sahig. Ni hindi niya man lamang napansin na para na pala siyang lumilipad kanina dahil ngayon na lang ulit niya naramdaman ang sahig sa kanyang paahan. Unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata at bahagya pa siyang nasilaw matapos makita ang maliwanag na paligid. Napahawak siya sa kanyang noo at tinakpan ang liwanag na tumatama sa kanyang mata. "Ah...eh..." rinig niyang sambit ng babae sa kanyang mga braso at ganoon na lamang ang kanyang pagkakagul

