Napatingin na lamang si Kael sa mga customer na naglalakad papasok ng store. Bahagya siyang ngumingiti sa mga ito sa tuwing may dadating na bagong mamimili habang ganoon rin naman kapag palabas na rin ang mga ito. Kakarating niya pa lamang sa trabaho ngunit wala na agad siyang gana at para bang lutang talaga siya. “Maraming salamat po, sa uulitin…” nakangiting saad ni Kael saka bahagyang yumuko sa matanda pagkatapos nitong magbayad sa mga ipinamili. Hinintay niya munang tumunog ang maliit na bell sa labas ng pinto senyales na tuluyan nang makalabas ang matanda.Napakalalim na buntong hininga ang ipinakawala ni Kael pagkatapos niyon saka naupo sa katabing upuan. Agad naman siyang napansin ni Charmy kaya naman lumapit ito sa kanya. “Ang lalim ata ng iniisip mo ngayon ah,” komento nito sa k

