Patakbo akong pumunta sa room kahit na hingal na hingal na akong humahakbang sa bawat hagdan na nadadaanan ko.
Dahil sa pagmamadali ay hindi ko na namalayan ang nakaharang na box sa harapan ng pinto kaya naman huli na ang lahat at natisod na ako. Rinig na rinig ko ang tawanan ng mga kaklase ko sa paligid.
Tsk! Masakit ah! Mukhang napalakas ang pagkakasalampak ng mukha ko sa sahig.
"Mr. Kael, are you okay?" rinig kong tinig saka ako dahan-dahang napatingala rito.
Unang bumungad sa akin ang mapuputi ngunit malaman na hita ng isang dalaga. Sa hindi malamang dahilan ay bigla akong pinamulahan ng mukha lalo na nang makita kung sino ang may-ari ng mga hita na iyon.
"Ah...a-ayos lang po,"
Pinilit kong tumayo ngunit ramdam ko ang likido na tumutulo sa ilong ko. Tsk! Sana sipon lang ito at hindi dugo! Nakakahiya ka, Kael!
Huwag ngayon! Huwag sa harapan ni Hana-sensei!!
Dahan-dahan akong tumayo habang nakayuko at pilit na itinatago ang ilong.
"Are you okay, Kael? Baka may sugat ka, pumunta ka muna sa clinic," suhestiyon ni Miss ngunit ikinaway ko lamang ang kamay ko rito upang ipahiwatig na hindi na kailangan.
Pinilit kong iiwas ang paningin papunta sa guro dahil naaalala ko lamang ang magandang tanawin na nakita ko kanina. Sa tingin ko ay iyon rin ang dahilan kung bakit ako nagkaroon ng nosebleed.
Tahimik akong umupo sa upuan ko nang mahagip ng paningin ko si Indigo na bahagyang natatawa sa katangahan ko. Hindi ko na lamang ito pinansin at nagpatuloy sa pagkikinig sa klase.
Isang biology teacher si Hana-sensei at kahit na karamihan sa amin ay walang interes sa klase niya ay nanatili pa rin silang buhay lalo na sa recitation para lamang mapansin ng guro.
Mukhang hindi lamang ako ang may gusto rito. Pakiramdam ko nga ay halos lahat ng lalaki sa campus na nakakakilala sa kanya ay may gusto kay Hana-sensei. Kahapon lamang ito nag-umpisa magturo sa amin ngunit marami na agad itong taga-hanga.
Maliban kasi sa maganda nitong mukha ay nakakahanga rin ng ugali nito. Para siyang anghel kaya naman maski ako ay hindi maiwasang mapatitig sa kanya. Buong klase ata akong nakatingin lamang sa kanya at nakalimutan ko na rin ang magsulat.
Aaminin kong malabong magkatotoo ang ninanais ko ngunit gayumpaman ay hindi ko maiwasang mag-imagine.
Abala si Hana-sensei sa pagtuturo nang bigla itong tumingin sa akin at matamis na ngumiti.
"Naiintindihan mo na ba ako?" malambing na tanong nito sa akin.
Walang kasing lawak ang ngiting isinukli ko rito matapos marinig ang mga katagang iyon.
"Oo, naiintindihan ko na," wala sa sariling sagot ko.
Ngunit ang nakangiti nitong mukha ay unti-unting napalitan ng pagkakunot. Hanggang sa dahan-dahan itong naglakad palapit sa akin at doon ko lamang napagtanto ang pagi-imagine ko ng mga bagay bagay.
"Mr. Kael, are you really okay? Kanina ka pa nakatulala?" nag-aalalang tanong ni Miss sa akin habang nakakunot ang noo.
Shit! Nakakahiya, bakit naman kasi ako nagi-imagine eh sobrang tirik pa ng araw!
"N-no miss, okay lang talaga ako," mahinang sagot ko rito.
Kita sa mga mata nito ang hindi pagsang-ayon ngunit di rin nagtagal ay nagkibit balikat na lang iyo at bumalik sa pagtuturo.
"Okay, if you say so. Like what I'm talking about earlier, class let's go back to the topic..." saad nito saka muling lumakad papunta sa harap.
Napabuntong hininga naman ako dahil sa nerbyos. Ramdam ko ang masasamang tingin ng karamihan sa nga kalalakihan sa akin ngunit hindi ko na lamang ito pinansin.
Ilang minuto pa ang lumipas ay tuluyan na ngang natapos ang klase.
"Kael, punta ako sa library, ikaw?" tanong ni Indigo habang nakasukbit sa kaliwang balikat ang bag nito.
"Library? Anong gagawin mo dun?" takang tanong ko.
"May gagawin lang ako saglit. May nakalimutan akong i-search eh," saad nito.
Agad na nagtaas ang kilay ko. Himala ata at nag-initiate si Indigo na mag-aral mag-isa kahit na wala namang exam.
"Indigo, ikaw ba 'yan?" paninigurado ko rito.
"Gago! Ewan ko sa'yo! Sige na una na 'ko. Diretso ka na uwi 'di ba?" tanong nito.
"Oo" nag-aalinlangang sagot ko rito.
"Oh sige na, una ka na. Sunod na lang ako, pakisabi na rin kay Zane mauna na siya," saad nito saka mabilis na tumakbo palabas ng room.
"Anong meron doon?" mahinang tanong ko sa sarili.
Napailing na lamang ako hanggang sa matapos kong ayusin ang mga gamit ko. Napalingon na lamang ako sa ibang estudyante na nagtatawanan sa gilid ng hallway.
Karamihan sa kanila ay magnobya kaya naman napapailing na lamang ako dahil wala ako noon. Napayuko ako habang naglalakad ngunit sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako ang ulo ko na bumangga sa isang matigas na bagay.
Napatingala ako ako at bumungad sa akin ang isang mukha na hindi ko inaasahan.
"Ikaw pala 'yan, Kael," bati sa akin ni Rogue habang nakangisi.
Tsk! Minamalas ka nga naman oh!
"Anong kailangan niyo?" tanong ko rito.
Hindi ko ba alam ngunit mukhang nasanay na ako sa ganitong set-up. Dati pa man ay palagi na akong nabu-bully kaya naman normal na sa akin ang ganitong bagay. Ang isa pa ay sigurado akong may gusto ito mula sa akin kaya naman kailangan ko lang itong ibigay para tantanan na nila ako.
"Kailangan? Wala naman. Ang problema nga lang ay may nakarating na balita sa amin tungkol sa iyo," saad ni Rogue habang nakatingin sa akin ng diretso.
Ramdam ko na ang pamamawis ng mga palad ko sa sobrang kaba. Ano namang problema nila sa akin ngayon?
"An-anong balita?"
"Anong balita? Akala ko pa naman ay alam mo na. Ang tungkol sa bagong guro. Sa totoo lang ay hindi ko pa ito nakikita kaya di ko alam kung maganda ba talaga yun, pero eto ang sinasabi ko sa'yo.Tigilan mo ang pagpapapansin mo sa kanya, maliwanag?"
Agad na napataas ang kilay ko. Nagpapapansin?? Ako? Kay Hana-sensei??
Sana nga...
Sana nga at mapansin ako nito ngunit pakiramdam ko ay napakaimposible nitong mangyari lalo pa't napakalayo ng agwat namin sa isa't isa.
"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko rito.
"Huwag ka ngang magtanga-tangahan riyan, Kael!" malakas na sigaw ni Rogue.
"Wala talaga akong alam sa sinasabi niyo. Hindi naman ako nagpapapansin kay Miss Hana eh, maaaring yung iba, oo."
"Niloloko mo ba kami?" sabat naman ni Jazz at aktong aambahan ako ng suntok nang biglang umalingawngaw ang malakas ngunit matinis na sigaw ng isang babae.
"Hoy Jazz! Anong ginagawa niyo d'yan kay Kael ah!" malakas na sigaw ni Honey saka siga na lumapit sa amin.
Napalingon ako rito. Mukhang natigilan naman si Jazz matapos makita si Honey.
Hindi kaya, totoo ang sinasabi niya sa akin noon na may gusto siya sa dalaga?
Napailing ako. May gusto man siya o wala kay Honey ay wala na ako roon. Hindi ko na problema ang bagay na 'yun.
Nang tuluyan nang makalapit si Honey ay napatingin sa akin si Jazz at mukhang galit ito sa akin.
"Tsk! Anong problema?" maangas na tanong ni Honey.
Mukhang tuluyan nang natigilan si Jazz sa pagsasalita kaya naman magsasalita na sana si Rogue ngunit mabilis niyang tinakpan ang bibig nito.
"Ah wala... wala Honey, nagkakamustahan lang kami," pekeng ngiting saad ni Jazz habang buong lakas na pinipigilan ang paglikha ng tunog mula sa bibig ni Rouge.
"Ahh... oh tara na, Kael. Ano? Tutunganga na lang ba tayo rito?" inis na saad ni Honey saka mabilis na hinigit ang kamay ko.
Ramdam ko ang marahas na paghila nito sa kamay ko hanggang sa tuluyan na kaming nakalayo kina Jazz at Rogue.
"Ano sa tingin mo ang pinapasok mo naman, Kael. Gago ka! Wala kang laban doon kina Jazz, buti na lang at dumating ako at kung nagkataon, aba! Pasa na naman abot mo," sermon nito sa akin saka marahas na binitawan ang kamay ko sabay talikod.
Napabuntong hininga ako. May tama naman siya roon. Kung hindi siya dumating ay malamang bugbog na naman ako.
Nakakahiya man ngunit si Honey ang palaging nagtatanggol sa akin. Bakla man pakinggan ngunit yun ang totoo. Hindi ko ba alam ngunit pakiramdam ko ay sayang lamang sa oras kung lalaban pa ako sa mga ito.
Sabay kaming naglalakad ni Honey papunta sa parking area. Tahimik lang rin ito at mukhang may kausap sa phone. Balak ko na muna sana itong ihatid sa parking para sana di na ito mahirapan.
"Gago!" malakas na sigaw ni Honey sa phone. Mukhang tama nga na may kausap ito.
"Loko talaga 'tong si Zane, mapapatay ko talaga ang taong 'to eh...nasa dulo pa daw pala ang motor ko! Bwisit!" reklamo nito saka muling naglakad.
Mga ilang minuto pa ang itinagal nito hanggang sa matanaw namin si Zane habang prenteng nakaupo sa motor ni Honey.
Mukhang nagulat pa si Honey nang makitang nakataas pa ang mga paa ni Zane habang nakaupo rito.
"Gago ka, Zane!! 'Wag mong dumihan si Mikey!" reklamo nito saka pinaghahampas ang braso ng binata. Hinayaan ko lamang ang dalawa hanggang sa mapagod ang mga ito.
"Siya nga pala, isasabay natin itong si Kael?" takang tanong ni Zane.
"Oo" sagot nama ni Honey.
Magrereklamo pa sana si Zane ngunit wala siyang magawa lalo na't sinabi na iyon ni Honey. Sa huli ay tatlo kaming nakasakay sa motor ni Honey. Si Zane ang nagmamaneho lalo na't ito lamang ang may kayang magmaneho bukod kay Honey. Habang ako naman ay nasa gitna at nasa likuran ko naman si Honey.
"Gago, p're, layo layo ka sa akin" saad ni Zane nang maramdaman na sobrang lapit namin sa isa't isa. Ako kasi ang nasa likuran nito na sa halip ay si Honey kaya naman sobrang badtrip ito. Habang ang dalaga naman ay siyang nakaupo sa likuran ko at bahagyang nakakapit sa uniporme ko.
Hindi rin nagtagal ay inumpisahan na noon ang pagpapaandar ng motor.Hindi ko man aminin ngunit ramdam ko ang hinaharap ni Honey na sunod sunod na kumakayas sa likuran ko.
Oh s**t! Barako man ang kilos ni Honey minsan ay totoo ngang babae pa rin ito.