Isang putok ng baril ang pumunit sa katahimikan ng gabi. Sa loob ng ilang segundo, tila huminto ang oras. Napasinghap si Serena, napaatras si Elio, at ang mga panauhin sa hardin ay nagsitakbuhan sa takot. Ang tanong: sino ang pinuntirya? "Serena!" sigaw ni Elio, agad siyang humarang sa dalaga, niyakap ito habang binabantayan ang paligid. Umalingawngaw pa ang huling ugong ng baril sa kanilang pandinig, kasabay ng lagaslas ng hanging tila may dalang babala. “Walang tinamaan,” bulong ni Elio, ramdam ang panginginig ng katawan ni Serena habang nasa mga bisig niya ito. “Pero hindi ‘yan ang huling putok.” Hindi na nila kailangang hulaan. Mula sa likod ng mga haligi ng Monteverde estate, may kumaripas ng takbo—isang aninong may hawak na baril. Itim na hoodie, mukhang pamilyar pero mabilis na

